“Anong ginagawa mo dito umalis ka na hindi kita kailangan dito! Hindi ba't nag-usap na nga tayong dalawa hinihintay ko ang pagpirma mo sa annulment papers pero bakit masyadong mo pa akong pinapahirapan? Tapos ngayon nandito ka sa pamamahay namin hindi ka man lang ba nahiya na magpakita dito?” hindi makapaniwalang turan niya sa lalaki. Wala siyang kaalam-alam ay nasa may garden na pala sa may duyan malapit sa pinaglibingan ng kanilang anak. “Gusto ko lang namang makita ka, hindi ko naman akalain na lalabas ka pala ng bahay. Gusto ko lang din na manatili dito kung nasaan ang ating anak para kahit papaano makilala pa rin niya ako at mapatawad niya ako. Pero salamat dahil lumabas ka kaya hindi na ako nahirapang makita ka pa. Kanina pa kita tinatanaw sa may terrace kaya lang nandoon ka sa m