bc

Stallion #12: YOZACK FLORENCIO

book_age4+
2.7K
FOLLOW
11.7K
READ
friends to lovers
confident
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Mataas ang tingin ni Diosa sa kanyang sarili. She could get the attention she wanted. When she needed it, where she needed it. Iyon kasi ang nakasanayan niya.

Hanggang isang lalaki ang sumira sa natural na pag-inog ng mundo niya. Si Yozack. Ang lalaking basta na lang niya hinalikan na pagkatapos niyon ay ni hindi man lang siya hinabol para tanungin. She got curious of him. Until one day, she realized she wasn’t just curious of him.

“I’d like to be your friend,” wika sa kanya ni Yozack. “If its okay with you.”

Of course its not okay. Because she has fallen inlove with him!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
FEEL NA FEEL ni Diosa ang paglalakad sa malawak na hallway ng JT Builders.  Sumasayaw kasi sa hangin ang mahaba niyang buhok at pakiramdam niya ay babaeng babae siyang naglalakad sa runway.  Hmmm, maganda pala talaga ang Stallion Shampoo na iyon, ha?  Bagong diskubre lang niya ang naturang shampoo nang mag-check in muna siya sa isang hotel sa Makati at doon nag-stay ng isang araw para makapagpahinga bago harapin ang mundo.  Este, ang mga importanteng lalaki pala sa kanyang buhay nang mga sandaling iyon.  At siguradong hindi na siya makikilala ng mga ito ngayon.  Halos isang taon na rin kasi silang hindi nagkikita dahil sa America na siya nakabase mula nang kumuha siya roon ng master’s degree sa fashion design  at doon na nga rin nakapagtrabaho pagkatapos.  And she missed them so much. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang muling maalala ang pakay niya sa naturang gusali.  Lalo na nang makita niya ang isa sa kanyang pakay.  May kausap itong babae. “Jigger, please.  Stop pretending you’re Trigger.  Alam ko na noon pa man na madalas kayong magpanggap na magkakambal na ang isa’t isa kapag convenient iyon sa inyo.  And I’m not falling for it.” “Lady, I don’t want to be rude but you’re really talking to another man.  I am Trigger.” “Gusto mo na naman bang mag-away tayo, Jigger?  Lagi na lang ba tayong ganito?  If you want out of this relationship, just say so.” “I would.  If I am Jigger.” May kalupitan din palang itinatago sa katawan ang isang ito, aniya sa sarili.  Inakala niya noon na sa isang magkakambal, may isang mabait at may isang may reserved seat na sa impiyerno.  But the ultimate twin she knew, were either both.  Minsan mabait, minsan masama.  Pareho.  As in sabay.  Kung kailan convenient sa kanila ang isang sitwasyon.  Kumbaga sa goma, de colores.  Kahit ano ay puwedeng maging sila.  Napaka-unpredictable.  Too bad for those women out there, dahil isa siya sa tatlong tao lang na nakakaalam niyon. “Ang sama talaga ninyong magkapatid!” pigil sigaw ng babae.  Unti-unti ng nalulusaw ang kabaitang ipinapakita nito.  “Pareho kayong walang kuwenta.  Lagi na lang ninyong pinaglalaruan ang mga babaeng nagmamahal sa inyo.” “Si Jigger lang ang may ganyang ugali.” Kalmado pa rin ang lalaki.  Muli siyang napangiti habang patuloy na pinapanood ang mga nangyayari.  Walang sinoman ang makakatibag sa disposisyon ng magkakambal kapag nagpasya na ang mga ito. “Why don’t you look for Jigger and talk to him instead?  You’re just wasting your time with me, lady.  I don’t even know you.” “Jigger, don’t do this.  Don’t make me hate you.” “Ayokong masaktan ka sa mga nangyayari ngayon, Miss.  But you were really wrong about me.  I am not Jig—“ “Jigger!”  Lumapit na siya sa mga ito nang may kung anong pumasok na invisible insect sa kanyang kukote.  Nilundag niya ang lalaki at kumapit sa leeg nito saka ito mariing hinalikan sa pisngi.  “Kumusta, Jigs!  Long time no see, ah.  You look dashing, as usual.”  Nilingon niya ang babae na ngayon ay halata na ang galit sa mukha.  “Hello.  Ikaw na ba ngayon ang bagong girlfriend ni Jigger?” “I hate you, Jigger!” tili ng babae sabay alis. “Ay, nagalit,” aniya.  “Joke lang naman iyon.” “Anong ginagawa mo rito, Geronimo?” Marahan na lang siyang napailing.  Hanggang ngayon ay paborito pa rin siyang tawagin nito sa mga pangalan ng lalaki sa pag-aakalang iyon ang maaaring makapagpa-inis sa kanya.  E, hindi naman siya napipikon.  Kaya sa huli ay tila iyon na lang ang naging sort of endearment nito sa kanya.   “Bakit nandito ka sa PIlipinas?” “I gave Uncle Sam a break,” sagot niya.  “Hindi mo ba susundan ang girlfriend mo?” “She’s not my girlfriend.  Bahala na si Jigger sa kanya.  And anyway, kasalanan mo naman kung bakit siguradong break na sila ngayon nang hindi niya nalalaman.  Ikaw ang mapupunta sa impiyerno.” Tinapik niya ito sa balikat.  “Sus.  Meron ba namang diyosa na itinatapon sa impiyerno?” “Meron.  Ikaw.”  Inayos nito ang bangs niya saka ngumiti.  “Welcome home, sis.” ********************************************************************** “KUMUSTA NA nga pala sina Mommy at Daddy?  Hindi pa ba sila tapos sa paglilibot nila sa buong mundo?” “Hindi pa yata.  Wala, eh.  Mayaman tayo kaya pa-tour-tour na lang sila around the world.”  Inalis ni Diosa ang scarf sa kanyang leeg bago naupo sa visitor’s chair sa opisina na iyon ni Trigger.  “Last time ko silang nakausap ay nasa Vienna raw sila.  Sabi ko nga, huwag nilang kalimutang magdala ng Vienna sausage pasalubong.” “Ano iyan, joke?”  Ang sama na ng mukha nito.  “Nahawa ka na rin ba sa kakornihan ng mga Puti?  Kung ganon, lumayas ka sa harap ko, Erning.” “Eto hindi korni.”  Sinilip muna niya ang kulay ng mga kuko niya sa paa bago nagpatuloy sa pagsasalita.  “I’ll stay here in the Philippines for good.  Kasi sabi ni Mommy, kailangan na ninyong mag-asawa ni Kuya Jigger.  Gusto na raw nilang magka-apo ni Daddy at para mangyari iyon, kailangan kong kunin sa inyo ang kumpanyang ito.” Hindi man lang ito natigatig.  “Really.”  May iniabot itong isang papel sa kanya.  “Fax this.” “Ah, no, Kuya Trigger.  I only deal with clothes, pencils and anything that concerns me.” “I thought so.” Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang isa pang mukha ng taong laging nakakapagpangiti sa kanya.  Kahit halos magdikit na ang mga kilay nito sa pagkakakunot ng noo nito. “Trigger, Vanessa came crying to me.  Sabi niya ay nakipag-break na raw ako sa kanya.” “Si Berting ang may kasalanan,” sagot ni Trigger sabay turo sa kanya. Lalo lang lumukot ang noo ni Jigger nang mapadako sa kanya ang pansin nito.  Ginandahan lang niya ang kanyang ngiti.  “Hello, Kuya Jigger.” “Sino ka naman?” Imbes na maasar ay nilapitan lang niya ito at mariing hinalikan sa pisngi nito.  “Its good to see you again, Kuya Jigs.  Na-miss ko nang husto ang mga katarayan mo.” “Punasan mo iyang lipstick sa mukha ko, Diosa.” She wetted her thumb and rubbed it against her brother’s cheek.  