Sabado Maaga siyang gumising kinaumagaan, ito na kasi ang araw na pinakahinihintay niya, ang weekend. Darating si Dylan para pag usapan ang tungkol sa kasalang magaganap sa pagitan nila ng binata. Kagabi pa nga niya ini imagine kung saang simbahan siya pakakasalan ni Dylan kung sa simbahan ng San Miguel o sa simbahan ng San Sebastian. Kung anong klaseng wedding dress ang susuotin niya, kung sinu-sino ang invited sa kasalan. Kung ano ang gagawin niya pag nakaharap na niya ang pamilya ni Dylan. Ilang beses na rin niyang napagsilbihan ang mga magulang nu Dylan at nakababata nitong kapatid na si Julia sa tuwing nagtutungo ang mga ito sa Villa Santillan. Hindi nga lang niya sigurado kung namumukhaan pa siya ng pamilya Santillan. Inaalala din niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulan