"Sa wakas matitikman ko na ulit ang masarap na luto mo Bunso. Sa Teraza de Milyones ba ikaw ang nagluluto doon o may mga kasambahay kayo?" Tanong naman ng kanyang kuya Elmer. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Binata pa pero masyadong pasaway mahilig sa basketball at puro barkada. Pero syempre mabait ito at mapagmahal na anak at kapatid. "Hindi po ako Kuya ang nagluluto doon sa bahay. Bale may kasambahay po kami ayaw din kasi ni Audrix na ako ang kumikilos. Kung maaari nga lamang sana ako na lamang at hindi na namin kailangan ng kasambahay. Alam niyo naman po na talagang hindi ko iaasa sa ibang tao ang mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto. Syempre lalo na ang pag-aasikaso sa aking asawa kaya lang ang mga biyenan ko po ang may kagustuhan na maglagay doon ng kasambahay kaya wala nama