Hind na maintindihan ang itsura nito pagkatapos. “You’re really gross, Diosa.  Sinabi na sa iyong sa France ka na lang dapat nag-aral imbes na sa America.”  Lumapit ito sa table ni Trigger at kinuha ang tissue na iniabot ng kakambal nito.  Naupo ito sa gilid ng table at hinarap siya bago muling nagsalita.  “Anong ginagawa mo rito sa Pilipinas?” “She’s taking over our company,” sagot ni Trigger.  “Para daw makapag-asawa na tayo at magka-apo na sina Mommy.” “Really.”  Kinuha nito ang papel na ibinigay sa kanya kanina ni Trigger at ibinigay iyon sa kanya.  “Fax this.” Ngumiti lang siya imbes na patulan ang mga ito.  Halata naman kasi na pinagti-trip-an lang siya ng mga ito dahil batid nilang wala siyang kaa-amor-amor sa mga office machineries.  So obviously, walang sinoman sa mga ito ang nagseryoso sa banta niya.  Oh, well.  Nilapitan niya ang mga ito at iniangkla ang mga kamay sa braso ng mga ito. “Ilibre ninyo ako.  Nagugutom na ako.” “Umuwi ka lang ng Pilipinas para magpalibre?” “Wala bang nanlilibre sa iyo sa America?”  Nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa saka sabay ding sinagot ang katanungan.  “Matakaw ka nga pala.” “Okay!  Let’s go!” Naka-angkla pa rin siya sa braso ng mga ito habang naglalakad patungo sa elevator.  This was what she liked about her twin brothers.  Lagi siyang pinagbibigyan sa kahit na anong gusto niya, sa kabutihan at mas lalo na sa kalokohan.  Kunsintidor.  Iyon ang tamang deskripsyon sa kung paano siya nitong pagbigyan sa lahat ng kapritso niya.  Gaya na lamang ng kanyang mga magulang.   Hay, ganyan talaga ang mga prinsesa.  Ay, mali.  Diyosa pala.  Diyosa.  Tumaas na ako ng isang level.  Napangiti siya sa sariling kayabangan. “Wala pa ba talaga kayong balak na mag-asawa?  You’re how old now?  Forty?” “Thirty two,” sagot ni Trigger.   “So I rounded up.  Nevertheless, matanda na rin iyon.  dapat ay nag-aasawa na kayo.  Tigilan na ninyo ang pagpapaiyak sa mga babae pagkatapos ninyo silang pagsawaan.” “Wala kaming pinaiiyak na babae.  Jigger’s woman VAnessa was an exception, dahil ikaw ang nagpaiyak dun.” “At enjoy pa ako sa pagiging binata ko.”  Pumasok na sa sila loob ng elevator.  “Kaya huwag kang makikialam sa mga diskarte namin sa buhay kung ayaw mong ihagis ka naman pabalik sa sinapupunan ni Mommy.” “All the way sa Vienna,” dugtong ni Jigger. “E, anong gagawin ko rito sa Pilipinas?” reklamo niya.  “Magagalit si Mommy kapag hindi ko nagawa ang bilin niya.” “Lovelife mo na lang ang pakialaman mo.” “Ikaw na lang ang mag-asawa.” “Sawa na akong pakialaman ang sarili kong lovelife,” aniya.  “Wala naman akong napapala, eh.  Look at me, ni wala akong boyfriend ngayon.” “Gusto mo ng mag-asawa?” “No way!  Kayo muna ni Kuya Jigger ang mag-asawa bago ako, ‘no?  At kaya nga ako nandito ngayon ay para tulungang mangyari iyon.” Natahimik ang mga kuya niya.  Ng mga three seconds. “Carding, gusto mong sumama sa amin sa Stallion Riding Club?” “Maraming hayop dun.” “Ah,” walang gana niyang sambit. “Hayup sa kaguwapuhan.” “Aaahhh.”  Nagningning ang kanyang mga mata.  “Now, you’re talking.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

Faithfully

read
266.1K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
963.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook