Hindi maipinta ni Yana ang kanyang mukha habang suot ang red na sleeveless top na tinernuhan ng red na mini skirt. Nasa harapan siya ng salamin sa loob ng dressing room at panay ang kanyang iling habang tinitignan ang sarili.
Pagkatapos ng trabaho niya sa ukay-ukay ni Nani Benie kanina ay dito na siya dumiretso sa Tiramuko Night Club. Pagdating pa lamang niya kanina ay marami na siyang nakitang mga costumers. Karamihan ay mga matatanda na galing sa sabungan.
"Esmeralda!" Narinig ni Yana na tawag ni Madam Ines sa kanya.
"Madam?" pilit-ngiti siyang tumingin dito. "Hinahanap po ba ninyo ako?"
"Natural na hahanapin kita dahil kanina ko pa kailangan ng waitress. Ano ba kasing ginagawa mo rito sa loob ng dressing room? Hay, hindi ka pa naka-sandals! Iyang buhok mo hindi pa ayos! At hindi ka pa naka-make-up," naghuhumirintadong sabi nito sa kanya.
"Mariposa! Ikaw na nga ang bahala rito kay Esmeralda! Kay bago-bago, pinapakulo na kaagad ang dugo ko!" Inis na inis na sabi pa nito at ibinuka ang pamaypay nitong malaki.
Linapitan siya ni Mariposa at inayusan. Dancer ito sa club at ang suot nito two piece lang. Halos lumuwa na ang dibdib nito sa higpit ng suot na bra.
"Mag-cycling short ka kung hindi ka sanay, Esmeralda. Ganyan din ako noong una hanggang sa tumagal nasasanay na rin ako. Maganda ka sana kaso may peklat ka. Saan mo nakuha iyan?" pag-uusisa ni Mariposa habang hinahawakan ang peklat niya.
Kung sasabihin ba niyang dahil sa rambulan sa loob ng kulungan, paniniwalaan naman kaya siya nito?
Hinawakan ni Yana ang kanyang kanang pisngi.
"Naaksidente kasi ako noong baby pa ako."
Inalis ni Mariposa ang kamay niya na nakatakip sa kanyang pisngi at sinimulan na lagyan siya ng make-up. Mabilis kumilos si Mariposa na mukhang sanay na sanay sa ginagawa. Nilagyan siya nito ng pulang lipstick sa kanyang mga labi. Ipinusod naman niya paitaas ang kanyang kulot na buhok.
Nagsuot na rin siya ng sandals at saka sila lumabas ng dressing room nito.
Nakita niya si Rebecca na may hawak na platter na may laman na mga beek.
"Miss, ang seksi mo naman. Bago ka ba rito?" anang lalaking lasing sa kanya. Kung tumingin ito sa kanya para na siya nitong hinihubaran.
"Sorry po. May order po ba kayo?" kalmadong tanong ni Yana sa mga ito.
Hinipuan siya sa binti ng isa pang lalaking lasing. Hindi na nakatiis pa si Yana at ikinuyom na niya ang kanyang kamao. Mabuti na lamang at biglang dumating si Rebecca.
"Mga, sir, ano po ang gusto ninyong order?" malambing na tanong nito. Siniko siya ni Rebecca sa tagiliran niya. "Ano ka ba, Yang. Gusto mo bang sa unang araw mo masisante ka? Sige na ako na ang bahala rito," pananaboy sa kanya ni Rebecca.
Tama si Rebecca. Kailangan niya ng trabaho kaya hindi dapat siya masisante.
"Miss, pa-order ka ng basang mani," tawag sa kanya ng isang matandang lalaking panot. Mataba ito at malaki ang tiyan.
Bumuga nang malalim si Yana at hindi pinatulan ang pambabastos ng mga ito sa kanya.
"Sandali lang po at babasain ko ng tubig ang mani ninyo," seryosong sabi ni Yana bago talikuran ang mga ito.
Nagsimula ang sayawan ng mga dancer sa club. Malakas ang ugong ng sigawan, ang mga kalalakihan na costumer mukhang init na init ang katawan habang pinagnanasaan ang mga seksing dancer na sumasayaw sa kanilang harapan.
"Yang, kanina ka pa nakamasid sa paligid baka mamaya pagalitan ka ni Madam Ines. Halika na magtrabaho na tayo," sabi nito habang kumukuha ng mga order sa may counter.
"Kakatapos ko lang mag-serve sa isang table. May iniipit pa sa akin na isang libong piso dito sa may bewang ko," iretableng aniya habang kinukuha ang pera.
"Tip iyan, Yang. Itago mo na. Hanggang panghihipo lang naman ang kayang gawin ng mga costumers sa atin, e."
