Paglabas nila ng bahay ni Dylan nakasunod ng tingin ang mga tauhan na nasa tabing dublex. Binabati pa ng mga ito si Dylan, gumaganti naman ng bati ang binata sa mga ito. Makahulugang tingin naman ang binibigay sa kanya. Ngiti lang ang tanging tugon niya. Hindi naman na sumunod ang ina sa labas sa kanila. Nanatili ito sa loob ng bahay. Nahalata niyang nalungkot ang ina sa sinabing plano ni Dylan sa kanilang kasal. Todo alalay na naman sa kanya Dylan sa pagsakay sa passenger. Kung ituring siya ni Dylan ay parang prinsesa. Sino bang hindi kikiligin sa ganitong pagtrato. Hanggang sa mapaandar na ni Dylan ang sasakyan nakasunod pa rin ng tingin ang mga kasamahan nila sa Villa. "Sasabihin mo rin ba sa kanila na magpapakasal tayo?" Tanong niya kay Dylan habang palabas na ng gate ang sasakya