"You know what, Ate Hannah, noong kami ni Lance ang kinasal, grabe din sa daming bisita, paano lahat ng tauhan sa asyenda nila inbitado," masiglang kwento sa kany ni Julia, ang magandang kapatid ni Dylan. Mas bata siya rito,pero dahil magiging asawa na siya ng kuya nito ate na ang tawag nito sa kanya. Kanina lang niya na meet si Julia at magaan na agad ang loob niya rito, mabait ito at talaga namang napakaganda, kahit dalawa na ang anak maganda pa rin ang katawan, halatang alagang-alaga. Kung sa bagay spoiled daw ito noong dalaga ito, kaya marahil hanggang ngayon spoiled pa rin ito sa mayamang asawa nitong si Lance Sebastian. Natutuwa siya na kahit isa sa pamilya ni Dylan ay may nakasundo siya. Mukhang hindi nga dadalo ang mga magulang ng asawa niya. Wala naman na siyang magagawa pa kung