CHAPTER 5:

2393 Words
CHAPTER 5: NAKANGISING NAKATINGIN AKO SA salamin habang nagsusuklay ng buhok. I need to tie my hair to reveal my sexy tattoo on my shoulder blade—a dream catcher. This tattoo is memorable to me. After my Mom died, and after my Dad bring his mistress in our house, I rebel to him using this tattoo on my 18th birthday. Hindi ako um-attend ng sarili kong debut, instead, sinamahan ako ni Conor na magpa-tattoo ng dream catcher. A dream catcher that will catch all of my bad dreams. That’s the first time na nagrebelde ako sa Daddy ko. Tapos na akong magbihis ng damit na alam ko at sigurado akong magugustuhan ni Nicolai the moment he will see me. A black strap crop top and faded jeans. Black boots naman ang suot kong sapatos. Gusto niya ng malaking boobies, I will show him the boobies he’ll like. These are all natural, unlike those fake boobies he was haunting right now. Bitbit ang Gucci handbag na regalo pa sa akin ng bestfriend kong si Conor, lumabas na ako ng kwarto at dire-diretsong bumaba ng hagdan. Mabuti na lang at hindi ko na naabutan pa si Dad roon, for sure na nasa kwarto niya na. Palabas na sana ako ng pinto nang makarinig ako ng mga yabag ng paa palapit sa akin. “Gabi na, Eury.” I rolled my eyes and turned my head to him. “Why do you care?” He sighed and then walked towards me. “Pagod na ang Daddy mo sa kasasaway sa ‘yo, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Baka kung ano pa ang mangyari sa ‘yo sa daan.” “Rexel, hindi ka dapat nangingialam sa problema namin ni Dad, and if you really care about me, then just leave me alone.” Tuluyan ko nang binuksan ang pinto saka lumabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi niya na ako kinulit pa dahil ayaw ko na’ng mas lalong sumakit ang ulo ko nang dahil sa kanila. Pagod na pagod ako sa maghapon pero nawala ang lahat ng iyon at napalitan ng pagkainis nang dahil kay Dad at kay Nicolai. Hay, pare-pareho talaga ang mga lalaki, mga sakit sa ulo! Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil sigurado akong iinom ako ng alak at malalasing ako. For sure na hindi na ako makakapag-drive. More than anything else, I love my life. Nang makalayo na ako sa bahay, nag-book kaagad ako ng cab na maghahatid sa akin sa O’ Sweet Night Bar. Halos fifteen minutes din akong nakatayo roon, naka-ilang tingin ako sa suot kong kulay rose wartz na Rolex. Mag-aalas nuwebe pa lang ng gabi at for sure na hindi pa nagsisimula ang sayawan sa dance floor. I need to dance Nicolai tonight no matter what. “Kuya bakit ang tagal mo?” iritang tanong ko sa driver. He smiled awkwardly. “Sorry po, Ma’am.” Pagkasakay ko sa cab, kaagad niya na iyong pinaandar. Pakiramdam ko napakatagal ng byahe kahit pa ang bilis na ng pagpapatakbo niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating ako sa O’ Sweet Night Bar. Nagmamadaling pumasok ako roon habang tinatawagan si Margarette. Pagkapakita ko sa ID ko sa bouncer, pinapasok niya na ako at sakto namang sumagot si Margarette. Bumungad sa akin ang maingay na background, sumalubong pa pati ang pagpasok ko dahil sobrang ingay na at nagsisimula na’ng magpatugtog ng party music, nagsisimula na’ng malasing ang mga tao. “Where are you?!” pasigaw na tanong ko. “I can’t hear you, Eury! Text me!” she shouted back. Napairap ako at ibinaba ang tawag saka ako gumilid para hindi ako matamaan ng mga tao. I was busy texting when someone’s hand wrapped around my waist. Nanlaki ang mga mata ko, walang ano-anong tinabig ko ang kamay ng humawak sa bewang ko. I turned my head to see him. I sighed in relief the moment I saw Conor’s smiling face. “Conor!” I rolled my eyes. His lips curved into a smile and then chuckled. “Hindi mo ba ako na-miss?” Sinamaan ko siya ng tingin, na-miss ko siya pero kinabahan ako sa ginawa niya. Akala ko naman may bigla na lang humawak sa bewang ko na kung sino! “Bakit kasi bigla-bigla ka na lang nanghahawak ng bewang?” Mas lalo siyang natawa na para bang nakakatawa iyong ginawa niya. “Galit kaagad? Mukhang mainit yata ang ulo mo ngayon.” Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Somehow, nakonsensya ako dahil ang tagal naming hindi nagkita tapos ang bungad ko sa kaniya ay naiinis na reaksyon. “Sorry, I was just exhausted. Galing kasi ako ng photoshoot kanina.” “Magkaaway na naman ba kayo ni Tito Jacob?” “Kailan ba kami nagkabati?”  Napailing na lamang siya and we both laugh. “So, kailan ka pa nakauwi—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may makabangga sa akin sa likod at nasubsob ako sa dibdib ni Conor. He quickly caught my back and then shouted. “Mag-ingat ka naman!” Marahan akong lumayo sa kaniya and then I saw a hint of make up on his navy blue polo! “You should wipe that off!” Turo ko sa dibdib niya. Bumaba naman ang tingin niya sa sarili niyang dibdib saka napailing. “Oh God! You should wear light make up next time, maganda ka naman na kahit na wala.” I pouted my lips then looked up at him. Tiningnan niya rin ako gamit ang mga mata niyang may halong pagka-inis. “Sorry.” Inangat ko ang kamay ko at ipinakita ang peace sign. Nanliit ang mga mata niya saka kinurot ang pisngi ko. Agad na napadaing ako sa sakit, ang hapdi! “Ah! Ouch!” Ang sakit! For sure na namula ‘to! “Ang sakit, Conor!” He chuckled. “Halika na at dadalhin na kita sa mga plastic friends mo. Babalikan ko pa iyong mga kasama ko.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako. “Alam mo kung nasaan sila?” “Yup, I’ve seen them earlier.” “Okay, so why didn’t you text me after you get back?” “I just got home early this morning. May jetlag ako kaya nagpahinga na muna ako. Kaso kanina pagkagising ko ng hapon, niyaya ako nila Orion na pumunta rito. Pumayag ako kasi gusto kong makita ang Bar na pagmamay-ari ng crush mo.” Hindi ako sumagot. Mukhang mapupunta na naman kasi ang usapan kay Nicolai. E ayaw ko na muna siyang pag-usapan ngayon dahil naiinis pa rin ako. Pero baka mamaya pwede ko nang marinig ang pangalan niya after I started teasing him. Iyan ay kung magpapakita siya mamaya. Ilang pakikipagsiksikan lang sa mga tao, narating na namin ang kinaroroonan ni Margarette at Tracy na parehong may kasamang lalaki. “Eury Jazzy!” bulalas ni Tracy nang makita ako. Saglit lang iyon at bumaling naman ang tingin niya kay Conor.  “Conor! Nice seeing you again,” Margarette exclaimed.  Pareho silang namumula na ang mga mukha at pareho ring nagdu-drool sa best friend ko. Ang lalandi talaga, may mga kasama na ngang lalaki. Hindi sumagot si Conor sa sinabi ni Margarette, instead, pinaupo niya ako sa pinakadulo kung saan wala akong katabi. “I’ll be back, pakibantayan muna itong si Eury.” Hindi na kami nakasagot nang umalis na si Conor. Alam kong nainis iyong dalawa. Pareho nilang crush si Conor the moment they saw him. Ang gwapo kasi talaga niya. Matangos ang ilong, maputi at may freckles sa magkabilang pisngi. Maganda pa ang hubog ng katawan at matangkad. Conor Michaels is a half-American kaya ganoon na lang siya ka-gwapo, mala-hollywood star kaya ang datingan niya kaya laway na laway itong mga babaitang ‘to sa kaniya. “Kalma, babalik ‘yon,” I chuckled. Bumaling ang tingin nila sa akin. Doon ay lumabas na ang pagka-chismosa mode ng dalawa. “Girl, ano? Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari sa inyo ni Nicolai!” Si Margarette na mukhang sabik na’ng malaman. Tiningnan ko pareho ang mga kasama nilang lalaki. Mukhang na-gets naman ni Tracy ang ibig kong ipahiwatig. “Boys, can you step out for a while? We are going to have a girl talk,” ani Tracy. Parang mga tuta namang pumayag iyong dalawa at kaagad na umalis. Hinintay ko silang makalayo bago ako lumapit sa dalawa at sinimulang i-chika ang lahat. When it comes to them, hindi ako nahihiyang i-kwento sa kanila ang lahat. They know every little secret I have! “Oh gosh, I can’t believe he refused you!” bulalas ni Margarette. “Oo nga, he refused a Goddess,” sabat pa ni Tracy. I sighed. “Pero hindi ako susuko. Nasaktan ako sa pag-refuse niya sa offer ko but I won’t back off that easily.” “Jazzy, hindi ba paghahabol ang tawag d’yan? ‘Di ba wala sa bokabularyo mo ang maghabol sa lalaki?” Margarette asked. I shrugged. “If it's him, why not?” They both shook their heads like I was being crazy here. Pero kasi, siya lang talaga ang lalaking gusto ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kaniya nang ganito. I don’t like it either but the moment he refused me, he became a challenge. Ilang saglit pa ay bumalik na iyong dalawang boys, kasunod si Conor. Umiinom na ako ng tequilla nang maupo si Conor sa tabi ko. “Iniwan ko na ang mga kasama ko para sa ‘yo,” aniya. Nilingon ko siya saka ngumiti. “Thanks! Love na love mo talaga ako ‘no?” “Sigurado ba kayong walang namamagitan sa inyong dalawa?” tanong ni Magarette kaya pareho kaming napalingon sa kaniya. “Eew!