"Maganda ho ba nay?" Excited na tanong niya sa ina nang ipakita rito ang puting besditang suot. Si Dylan ang bumili ng kanyang damit, actually lahat naman ng gamit niya si Dylan ang bumili. "Maganda anak, napakaganda mo," maluha-luha pang tugon sa kanya ng ina. Saka ito humakbang palapit sa kinauupua niya. Pinapunta ni Dylan sa Villa ang stylish na nag ayos sa kanya noong gabing mag proposed ito sa kanya, para ayusan naman siya sa pinaka importanteng araw sa buhay niya. "Lalabas na muna kame para may time kayo ni mother mag usap," paalam ng bading sa kanila. Tapos na kasi siyang maayusan, naghihintay na lang siya ng tawag ni Dylan para lumabas na sa silid. Nasa loob sila ng isa mga silid sa Villa, doon siya pinaayusan ni Dylan. "Basta walang iiyak ah Mrs. Santillan," bilin pa sa kanya