CHAPTER 4:
AS MY MOUTH PARTED AFTER Nicolai asked that question, his face turned pale white! Why did he ask? E alam niya namang lingerie photoshoot ito, s’yempre kailangang sexy ang dating!
“What do you mean?” Henly asked Nicolai.
Nakita kong napalunok siya sa tanong na iyon ni Henly, mukhang wala siyang makuhang sagot. Ilang saglit siyang nakatitig lang kay Henly na para bang naghahanap siya ng sagot sa mukha ni Henly. Oh God! Why am I feeling something in my stomach? Is it the butterflies?
“W-what I. . . I mean, she’s sexy enough to impress those who will buy that lingerie. So, why does she need to pull down the strap?” palusot niya.
I smiled and looked away. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko, takbuhin ko siya at halikan dahil he’s super cute!
“Mr. Olivero, as much as possible, we want her to look sexier and sexiest to encourage our buyers to buy the lingerie,” Supervisor Elvira explained.
Muli kong ibinaling ang tingin sa kaniya, and saw his nervous expression. Suminghap siya at saka ngumiti nang malapad. s**t, he was really, really cute talaga!
“Ah, gano’n ba?” Napakamot pa siya sa sentido.
“You know, I guess you’ve already chosen the best model for your O’ Sweet Night Bar, Nicolai,” puna ng manager kong si Mikky.
Gosh, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang tungkol sa alok ni Nicolai. Paano ko nga ba kasi sasabihing inalok ako ni Nicolai pero hindi ako nagpa-presyo? Instead, I asked for his body in return?
Hindi sumagot si Nicolai sa sinabing iyon ni Mikky, instead, he looked up at me and then smirked like he knows my dirty little secret. Hindi ako kumibo, ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Henly na ngayon ay gusto nang tapusin ang first lingerie para maisuot ko na ang susunod which is the pajamas.
Sa buong photoshoot, naroon lang si Nicolai, nakatitig sa akin na para bang hinahalukay ang buo kong pagkatao. His face says it all, he wants me to be the new model for his bar but how the hell is he going to do that if he doesn't agree to my condition?
Alas tres ng hapon the supervisor call for a break. Nagpasalamat ako dahil napapagod na rin ang katawang lupa ko. Pagkatapos nitong break, huling nighties na ang isusuot ko. Iyong pinaka-sexy at bakat ang n*****s ko. Kaya galit na galit si Dad. He can’t take seeing his only daughter wearing sexy lingerie and his workmates kept on drooling over me. Ang mamanyak din talaga ng mga lalaking ‘yon. Nahuli raw sila ni Dad na tinitingnan ang picture ko. But for me, that’s all fine. As long as they didn’t see the whole thing and it’s not porn. Para sa akin, hindi niya dapat ako ikinakahiya. He raised a sexy and pretty woman, he should be proud!
“Hey.”
Nag-angat ako ng tingin kay Nicolai nang tumabi siya sa katabing upuang inuupuan ko. Inilapag niya ang isang bote ng tubig sa harap ko and then he smiled.
“Thanks!”
Kaming dalawa lang ang nasa table kassi umalis si Mikky to take some call. Nahihiya tuloy ako, at the same time ay kinikilig. Nahihimigan ko na’ng nagpapahiwatig na siya pero kailangan kong i-maintain ang poise ko. I don’t want him to think na habol na habol ako sa kaniya. He should chase me instead.
“Uhm, about my offer. . .” he said.
“Hmm?” I asked.
I guess he's going to say it na! Oh gosh! I can’t wait. . .
“Forget about it. Don’t worry, I won’t tell anyone that you offered me your. . . you know,” he said.
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. “What?”
Nabibingi lang ba ako o totoo ang narinig ko?
“Let’s disregard my offer, I don’t think I can work with you.”
Damn, hindi ko iyon. I gulped and my body started to shiver. I want to cuss him and tell him na ang bobo niya para hindi pa ako patusin. Halata naman sa kaniyang gusto niya akong kunin as his model pero bakit ayaw niya pa? I want to cry knowing that maybe, I was just thinking that he’s attracted. Siguro dapat hindi ako masyadong umasa.
