Umagaw ng pansin ni Acer ang babae na nagtatawag ng costumer sa isang ukay-ukay store. Ang babae napaka-jolly habang nagtatawag ng mga costumer na dumaraan sa kalsada.
Namumukhaan ni Acer ang babaeng iyon. Napahawak siya sa kanyang sintido at saka napailing. Hindi lamang niya matandaan kung saan ba niya ito nakita o kamukha lamang ng babaeng kakilala niya.
"Bili mga suki! Presyong kaibigan! May lima, may sampu hanggang singkuwenta lang! Pili na suki, maganda ang klase, p'wedeng sa madiskarte! Pass sa maarte!" Kumakantang sabi pa ng babae.
Nasa loob siya ng sasakyan habang pinapanuod ang babae. Hinihintay niya si Manong Harold na tinawag ng kalikasan. Sumama ang tiyan nito dahil sa kinain raw na bilo-bilo.
Nagawi pa ang tingin niya sa tabi lamang ng ukay-ukay store ang isang tindahan ng mga stuff toys. Napangiti siya dahil alam niyang magugustuhan ng kanyang anak ang nakita niyang malaking bear na kulang violet.
Dali-dali siyang bumaba sa sasakyan para magtungo sa store na nakita niya. Ngunit bigla na lamang siyang hinarang ng babae na may dalang mga damit na naka-hanger.
"Sir, pili na. Maraming mga magagandang design sa loob," nakangiting sabi pa nito sa kanya.
"I'm sorry. I'm not interested," seryosong aniya rito.
Umatras naman ang babae. "Okay, sir. Ahm... thank you nga pala, sir. Noong isang araw naging pasahero ko nga pala kayo." Nagkamot pa ito ng ulo at saka pilit na ngumiti. "E, kaso wala akong lisensya kaya nakalusot. Sayang nga lang, sir. Hindi na ako p'wedeng mamasada kasi marami na ngayon ang checkpoint."
"And? Don't tell me na gusto mong magpatulong para makakuha ka ng lisensya. Miss, hindi ako charity worker kaya wala akong maitutulong sa iyo. And excuse me," iretableng sabi niya sa babae.
"Ang sungit mo naman, sir." Narinig pa niyang sabi nito bago siya talikuran.
Itinuloy nito ang pagtatawag sa ibang mga costumer. Hindi naman na pinansin ni Acer ang babae.
Siya pala ang babaeng rider. Hindi niya naisip na ganoon ang itsura nito. Maganda ito at simple lamang ang dating. Napansin niya ang peklat nito sa kanang pisngi. Mukhang malalim ang naging sugat na iyon sa mukha ng babae.
Bumuga nang malalim si Acer at humakbang patungo sa loob ng store. Pinili niya ang bear na stuff toy na gusto ni Siena. Hindi na rin siya nagtagal sa loob ng store dahil wala naman na siyang ibang makita na magugustuhan ng kanyang anak.
Pagkalabas ni Acer ng store ay nakita niya ang babae na kumakain ng tinapay habang may hawak pa rin na mga damit na ibinebenta nito. May kasama itong matanda na siya namang nagbibigay ng pagkain sa babae.
Napailing na lamang si Acer bago nagtungo sa sasakyan niya.
"Sir, akala ko kung saan na kayo nagpunta. May binili na naman pala kayong pasalubong kay Siena," natutuwang sabi ni Manong Harold at saka siya pinagbuksan ng pinto ng kotse.
"Peace offering ko, manong."
"Matutuwa niyan ang anak ninyo, sir. Napansin ko kayo na nakatingin sa babae kanina. Kilala ninyo, sir?"
Sumakay na siya sa kotse bago sumagot sa tanong ni Manong Harold.
"Hindi, manong. Mukha lang siyang pamilyar sa akin pero hindi ko siya kilala." Nakakahiyang aminin niya na ang babaeng iyon ang naging dahilan kung bakit siya nahuli sa meeting nila ni Mister Philip Amara.
"Ngayon ko lang kasi kayo nakita na nagkainteres na tumingin sa isang babae, sir."
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin, manong?"
"Wala naman ho, sir." Pinandar nito ang sasakyan at saka sila umalis sa lugar na iyon.
Iyon din ang sinasabi ng kanyang Lolo Antonio na maghanap na siya ng magiging asawa niya. Ngunit hindi naman niya magawa dahil natatakot siyang magtiwala sa iba at ibigay ang buong pagmamahal niya.
Si Fem, nagbibigay sa kanya ng panandaliang aliw. At ang ibang mga babae na nakikilala niya at habol nang habol sa kanya.
"Sir, dadaan pa ba tayo sa bahay ni Don Antonio?" tanong nito pagkaraan ng ilang minuto.