"Kanina ko pa iniisip kung bakit walang security guard o bouncer man lang itong club?" mahinang tanong ni Yana kay Rebecca.
Ngumiti sa kanya ito at inginuso ang kumpulan ng mga pulis na naroon sa sulok na parte ng club.
"Bakit pa? May mga costumer na tayong pulis. Ang mabuti pa, itigil mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano at magtrabaho na lang tayo. Huwag mo nang problemahin ang problema ng club." Nginisihan siya ni Rebecca bago ito umalis sa tabi niya.
"Miss, beer pa nga!" tawag sa kanya ng isang matandang lalaki na nakasuot ng gray na business suit at may hawak na tungkod.
"Lolo, mukhang lasing na po kayo." Nilapitan ni Yang ang matanda na hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Hin-Hindi pa... ikuha mo ako ng beer o kahit na anong alak!" sigaw nito sa kanya.
"Don Antonio, umuwi na ho tayo," narinig niyang sabi ng lalaking kasama nito. "Hindi po maganda na umiinom kayo ng alak. At nandito pa tayo sa club... masama sa kalusugan ninyo ang labis na alcohol," anang lalaki na mukhang bodyguard ng matanda.
"I-Iyon din ba ang gusto mong gawin ko, miss?" tanong nito sa kanya.
"Oo naman po, sir. Matanda na po kayo para uminom ng labis. Ang mabuti po ay umuwi na ho kayo at mukhang nag-aalala na sa inyo ang kasama ninyo."
Iniabot ng matanda ang kamay nito sa kanya. Matagal bago hinawakan iyon ni Yana. Ngunit mukhang mabait naman ang matanda at wala naman siguro itong gagawin na masama sa kanya.
Inalalayan niya ang matanda na lumabas ng club. Nakasunod sa kanila ang lalaking kasama nito. Isang oras na lang din naman ay off na niya kaya hindi siguro siya pagagalitan ni Madam Ines.
Isasakay na sana niya ang matanda sa sasakyan nito nang bigla na lamang may humarang na apat na lalaki na nakasuot ng bonet.
"Ibigay ninyo sa amin ang mga dala ninyo! Ang wallet, ang mga alahas, ang mga---"
"Bakit hindi kayo magtrabaho?! Ang lalaki ng mga katawan ninyo napakabatugan ninyo!" naiinis na sabi ni Yana sa mga ito.
Tinawanan siya ng isang lalaking nakabonet. "Gusto mo bang ikaw ang trabahuin ko?" Kinagat pa nito ang ibabang labi at pagkatapos inilabas nito ang dila.
"Bossing, alalayan mo nga muna si Sir. Gusto yata ng mga ito na magkaroon ng sakit sa katawan."
"Miss, hayaan mo na. Ibigay mo Edu ang kailangan nila," sabi ng matanda sa kasama nito.
Nagtaas ng kilay si Yana at ipinorma ang kanyang dalawang kamao.
"O, lapit!" nanggigigil na aniya sa mga ito.
"Miss, hindi na mo sila kaya," sabi naman ng lalaki na tinawag ni Don Antonio na Edu.
Nginisihan lamang ito ni Yana. Sumugod ang isang lalaki na may hawak na patalim. Sinipa iyon ni Yana at binigyan ito ng spinning hook kick. Bagsak ito sa tatlong segundo lang.
Sumunod naman ang isa at akmang susuntukin siya pero nagawa niyang umiwas. Malakas niyang sinuntok ang pisngi ng lalaki at saka ito sinipa ito patalikod sa dibdib. Sa lakas no'n ay tumama ito sa hood ng kotse na naroon.
Ang dalawang lalaki ay mabilis naman na tumakbo. Natakot yata ang mga ito sa kanya.
"Pambihira!" nakangising ani Yana habang ipinapahid ang kanyang mga kamay sa suot niyang mini skirt.
Mabuti na lang talaga nag-cycling shorts pa siya.
"Nakita mo iyon, Edu. Para akong nanunuod ng karate movie. Saan mo iyon natutunan?" Tuwang-tuwa ang matanda sa kanya habang nakatingin ito sa kanyang mga mata.
Nagkamot ng ulo si Yana at nginitian lamang ito.
"Sige na po, umuwi na kayo. Babalik pa ako sa trabaho. Huwag na kayong mag-alala, Din Antonio. Ligtas na ho kayo at tumawag ka na rin ng pulis, Edu. Kailangan din ninyong i-report ito," bilin niya sa mga ito.
Hindi na niya hinintay na magsalita ang matanda. Kaagad na siyang umalis. Tumulong lamang siya at hindi siya naghihintay ng anumang kapalit.