“Wala na po kaming dapat pang pag-usapan ng anak ninyo, okay na po ako at nagsisimula na rin po ako ng panibagong buhay. At kung hinihingi po niya ang aking kapatawaran ay malugod ko yung ibibigay sa kanya. Sa katunayan nga po dati ko na siyang pinatawad. Pero yung makipagkita, kahit hindi na po siguro okay na po kami. Okay na po ako at wala na akong sama pa ng loob sa kanya.” Wika niya sa mag-asawa. Pinapasok kasi ang mga ito ng kanyang itay para makausap siya dahil hinihiling ng mga ito na makita siya at kung pwedeng makausap siya ni Audrix. Kaya sinabi na lamang niya sa mga ito na okay na, wala ng problema at naka-move on na rin naman siya. Okay na ang lahat para sa kanya kaya mag-move on na lamang din ito . Pa-special pa kasi, ang sabi ng mommy ni Audrix, magtungo daw siya sa baha