"Don't cry, Hannah! Don't cry!" Mariing sabi niya sa sarili matapos maisara ang pintuan ng silid. Sinandal ang likuran sa pinto at pinigilan ang luhang nais pumatak. Hindi siya iiyak. Hindi niya iiyakan ang isang tulad ni Dylan na isang mangagamit. Ginagamit lang siya ni Dylan para sa pansarili nitong kapakanan. Kailangan niyang magpakita ng katapangan sa asawang walang ibang nais kundi ang utuin siya. Mabuti na rin at maaga niyang nalaman ang lahat, pinagpapasalamat niyang hindi pa niya naisusuko ang lahat, lahat sa asawa, although minahal na niya ito. Mahal na niya si Dylan iyon ang lalong nagpapasakit sa loob niya. Dahil mas lalo niyang minahal ang asawa sa mga pinakita nito sa kanya. Bakit ba hindi niya naisip na pagpapanggap lang ang lahat, na binobola lang siya ni Dylan. Pinaliligua