Pagdating ni Eva sa kanilang bahay ay agad siyang dumiretso sa kanilang silid. Napakalungkot ng bahay, malaki iyon pero mag-isa lamang siya. Ang bahay na minsang pinangarap niyang mapuno ng tawanan ng mga anak nila ni Audrix ngayon ay wala ng kabuhay buhay, animo haunted house na dahil hindi rin siya naglilinis. Nawalan na rin kasi siya ng pakialam sa paligid. Minabuti niyang pumasok na sa silid nila. At doon umupo siya sa kama at nakatulala habang nakatitig siya sa wedding picture nilang mag-asawa,. Malungkot ang kanyang mga mata habang nakatuon doon, at ganon din sa lahat ng mga kagamitang nandoon na nakakapagpapaalala sa kanyang asawa. Hanggang sa naiyak na siya habang pinagmamasdan ang mga iyon tsaka hinawakan niya ang mga photo album na makikita kung saan napakasaya nilang da