After one week. "Wala ng atrasan pa," sabi niya nang hapon puntahan siya ni Jeff sa Saavedra Santillan Hospital para mangumusta. Agad na tinanong ng kaibigan kung tuloy pa rin ba ang balak niyang pakasalan si Hannah at ang mga plano niya sa inosenteng dalaga. Walang nagbago sa mga plano niya, tuloy na tuloy ang lahat ng plano niya kay Hannah at sa Villa. Lalo na ngayog nakuha na niya ng buo ang tiwala ni Hannah. Wala na siyang nakikitang dahilan para magbago pa ang isip nito. Noong nakaraang weekend nga na magkasama sila ay inamin ni Hannah sa kanya ang tunay nitong damdamin para sa kanya. Noong gabi ng proposal niya rito ay sinabi ni Hannah na mahal siya nito, bagay na kinatuwa niya, dahil makakatulong iyon sa mga plano niya. Mas madali niyang mapapasunod si Hannah sa lahat ng gusto ni