"Ako na ho ang bahala sa kanya Doc, mas lalo ko pa po siyang pagagandahin, tiyak na luluwa po ang mga mata niyo matapos ko siyang i make over," maarteng sabi pa sa kanya ng bading na stylish nang dalhin sa salon si Hannah para paayusan. Maganda na si Hannah, kailangan lang ng kaunting make over para lalo pa itong maging maganda. "Do your best," tugon niya sa bading at binitiwan ang kamay ni Hannah na kanina pa niya hawak-hawak. Ayaw na nga niyang bitawan pa. Napakalambot ang maliit kasi ang kamay nito, kayang-kaya niyang lukubin sa malaki niyang kamay. Kahit sanay sa trabahong bahay ang dalaga ay may malambot pa rin itong kamay. "Dylan," mahinang tawag pa sa kanya ni Hannah. "Yes, sweetheart?" Malambing na tanong niya. "Kailangan ko pa bang magpaayos?" Nahihiyang tanong sa kanya ng da