Kanina pa paulit-ulit na tumatawag si Eva sa number ng asawa pero hindi man lamang siya nito sinasagot patuloy lamang iyon sa pag ring at napakarami na rin yang text message at chats pero ni isa ay wala man lamang sinagot ang kanyang asawa kahit na sa messenger ay hindi man lamang sini-seen ang bawat message na isini-send niya. Ni hindi na nga siya nakakain dahil sa pag-aalala sa kanyang asawa, nawala sa kanyang isipan ang hinala dito na may ginagawang kalokohan dahil hindi naman ito gano'n. Mas lamang iyong pag-aalala sa kanya, kasi kapag hindi naman ito makauwi sa itinakdang araw na pag-uwi nito ay tumatawag ito at nagta-chat man lang o nagte-text. Pero ngayon talaga ay wala hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung anong naging kanyang kasalanan dito, bakit hindi umuwi. Samanta