/Yuck!” sabay na bulalas namin ni Conor. We both laugh at that. Akala kasi ng iba, being best friends with an opposite s*x is like you’re having friends with benefits pero hindi ganoon sa amin ni Conor. Bata pa lang magkaibigan na kami, since grades school to be exact. And we remembered we had a couple of heartbreaks with our exes and puppy loves. We tried to just settle with each other. Siya o kaya ako ang nagsasabi na subukan naming maging couple, kasi baka kapag kami ang magkatuluyan, baka no heartbreak, but each and every time we tried, we end up laughing at each other. Nandidiri kami pareho! It was like, forbidden. “Don’t ever think that we will end up with each other, Margarette. We even try to kiss and have s*x before,” I said. “What?” parehong tanong ni Margarette at Tracy. Siniko naman ako ni Conor na mukhang nahihiya pa. Hindi ko na lang binuksan ang usapan at nagpaalam akong gagamit ng CR. Margarette came with me as she wrapped her arms on mine. “So pwede pala ako kay Conor?” Margarette asked. “Nah, asa ka pa. You know his type of girl, those who looked innocent,” I chuckled. “Should I change myself?” Pareho kaming natawa at dumiretso na lang sa kung nasaan ang banyo. Sabay kaming pumasok sa female’s comfort room. Pero hindi pa ako natatapos. . . “Jazzy, may call ako. I need to go out to answer this, mauna ka na sa table,” she said. “Okay!” I stood up and flushed the toilet bowl. After that, I zipped my jeans’ zipper before I left the cubicle. Dumiretso agad ako sa harap ng lababo na may malaking salamin to wash my hands. Abala ako sa paghuhugas ng kamay nang marinig kong may pumasok sa banyo but to my surprise, I heard a click after closing the door indication that whoever came locked it! Kaagad na nag-angat ako ng tingin sa salamin and I was shocked to see Nicolai’s mad face. He was like a wild lion ready to attack his prey! Hindi ako nakalagaw sa kinatatayuan ko, it was as if his eyes were telling me to stay where am I. Hanggang sa makalapit siya sa akin. Nakatalikod pa rin ako at sa salamin ko lang siya nakikita. He cornered me in between his arms pressing his warm body against my back. “A-anong g-ginagawa mo rito? T-this is female’s CR. . .” Yumuko siya and reach my left ear. Halos hindi ako nakahinga nang maramdaman ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa ibabaw ng tenga ko. “I know, Jazz,” he said in a raspy voice. Shit. Whatever he’s doing, it’s making me horny! “K-kung g-ano’n bakit ka nandito?” Kinakabahan ako samantalang ito naman ang gusto ko. Pero kasi, what I expected is I was going to chase him. Hindi ko inaasahan na siya ang lalapit sa akin. “You want me to f*****g f**k you, Jazz. How the hell would you want me to do that if you had a boyfriend?” My mouth parted. Kaagad na gumalaw ako at pumihit paharap sa kaniya. I quickly saw his eyes full of lust. “Akala ko ba ayaw mo?” His jaw clenched after I asked. “Answer me, Jazz. Ako ang unang nagtanong.” I rolled my eyes. “Don’t make me explain, tinanggihan mo na ako ‘di ba?” Hinawakan ko ang dibdib niya, and I tried to push him para makaalis ako but he didn’t let me. Instead, he pushed himself to me even more. “Kanina ka pa,” he said. “What?” He sighed. “Just. . . don’t show yourself in front of me again.” “Because?” I asked curious. Bakit ba ganito siya? Hindi ko talaga siya maintindihan. He acts like he likes me and he want to bed me but his words are opposite. He licked his lips then looked down on my lips. I saw him gulp like he has the thirst to taste my lips. Napalunok din ako nang makita nang malapitan ang mamula-mula niyang labi at kung paano niya iyon binasa gamit ang dila niya. Gosh, why is he seducing me if bibitinin niya lang din naman ako? “Because you’re making me horny, Miss Sarmiento,” he said, making me lose my mind. Tila nawala ako sa sarili. I gripped on his grey shirt then pulled him towards me.  “Same,” I whispered before kissing him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD