"Hannah, gumising ka na diyan tanghali na!"
Para siyang nanaginip na naririnig ang tinig ng ina. Pero hindi panaginip ang maramdaman ang malakas na hampas ng kamay ng nanay niya sa likuran na siyang napagising sa buong diwa niya.
"Nay," simangor niya.
"Tumayo ka na diyan, ano ba kasing nakain mo at nagpagabi kayo ni Jane. Ayan tuloy tanghali na nakahiga kapa diyan,' sermon ng ina.
Simangot at nanlalambot siyang bumangon sa pagkakahiga. Pakamot-kamot pa siya ng ulo.
"Mamaya pa naman po ang pasok ko."
"Alam mo bang bumalik kagabi si Dr. Dylan?" Tanong ng ina na lalong nagpagising sa kanyan.
"Nasa Villa si Dr. Dylan. At hinahanap ka niya," sabi ng ina na walang ekspresyon sa mukha.
"Ho?" Tanging nasabi niya.
"Bumangon ka na at magpunta ka muna sa Villa bago ka maghanda pa eskwela," utos ng ina.
"Sige po," tugon niya.
Agad na siyang bumangon paglabas ng nanay niya ng silid. Mabilis na hinila ang tuwalya at ternong pambahay saka halos takbuhin ang pintuan palabas ng silid.
Hindi alam ng Nanay niya na kaya bumalik si Dylan sa Villa ay dahil sa kanya. Sinundo siya ni Dylan sa bar na napasukan nila ni Jane kagabi.
Biglaan lang naman silang nagkayayahan ni Jane kagabi na mag bar. Wala naman silang balak maglasing o ano pa man. Dahil lang sa magulo ang isip niya kaya pumayag siya ng magyaya si Jane na subukan nila mag bar. Hindi naman niya alam na pinasusundan pala siya ni Dylan sa isang PI. Nalaman tuloy nito na nasa bar siya.
"Pero bakit kaya personal pa niya kong pinuntahan sa bar, para pauwiin?" Tanong niya sa sarili habang nagsasabon ng katawan.
Napakagwapo pa naman ni Dylan kagabi, pansin niyang umaagaw ito ng atensyon sa loob ng bar, kahit nakasuot na ito ng facemask. Lutang na lutang ang kagwapuhan nito, kung sa bagay sa bihira ka lang makakakita marahil ng isang tulad ni Dr. Dylan Santillan sa ganoong klaseng bar.
"Hannah, bilisan mo naman diyan. Naghihintay si Dr. Dylan sa iyo sa Villa," sabi ng ina sabay kalabog pa sa pintuan.
"Opo, nay," mabilis na tugon niya at binilisan na ang pagligo.
Pagkatapos maligo dali, dali na siyang nagbihis. Terno na blouse at short na may malaking print ng isang cartoon charater ang ang napili niyang isuot, saka siya nagsuklay ng basang buhok. Naglagay din siya ng pulbo at cologne na nabibili sa grocery. Alam niyang hindi siya mukhang mamahalin at amoy mamahalin tulad ng mga babaing nakakasalamuha ni Dylan, ganoon pa man hindi siya dapat mawalan ng pag asa.
Nang sabihin nga niya kay Jane ang tungkol sa alok sa kanya ni Dylan, ay agad na sinabi ng kaibigan na sunggaban na niya ang napakagandang aportunidad. Madalas naman kasi niyang ikwento si Dylan sa kaibigan kahit noon pa man. Alam din ni Jane na may pagtingin siya sa batang doktor. Kaya naman sinabihan siya nitong tanggapin na ang alok ni Dylan. Bukod sa magiging asawa niya ang gwapong doktor na matagal na niyang nagugustuhan ay magbabago pa ang buhay nilang mag ina. Sa parteng giginhawa ang buhay nila ng nanay niya siya biglang napaisip. Maibibigay nga naman kasi ni Dylan ang marangyang buhay para sa kanila ng nanay niya. At paniguradong makakapagtapos siya ng pag aaral. At habang nag-aaral siya at kaya naman niya marahil gampanan ang papel ng isang asawa para kay Dylan.
Malayo na naman ang tinatakbo ng isip niya. Kung saan-saan na naman siya dinadala ng imahinasyon niya.
"Good morning, Dylan," nakangiting sabi niya sa salamin practice lang para mamaya. Ngumiti-ngiti pa siya.
Agad niyang nakasanayan ang pagtawag ng Dylan lang sa batabg doktor. Hindi na rin siya nag po-po at opo rito. Iyon naman kasi ang gusto ni Dylan.
"Hannah," tawag sa kanya ng ina habang natataranta sa pagsuot ng sandals.
"Bakit ho nay?"
"Nakapag desisyon ka na ba?" Seryoso ang mukha ng ina.
"Hindi pa po nay," tugon niya. Wala pa talaga siyang desisyon ngayon. Pero mas matimbang ang tanggapin ang alok sa kanya ni Dylan para na rin sa magandang kinabukasan nilang mag ina.