I sighed. “Okay, but don’t get it wrong. You’re the only man I offered that,” I said. “Baka isipin mo kasi, lahat ng kumukuha sa akin as model, iyon ang gusto kong kapalit. I’m a bit picky.”
Marahan siyang tumango. “Why me, then?” he asked in a serious tone.
I shrugged. “You’re just. . . an exception.” I stood up. “Excuse me, I need to go. Thank you for the water,” I said and grabbed the bottled water and walked away from him.
I tried very hard to maintain my poise as I walked away from him. Nanginginig ang katawan ko nang dahil sa sobrang inis at. . . pagkabitin! I thought all of my dreams about him were about to come true but what happened just now broke me apart. I want him badly, to the extent that I want to step back and ask him why he doesn’t want to work with me? But my pride is higher than that and so I continued walking keeping the tears tucked. I will never shed a tear until I get him. Hindi pa kami tapos, I will do everything to get him no matter what.
Nang matapos ang break, hindi ko na nakita pa si Nicolai sa studio. Umalis na siguro dahil hindi na nga siya interesado sa akin. Nawala tuloy ang inspirasyon ko that Henly kept on asking me to do better. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam kaya nahihirapan akong mag-isip ng susunod na pose. This nightie was the one I want him to see because it is semi see through.
“Bakit umalis bigla iyong si Nicolai? Ang sabi niya sa akin, ang ganda mo raw at bagay na bagay na maging model ng Bar niya. Akala ko nga kakausapin niya na ako. Hindi ka ba niya kinausap?” tanong ni Mikky.
Abala kami sa pagliligpit ng mga gamit ko at gamit niyang nagamit sa photoshoot.
I sighed after putting the wipes on my bag. “I don’t know, akala ko rin. . .”
Isinara ko ang bag ko saka ko nilingon si Mikky. I saw him pouting his lips like he was pitying me.
“Are you okay? I know you’re upset. Alam kong malaki ang pagkakagusto mo kay Nicolai.”
Nagkibit-balikat ako saka siya nginitian, ayaw kong mag-worry siya nang dahil lang hindi ako kinuha ni Nicolai as his bar’s model. Lalo na’t hindi pa naman ako sumusuko. I know there’s still a way. I just need to figure out what it is.
“Don’t worry about me, I’m not upset.”
Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat saka bumeso sa kaniya para magpaalam na uuwi. Alas-sais na at sigurado akong nakabusangot na naman ang mukha ng Daddy kapag nakita ako. Sunday kasi ngayon at rest day niya kaya nasa bahay. ‘Pag ganitong nasa bahay siya, ayaw na ayaw kong pumirmi sa bahay dahil ako palagi ang pinag-iinitan niya. Never niyang napag-initan si Rexel na mahal na mahal niya at super close pa nga.
Pagpasok ko sa kotse, napansin ko kaagad ang phone ko na nakalapag sa passenger’s seat. Kaagad ko ‘yong dinampot and then I turned it on to see if someone messaged me or if I missed a call. I saw a missed call from Margarette. Kaya I called back to know the reason why she called. Ilang saglit lang, sumagot na kaagad siya.
“Hello?”
“Why did you call? I’m in the photo shoot earlier, sorry.”
“It’s fine, tumawag lang ako just to ask if you can come with us later tonight,” she said.
Nangunot ang noo ko saka sumandal sa backrest. Sobrang inaantok na ako at pagod.
“Saan?”
“Hello? ‘Di ba napag-usapan na natin noong nakaraan? Ikaw pa nga ang excited na excited! Every Sunday tayo sa O’ Sweet Night! O baka naman na-get mo na si Nicolai kaya okay ka na? Ano?”
I rolled my eyes. Bakit ba palaging si Nicolai ang binabanggit ng mga tao sa paligid ko? Kairita!
“Can we please don’t talk about Nicolai for I guess, maybe for a week? I just need to move on.”
“Huh? Anong move on? What happened?” she asked worriedly.
“I’ll tell you what happened once we meet again. I don’t think I can go with you tonight, pagod talaga ako.”
“Okay, rest well. We’ll enjoy the night!” she chuckled.
I smiled. “Hindi naman ako maiinggit.”
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap para makapag-drive na ako pauwi ng bahay. Bago pa ako abutan ng antok.
Pagkarating ko sa bahay, kaagad na sumalubong sa akin si Dad. Magkarugtong ang makakapal niyang kilay at kulang na lang ay umusok ang ilong sa sobrang inis. Halatang nainip kahihintay sa akin. Ganyan naman siya kapag kinakausap ako.
“Talagang umalis ka, huh? Hindi mo manlang naisip na baka galit ako nang payagan kitang umalis?”
Umirap ako at saka bumuntonghininga. “Dad, pwede ba?”
Pagod ako para makipag-away pa sa kaniya. Kaya nilampasan ko siya at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya ganitong pagod ako at gustong-gusto ko na’ng matulog.
“Eury! Huwag mo akong talikuran! Kinakausap pa kita!” galit na tawag niya sa akin.
“Dad, kung ayaw mong mas magalit ka sa akin, please lang huwag ka na’ng makulit. Pagod ako.” Malapit na sana ako sa hagdan nang mapahinto ako dahil sa paghaklit niya sa braso ko.
“Ako rin, pagod na pagod na ako sa ‘yong bata ka. Hindi ka ba nakokonsensya sa mga pinaggagawa mo sa akin? Sa pagiging matigas ang ulo? Eury Jazz, matanda ka na! You should know how to respect your father!” tila bulkang sumabog ang lahat ng lumabas sa bibig ni Dad.
And I can’t help but to face him. “Respect you? Paano kita rerespetuhin kung ako nga, hindi mo nirespeto?”
“Eury!”
“You didn’t respect me as your daughter, Dad. Isang buwan pa lang na nawala si Mommy, nagdala ka na kaagad ng panibagong babae sa bahay. Take note, that woman is the reason why Mom died. Kung bastos ako bilang anak, mas bastos ka bilang ama. You didn’t know how to respect my feelings so why should I respect you as my father?”
“Sobra ka na!” Inangat niya ang kamay niya, aambahan sana akong sampalin.
“Sige, sampalin mo ako! That will only prove that you don’t really deserve my respect.”
He let out a deep breath as his face turned red. If he’s mad at me, mas galit ako sa kaniya. Bago pa ako makapagsalita ng mas masakit pa sa mga nasabi ko, dumiretso na ako paakyat sa second floor to go in my room. The moment I closed the door, bumuntonghininga ako at naglakad palapit sa kama. Gusto kong umiyak pero hindi dapat. Hindi ko na dapat iniiyakan ang mga ganitong eksena namin ni Dad. Masyado na’ng marami ang luha sinayang ko para lang sa tatay kong hindi naman kailanman pinahalagahan ang feelings ko. Puro feelings niya lang ang iniisip niya. If he could at least be considerate of my feelings then maybe we are okay. Ang kaso, siya na nga ang may kasalanan, siya pa itong palaging galit sa akin. . .
Kalahating oras yata akong nakahiga sa kama bago ako bumangon at dumiretso sa banyo para mag-shower. Hindi ako makakatulog kapag hindi ako nag-shower.
Pakiramdam ko naginhawaan ang buo kong katawan. I was busy blowering my wet hair while sitting on my bed in a white robe when a message popped into my phone’s screen.
In-off ko ang blower at inilapag sa side table para tingnan kung ano mang photo ang ini-send sa akin ni Margarette. Inis na nga ako mula pa kanina, mas nainis pa ako nang makita ang message niya.
From Margarette:
Hey Jazzy! Look at your Nicolai, he’s flirting with another model from Branddy Molly!
She inserted a photo of Nicolai with Maria Juanna who has sexy fake boobs that is also a model from my Branddy Molly. Galit ang namutawi sa dibdib ko. Iyan ba ang dahilan kung bakit niya ako ni-reject? May nakita na siyang mas malaki ang boobs?
Kaagad na nagtipa ako ng message for Margarette.
Me:
I’ll go there. Just give me time to be sexier than that fake boobie w***e.