"Hindi na, manong. Dumiretso na tayo sa bahay." Kukulitin lang kasi siya ng kanyang Lolo Antonio na humanap ng babaeng mapapangasawa niya kapalit ng isang kasunduan na tutulungan siya nito kay Mister Philip Amara.
Bumuga siya nang malalim at saka pumikit. Itinayo niya ang Sandoval Wirings at doon na niya inilagak lahat ng pera nila ni Marie. Hindi iyon p'wedeng mawala na lamang basta sa kanya at malugi nang wala man lang siyang ginagawa.
May ibang negosyo pa siya ngunit small business na ang mga iyon. Katulad ng franchise niya sa dalawang fast food chains na nasa La Union at Dagupan. Ice tea shop sa isang mall sa Pangasinan at Laguna.
Kung hahayaan niyang mawala ang Sandoval Wirings para na rin niyang inalis ang isa niyang paa. Kailangan niyang makaisip ng magandang strategy para makumbinsi niya si Mister Philip Amara.
NANG makarating na si Acer sa bahay niya ay kaagad siyang sinalubong ni Siena na tuwang-tuwa nang makita siya.
Ipinakita nito ang braso na may tatak na maraming star. Palatandaan na naging magaling ito sa lahat ng activities na ginawa nito kanina.
Parang kahapon lang nagtatampo ito sa kanya ngunit ngayon okay na ulit ito.
Lumuhod naman siya at niyakap nang mahigpit ang kanyang anak. Saka ito binuhat patungo sa loob ng kanilang bahay.
"Congratulations, honey. That's great. Makinig ka lang palagi kay Teacher Faye. And also... may binili akong---"
Natigil siya sa pagsasalita nang makita ni Acer ang kanyang Lolo Antonio na nakaupo sa couch.
"Nariyan ka na pala, Acer," nakangiting anito sa kanya.
Nasa harapan nito ang mga laruan ni Siena na nagkalat pa sa sahig.
Ibinaba ni Acer ang kanyang anak at mabilis nitong tinakbo si Lolo Antonio at nagpakandong pa rito. Mukhang kanina pa naglalaro ang dalawa base sa mga laruan na nagkalat.
Ibinigay sa kanya ni Manong Harold ang stuff toy na binili niya. Iniabot niya naman na iyon kay Siena.
"P'wede ka bang sumama muna kay Yaya Juris? Tulungan mo siya na mag-prepare ng merienda para kay lolo." Sinenyasan niya si Yaya Juris na lumapit sa kanila.
"Halika na, Siena. Tulungan mo ako sa kusina," ani Yaya Juris na hinawakan sa kamay ang kanyang anak.
Nang makaalis ang mga ito ay umupo siya sa couch sa tabi ng kanyang lolo.
"Bakit ho kayo nandito?" nagtataka niyang tanong.
"Hmm... ayaw mo bang mabisita ko ang aking apo? Acer, hindi mo naman siguro ipinagbabawal na dalawin ko siya?"
Seryosong tumingin siya rito. "I know. Nandito kayo para kausapin ako."
"Bakit ba napaktigas ng puso mo, Acer? Pati bata hindi mo na pinalampas. Bakit hindi mo na lang siya hayaan na maglaro kasama ang ibang mga bata? Kaysa nandito siya sa bahay mo na parang preso. Hindi mo siya p'wedeng ikulong dito habambuhay. May sarili ding buhay ang anak mo at alam mong hindi siya masaya na nandito siya. Malapit na ang birthday party niya. Huwag mong sabihin na dito na naman kayo magsi-celebrate. Oh, come on, Acer!"
Heto na naman si Lolo Antonio at sinesermunan siya. Palagi na lang itong ganito kapag nagpupunta rito sa bahay para dumalaw.
"Pag-iisipan ko, 'lo." Iyon na lamang ang nasabi ni Acer upang hindi na sila magtalo nito.
"Tungkol sa inaalok ko?"
"Lo, hindi pa rin ako pumapayag sa kagustuhan ninyo. Buhay ko na ito at hindi na dapat ninyo ako ipinagtutulukan tungkol sa muli kong pag-aasawa."
Umiling-iling si Lolo Antonio sa sinabi niya. Hindi ito sang-ayon ngunit wala naman itong magagawa kung talagang hindi niya gusto.
"Okay... wala na akong maitutulong pa sa iyo, Acer. Aalis na rin ako. Dumalaw lang ako para makita ang aking apo. Kung magbago man ang isip mo alam mo na kung saan ako pupuntahan."
Tinawag nito si Siena bago umalis para magpaalam. Inihatid na lamang ni Acer ito hanggang sa may garden. Ipinamulsa niya ang kanyang kamay sa suot niyang pantalon at saka inihatid ng tingin ang papalayong gray na van.
Mukhang hindi siya tatantanan ng kanyang Lolo Antonio hanggang hindi siya nito napapayag na humanap ng babaeng p'wede niyang mahalin.