Kabanata 8

1294 Words
HINDI inakala ni Yana na nanunuod pala sa kanya ang mga costumers nila sa club. Nakatunganga din si Madam Ines habang nakatingin sa kanya na naglalakad palapit dito. Sinundan siya nito sa loob ng club nang makapasok na siya dahil iniiwasan niya na mapagalitan nito. "Ang galing mo naman, miss. Gusto ko ring makarate pero sa kama," nakakalokong sabi sa kanya ng isang matandang lalaki na humarang sa daraanan niya. "Tapos na ang pelikula!" malakas na boses ni Madam Ines na nakasunod na pala sa kanya. "Hoy, Esmeralda! Kababae mong tao nakikipagbasagan ka ng mukha sa labas! Ano ba ang akala mo sa sarili mo? Ikaw si superwoman o isang bida sa pelikula! Kapag may nangyaring masama sa iyo kanina hindi iyon sasagutin ng club!" sermon nito sa kanya nang makalapit siya rito. Bumuga nang malalim si Yana. "Hindi ho ninyo ako dapat na alalahanin madam. Hindi ho ba kayo tatawag ng pulis? Baka kasi mamaya bumalik ang mga lokong iyon at mas maraming costumer ang mabiktima nila." "Hindi na natin trabaho ang bagay na iyon, Esmeralda. Nakikita mo naman na may security guards tayo at trabaho na nila iyan," masungit pa na sabi nito sa kanya. "Security guards, madam? Wala nga ho akong nakita na security guards na lumapit sa akin kanina habang nakikipagpatayan ako sa labas. Walang concern ang club na ito sa mga costumers at trabahador," giit ni Yana na pinagtaasan ng boses si Madam Ines. "Esmeralda! Unang araw mo pa lang sa trabaho at wala ka pang alam sa kalakaran dito. Kung ayaw mo ng patakaran, umalis ka na dahil hindi ka namin kailangan! At huwag mo na ring tatanggkain na pakiusapan ako dahil hindi kita pagbibigyan!" malakas na sabi din nito sa kanya. At saka siya nito tinalikuran habang nakatingin sa kanya ang iba niyang katrabaho. Naiinis naman si Yana sinabi ni Madam Ines. Mukha kasing wala man lang itong pakialam bilang manager ng club. Makuha lang niya ang sahod niya ngayong gabi ay aalis na siya at hindi na babalik sa lugar na ito. Mahirap na baka dito pa siya ulit makulong. Ibinalik ni Yana ang damit na ginamit niya sa dressing room. Nanggagalaiti pa rin siya sa inis dahil kay Madam Ines. Hahanap na lamang siya ng ibang trabaho kaysa naman maasar lamang sa patakaran ng club. Nagpaalam na siya kay Madam Ines kanina at pumayag naman ito dahil hindi naman siya kakulangan sa club bilang waitress. "Yang, totoo ba ang narinig ko kanina? Aalis ka na?" pag-uusisa ni Rebecca na sinundan pa siya sa labas ng club. "Oo, hindi maganda ang patakaran ng club. Hindi nga natin alam kung legal ba talaga ang negosyo nila. Ayoko na kayang maku--- este masangkot sa gulo." Marahas na pinahid niya ang mga labi na may lipstick pa. "Paano na ngayon? Ano na ang magiging trabaho mo?" Halata sa boses ni Rebecca ang pag-aalala sa kanya. Kahit na isang araw pa lang sila na magkakilala ay napalapit na rin siya rito. Nararamdaman kasi ni Yana na mabuti ito. "Hahanap na lang ako ng ibang trabaho. Huwag mo akong alalahanin at mag-iingat ka rito. Kapag may makita akong magandang trabaho sasabihan kita, Rebecca." Nagtaas si Yana ng kamay bilang pangako rito. "Salamat, Yang. Napanuod kita kanina. Saan mo natutunan ang galing mo sa karate? Dati ka bang karate kid o isa kang alagad ng pulis? Baka naman secret agent ka?" nagdududang tanong pa nito sa kanya. "Baliw ka ba? Hindi ako alagad ng batas at mas lalong hindi ako secret agent. Kilala mo naman ang Ate Julie ko, 'di ba? Wala sa pamilya namin ang may trabaho na katulad sa sinasabi mo." Nagkibit-balikat naman si Rebecca. "Kunsabagay, pero ang astig mo kanina." "Sus, iyon lang ba? Mahilig kasi akong manood ng mga pelikula ni Bruce Lee at ni Idol FPJ. Basta mahilig ako sa action at iyong kanina." Ngumisi siya rito at saka ngumiti nang nakakaloko. "Basic lang iyon." "Idol na kita ngayon, Yang. Halika, mag-merienda tayo sa nakabukas na mini grocery doon, o!" Itinuro nito ang grocery kung saan siya muntik na mapagkamalan na shop lifter. Mabuti na lang at nagmalasakit sa kanya ang isang lalaki. Hindi nga lang niya matandaan ang itsura. Sinundan ni Yana si Rebecca patungo sa mini grocery. Umupo siya sa pandalawahang upuan sa labas ng mini grocery at hinintay si Rebecca na bumibili ng kanilang merienda. Habang nakaupo siya ay napansin niya ang isang lalaki na pababa ng kotse. Naka-hoodie jacket ito ng kulay gray at nakasuot ng jersey shorts. Tsk, bakat na bakat ang alaga nito habang naglalakad. Bakit ba nagawi ang kanyang mga mata sa bahaging iyon ng katawan nito. Nang makalapit ang lalaki sa may entrance ng mini grocery at doon lamang niya nakilala kung sino ito. Ikinuyom ni Yana ang kanyang mga kamay nang makita ulit si Acer Sandoval. Hindi pa rin siya nito nakikilala. Sino nga naman ba siya na dapat pa nitong alalahanin? "Miss, may problema ka ba?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Pilit siyang ngumiti rito. "Wala naman, sir. Naasar lang ako sa boss ko kaya ganito ako." Inalis niya ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. "Nagkita na tayo sa palengke kanina, sir." Tinitigan siya nito ngunit hindi siya nito nginitian man lang. Hanggang ngayon masama pa rin ang ugali nito. "Yes, at ikaw iyong babaeng rider na walang lisensya. Ano naman ang ginagawa mo rito ngayon?" Magandang senyales na hindi alam ni Acer na siya si Yana. Isasakatuparan na niya ang kanyang matagal na binabalak. Gagawin niya ang lahat upang mapalapit dito para malaman niya kung nasaan ngayon si Aling Flores. Balak din niya na kunin ang tiwala ni Acer upang makagawa siya ng paraan para malaman kung ano ang katotohanan sa pagkakakulong niya ng mahabang panahon. Sa ganoong paraan makakapaghiganti din siya rito. Ipinapangako niya sa kanyang sarili na iiyak at magmamakaawa si Acer sa kanyang harapan. "Miss, may dumi ba ako sa mukha?" Nakatitig lang si Yana sa mga mata ni Acer Sandoval habang iniisip ang mga plano niya. "Wala naman, sir. Nandito ako kasama ng kaibigan ko." Inginuso nito si Rebecca na may dalang plastic ng pinamili nito. "Itinadhana yata na magkita tayong dalawa, sir." Ngumisi lamang ito sa kanya habang nanatiling nakatingin sa kanyang mga mata. "Have a nice day, sir." Mapanuksong kinindatan ni Yana si Acer. Bigla na lamang itong nataranta at tinalikuran siya. Ngunit nauntog ito sa harapan ng glass door ng mini grocery. Nakalimutan yata nito na buksan iyon bago pumasok. Simpleng kindat lang naman ang ginawa niyang ngunit bigla na itong nataranta. Ano pa kaya kung akitin na niya ito? Tsk, idadaan niya sa s*x appeal ang muling pakikipaglapit niya kay Acer Sandoval. "Yang, kilala mo ba ang hot na iyon?" mahinang tanong ni Rebecca sa kanya. Binuksan niya ang coke in can at saka inalis ang wrapper ng siopao. "Hindi ko siya kilala pero mukhang interesado siya sa akin," nakangising aniya rito bago kagatin ang siopao na hawak niya. Tumingin siya sa gawi ni Acer na bumibili ng chips at mga chocolates. Lumingon ito sa gawi niya at nagtama ang kanilang mga mata. Nginitian niya si Acer at nalaglag pa nito ang chips na hawak-hawak. Nerbyoso! "Mukha ngang type ka, Yang. Well, maganda ka naman. Mas bagay sa iyo ang naka-make up at naka-red lipstick. Type ko rin siya, ha. Hot na hot siya." Masamang tinignan ni Yana si Rebecca. "Akin na siya, Rebecca. Hindi ko siya ibibigay sa iba dahil hindi ako mahilig magparaya," seryosong sabi niya na ibinalik ang tingin kay Acer Sandoval. "Okay, sa iyo na siya. Hahanap na lang ako ng para sa akin." Tumawa ng malakas si Rebecca at ganoon din ang ginawa niya. Hindi pa naman nagsisimula ang mga plano ni Yana ngunit nakikita na niyang umaayon na sa kanya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD