"Ikaw ang naghanda nito?" Tanong sa kanya ni Dylan matapos niyang maihain lahat ng nailuto niyang almusal para sa kanilang dalawa. Fresh na fresh at bagong ligo ang asawa pagbaba nito, napakagwapo at ang lakas ng dating nito sa casual na kasuotan lang. Hindi tuloy niya maiwasang humanga rito. "Yes, baka kasi sabihin mo hindi ko ginagawa ang obligasyon ko sa iyo bilang asawa mo," tugon niya habang sinasalinan ng mainit na kape ang tasa nito. "May mga kasambahay naman dito sa Villa, may ibang pwedeng maghanda para sa atin." "Still, gusto ko ako ang mag asikaso sa iyo, lalo na't wala naman akong ibang maibibigay pa sa iyo kundi ang ganitong klaseng pagsisilbi lamang," tugon niya habang patuloy siya sa paglalagay ng pagkain sa plato nito. "Hannah, you know na iba ang mas gusto kong obliga