"Mag po-propose na ko mamaya," pagmamalaking sabi niya kay Jeff nang tawagan siya ng kaibigan para kumustahin sa plano nito. "Gagastus kapa sa proposal pagkatapos naman ng kasal gagamitin mo lang siya at paaalisin," litanya ng kaibigan sa kabilang linya. Sa simula palang tutol na si Jeff sa plano niyang pagpapakasal kay Hannah, tutol na tutol ito sa mga plano niya kay Hannah. "At least kikiligin si Hannah, at mararanasan niya ang isa sa pinapangarap ng maraming babae." "At pagkatapos ng saya, iiyak ang kawawang bata," agad na tugon sa kanya ni Jeff. "Labo mo naman kausap Jeff," pikon na sabi niya sa kaibigan na hindi niya marinigan ng maayos na sagot sa kanya. Iling ulo niyang hinihagis ang cellphone sa kama at binagsak ang katawan roo. Tumuloy siya sa dating silid, kung saan siy