"Basta Hannah, ano man ang maging desisyon mo susuportahan kita. Pasensya ka na kung hindi kita matulungan sa pag de-desisyon sa bagay na iyan anak. Ayoko kasing magkamali, ayokong pagdating ng araw ako pa ang makasira sa kinabukasan mo. Pero iisa lang ang masasabi ko, Hannah, mabuting tao si Dr. Dylan. Mabuting pamilya ang mga Santillan," litanyan sa kanya ng ina na seryosong, seryoso ang mukha.
"Ano man ang maging desisyon mo andito lang ako anak, nakasuporta sa iyo," dagdag pa ng ina.
"Salamat po nay," pasalamat niya sa ina.
"Halika na sa Villa at naghihintay na sa iyo si Dr. Dylan."
"Sige po."
Pagdating sa Villa nasa agad siyang sinabihan ni Manang Ising na hinihintay daw siya ni Doc Dylan sa may pool area. Nagkatinginan pa silang mag ina. Tumango naman ang nanay niya sa kanya.
"Sige na anak," sabi pa nito.
"Sige po nay," tugon niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugang tingin ni Manang Ising bago siya tumalikod patungong pool area.
Alam niyang lilikha ng usapin sa buong Villa pag pumayag siyang magpakasal kay Dylan. Magtataka marahil ang mga kasamabahay sa kanila.
Pagdating sa may pool area. Napahinto siya at napatitig kay Dylan na nakatayo sa tabi ng swimming pool. May kausap ang binata sa cellphone. Hindi pa siya nito nakikita kaya malaya niyang napagmasdan ang gwapong doktor.
Wala siyang idea sa mga lalaking maganda ang katawan, pero sa tingin niya kay Dylan ay tila modelo ang katawan nito. Matangkad ang binata marahil nasa 6'1 or higit pa. Malinis ang pananamit halatang proffesional. Bagay kasi rito ang mga plain na damit o di kaya plain na polo shirt and trouser pants at puting sapatos. Napaka neat nitong manamit mahahalata mo talaga na isa itong doktor.
"Opo, Papa makakahabol po ako meeting mamaya, may inaasikaso lang ho ako dito sa Villa ni Lolo."
Narinig niyang sabi ni Dylan sa cellphone. Mukhang kausap nito ang ama. Narinig kasi niyang binanggit nito ang Papa. Nanatili naman siya sa kinatatayuan hanggang sa matapos ang pakikipag usap ni Dylan sa cellphone.
"Damn it."
Napakunot pa siya ng noo nang marinig ang mahinang mura sa hangin ni Dylan. Saka palang siya nito nakita na nakatayo sa di kalayuan.
"Hannah, kanina kapa pa diyan?" Tanong nito nang makita siya.
"Hindi naman," iling ulong sagot niya. At humakbang na palapit sa gwapong doktor. Habang palalapit siya kumakabog ang dibdib niya. Abnormal anv t***k non at tanging kay Dylan lang niya nararamdamam ang ganoong pag kabog.
"Nagpahanda ako ng breakfast for us, bago ako umalis pabalik ng San Sebastian," sabi nito sa kanya.
Ngumiti siya nang huminto sa tapat nito. Ilang beses siyang napalunok sa kagwapuhan ng kaharap. Nakaramdam tuloy siya ng hiya nang sulyapan nito ang suot niyang terno. Hindi tuloy niya naiwasang mapakagat sa ibabang labi dahil sa kaba.
"Hannah," tawag nito sa kanya sa tinig na tila may babala.
"Stop biting your lip. If you keep on doing that, I can't help but, kiss you, Hannah," patuloy nito habang nakatingin sa mga mata niya.
Napanganga naman siya at napatitig sa magagandang mga mata nito. Para siyang nawawala sa sarili sa tuwing napapatitig sa mga mata ni Dylan.
"Do you want me to kiss you, Hannah?" Dylan asked her.
Humakbang ang binata palapit sa kanya. Wala sa loob na napaatras siya habang nakatitig sa mga mata nito.
"Every time you bite your lower lip, it looks like you are inviting me to kiss you, Hannah," sabi pa nito na patuloy sa paglapit sa kanya, patuloy naman siya sa pag atras.
Sa pag atras niya hindi niya namalayan na nasa gilid na pala siya ng swimming pool. Nakaisang atras pa siya ng maramdamang wala nang inaapakan ang paa niya. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin kay Dylan.
"Aaaah," Tili niya at pinikit ang mga mata. Handa na siya sa mangyayari sa kanya.
Bago pa siya tuluyang mahulog sa swimming pool, naramdaman na niya ang kamay ni Dylan na pumulupot sa bewang niya, para pigilan ang pagkahulog niya sa tubig.
Hindi pa man siya nakakabawi sa kamay ng binatang nakapulupot sa kanya, sunod naman niyang naramdaman ang pag angat ng mga paa sa semento at pagkakadikit ng katawan niya sa matigas na dibdib ni Dylan.
"Be careful, Hannah," sabi nito sa kanya.
Pakiramdam niya hindi siya humihinga sa posisyon nilang dalawa, madali lang para kay Dylan ang buhatin siya dahil sa manipis niyang katawan. Hindi rin niya magawang alisin ang tingin rito. Lalo ring lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib sa sobrang lapit nila sa isat-isa.