Minabuti niya na magayat na ang mga sangkap para sa carbonara, pinakuluan na rin niya ang noodles at maging ang mga agamitin niya sa sauce ay inihanda na rin niya. At matapos ang halos 20 minutes ay nakaluto na agad siya ng carbonara na para sa pang meryenda nilang lahat. Bumili din sila ng iba't-ibang kalse ng tinapay na pwede nilang pagpilian para walang magreklamo kung ano ang gustong kainin. Tsaka bumili din siya ng malalaking softdrinks na inilagay na agad ng kanyang kuya Elmer sa ref para nga naman mas lumamig pa iyon. Kaya naman matapos niyang magluto ay inilabas na nito ang softdrinks sa ref at bagay na bagay lamang iyon sa kanilang meryenda na carbonara lalo na at napakalamig niyon dahil sa freezer nilagay. "Uhhmmm, The best ka talaga bunso, sobrang sarap talaga ng carbo