Kinabukasan nagising siyang wala na si Dylan sa tabi niya, maliwanag na ang buong silid. Hinaplos niya ang kamang pinaghigaan ng asawa saka napangiti Last night was the best for her, kahit sabihin pa nilang araw-araw naman na silang nagtatalik ng asawa para sa kanya iba pa rin ang kaganapan sa kanila ng asawa kagabi, hindi niya iyon malilimutan. Bumangon na siya binalot ang hubad na katawan sa roba saka na siya naghilamos para lumabas ng silid. Solo nila ng asawa ang buong Villa bukas pa balik ng mga kasambahay sa VincElla Hotel muna tumuloy ang mga ito bilang treat ni Dylan sa mga ito. Pansin niyang magkaugali ang asawa niya at ang namayapang doktor. Mabait at pamilya ang turing sa mga tauhan. Malayong-malayo kay Mr. Santillan. Pababa palang siya nang handa matamis na ang ngiti niya sa