Mabilis na lumipas ang linggo naitakda na ang araw ng kasal nila ni Dylan. Wala ng urungan pa at wala ng makakapigil pa sa kanila, bukas na gaganapin ang pinaka magandang kabanata sa kanila ni Dylan. Sa bayan ng San Miguel pinili ni Dylan na ganapin ang pinaka magandang araw sa kanilang buhay. Mas gusto daw kasi nito ang payapang probinsya ng San Miguel. Pabor naman siya sa asawa, dahil halos nasa bayan ng San Miguel ang mga kakilala niya. Sa VincElla hotel nila piniling ganapin ang kasal nila na mala prince and princess ang theme, nais daw kasing iparamdam sa kanya ni Dylan na para rito ay isa siyang prinsesa, at araw-araw naman niyang nararamdaman sa asawa ang bagay na iyon. Nasa pilipinas na rin ang nanay niya at sa Villa Santillan muna ito ngayon tumutuloy. Walang naging pagtutol an