CHAPTER 2

1069 Words
“HMMM.  PRINCESS Dominique is here.” “I wonder what she’s doing here.” Nilingon ni Diosa ang direksyong tinitingnan ng mga kuya niya.  Agad niyang nakita ang nag-iisang babaeng nakaupo sa isang table na madadaanan nila.  Tila malayo ang iniisip nito dahil nakatingin ito sa kawalan.  Agad niya itong nakilala. “Dominique?” tanong niya rito.  “Paz Dominique Moreno?” Nilingon siya nito.  Saglit lang na tila nagtaka ito bago nagkaroon ng recognition sa mga mata nito.  “Diosa Samaniego?” “Ako nga!”  Dominique was her highschool buddy.  “Aba, bakla, ang ganda mo ngayon, ha?  Nakakailang asawa ka na?” “Limang daan.”  Nawala ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin ang mga kuya niya.  “The doppelganger.  What are you doing here?” “Ipinangak kasi kami ng nanay namin,” pilosopong sagot ni Trigger.  “kaya nandito kami.” “Ikalawa,” dugtong naman ni Jigger.  “Para kumain.” “Wait, magkakilala kayo?” tanong niya. “I should asked the same question.” “Ah, they’re my brothers.” “Brothers?”  Saglit na nagpalit-lipat ng tingin ito sa kanilang magkakapatid bago marahang umiling.   Hindi niya ito masisisi kung hindi man ito makapaniwala.  Malaki nga naman kasi ang pagkakaiba ng kanilang mga itsura.  Her brothers were tall and had their father’s features.  Samantalang siya, lahat ay nakuha sa kanyang ina ang features niya.  Pati ugali at ka-weird-uhan sa buhay.  Pretzel Junior nga ang tawag sa kanya ng mga kakila ng kanilang pamilya.   “Kung ganon nakikiramay ako sa iyo, Diosa,” wika ni Dominique.  “Kahit ako magtatanong sa Diyos kung bakit Niya ako binigyan ng dalawang demonyitong kapatid.” Natawa na lang siya.  “Okay lang naman sa akin iyon.  Napapakinabangan ko naman sila madalas.  So, you knew each other?” “Unfortunately.”  Masama nitong tiningnan ang mga kuya niyang tila hindi naman apektado sa estado ng mood nito nang mga sandaling iyon.  “And for the record, Diosa, I don’t like your brothers.” “Kumusta na nga pala si Zell, Dominique?” “Zell?” tanong niya.  Interesado siya sa lalaking ikinakabit sa pangalan ni Dominique na notorious noong highschool sila sa pagiging malupit sa mga naka-puruntong.  “Sinong Zell iyon?” Salitan ang pagsagot ng mga kuya niya. “Ang lalaking niligawan ni Dominique.” “Siya rin ang lalaking pakakasalan niya.  Yata.” “Magkasundo naman sila.” “Puwera nga lang sa pulitika.” “Since malapit na ang election, galit-galit na muna sila.” “Pero sa tingin namin, hindi naman totoo iyon.  alam naman ng buong Pilipinas na mahilig gumimik ang mga pulitiko kapag malapit na ang election.” “Hindi gimik ang away namin!” angil dito ni Dominique.  “And will you, two, just shut up?” “Kilala rin ninyo si Zell, Kuya?” “He’s a Stallion Club member like us.” “Talaga?  Puwede rin kaya akong maging member ninyo?” “Hindi.” Napasimagot siya.  “E, bakit si Dominique puwede?  May favoritism kayo, ha?” “Exclusive for men ang Stallion Riding Club,” sagot ni Trigger.  “At kaya lang may mga babaeng nakakapasok doon ay dahil isinasama sila roon ng mga kakilala nilang club members.  Dominique is Neiji’s cousin.” “I have to go, Diosa,” paalam ni Dominique.  “May pupuntahan pa kasi ako.  Its nice seeing you again, by the way.  And don’t worry, hindi kita idadamay sa orasyon ko para magkakulugo sa tungki ng ilong ang mga kuya mo.” “Hindi kami tinatablan ng sumpa.” “Oo,” segunda niya.  “AB ang dugo namin.” Mukhang naguluhan si Dominique sa mga sinabi niya.  Ngunit hindi na lang ito nagkomento pa tungkol doon.   “By the way, Diosa.  Kapag natuntong ka sa Stallion Riding Club at nakita si Zell, tell him I said ‘hi’.  And that he’s the biggest jerk that ever walked the planet.” Iyon lang at umalis na ito.  Sila naman ay dumiretso na sa kanilang table. “May nangyari ba kina Zell at Dominique?” tanong niya sa mga kapatid pag upo nila. “Wala pa.” “Meron na iyon, Jigs.  Hinid matutuwa ng ganon si Dominique kay Zell kung walang nangyari.” “That’s too bad.  Akala ko pa naman pagkatapos mag-sex ng dalawang tao, mas magiging malapit na sila sa isa’t isa.” “I’m not talking about that, Jigger.”  Saglit pa siya nitong sinulyapan.  “At mag-ingat ka sa pagsasalita.  May bata dito.” “Polluted na utak niyan.” Hindi niya pinansin ang mga ito.  Masyado na kasi siyang na-curious sa kuwento ng dating kaibigan. “So, may naging relasyon sina Dominique at ang Zell na iyon?” “Wala.” “E, bakit ganon na lang ang reaksyon ni Dominique?” “May gusto siya kay Zell, oo.  at nakatakda na rin silang ikasal dahil matagal na silang ipinagkasundo sa isa’t isa.” “Pero wala silang relasyon.  In any case, we knew they were in good terms.  Until a month ago.  Bigla na lang silang naging mag-bestfriend.” “Kung ganon may nangyari nga siguro,” aniya. “Yeah,” sagot ng dalawa.  “They fell inlove.” “Ngek.  Bad trip naman iyan.” “With each other.” “Uy, ang saya naman—teka, kung na-inlove naman pala sila sa isa’t isa, bakit magkagalit sila ngayon?” Nagkibit lang ng balikat ang mga ito.  “Ask Dominique.  Mga babae lang naman talaga ang nagpapagulo ng sitwasyon kapag na-i-inlove sila.” “Ganon?  Hay naku, hindi pa nga talaga kayo nai-inlove, mga mahal kong kuya.”  Saglit siyang nag-isip.  “Ganyan ba kagulo ang mga tao sa Stallion Riding Club?” “Only when they fell inlove.” “Mukhang maraming kaganapan sa club ninyo, ah.  I want to join.  Gusto ko ring makigulo.” Her brothers gave her a blow-by-blow account of the things that’s been happening inside the exclusive club, emphasizing on the chaotic romance of the club members and their women. “Sina Zia at Kai ang pinakamagulo sa kasalukuyan.” “You could start with them if you want to mess up a life.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD