Pumasok siya sa bahay ng mga ito, kasunod siya ng kasambahay na tumawag sa kanya. Nasa sala ang ina ni Audrix, at masama ang pagkakatingin nito sa kanya habang papalapit sila ng kasambahay. “M-Mommy.....” Nabigkas na lamang ni Eva ngunit hindi pa man lamang niya natatapos ang sasabihin ay agad na natigilan siya dahil mag-asawang sampal ang natamo niya mula sa ina ni Audrix. Gulat na gulat naman siyang napahawak na lamang sa pisnging nasaktan halos mamula iyon. Bumakat pa ang kamay ng ginang dahil sa makinis at maputi nga ang kanyang pisngi. Pulang-pula ang dinapuan ng palad nito pero mababakas doon ang palad nito dahil siguro sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Maang na napatingin na lamang siya sa ginang na noon ay nakapamaywangan pa habang nakatingin sa kanya at tila galit