Pagsapit ng dilim nagyaya nang lumabas si Dylan para mamasyal sa magagandang restaurant at club sa Paris, nakapagpahinga na rin naman sila kaya pumayag na siya. Sabay na silang naligo ng mabilisan ng asawa, pinigilan muna nila ang kanilang sarili na mag make love, mamaya na lang pagkatapos nilang mamasyal. Nagbihis na rin siya ng pang party dress, sinabi kasi ni Dylan na nais daw nitong subukan ang club sa Paris, siya man ay na curious kung paano mag party ang mga kabataan sa Paris. Twenty three na siya malapit ng mag twenty four, pero hindi pa niya naranasan iyung magpakalasing sa isang bar. Mukhang pwede niyang gawin iyon mamaya, dahil nariyan naman ang asawa para bantayan siya. Isang mini gray dress na kumikinang ang napili niyang isuot na hindi man umabot sa tuhod niya. Sleeveless i