Matapos ang isang linggong honeymoon trip nila sa Paris masaya silang nakabalik ni Dylan sa pilipinas para makapiling na si baby Drake na sobrang miss na niya. Hindi nga niya naiwasang makaramdam ng lungkot sa Paris, dahil hindi nila kasama ang anak. Buti na lang at may video call nakakatawag sila at nakikita nila si Drake. Pagdating nila ng San Sebastian ay siya namang lipad ng nanay niya pabalik ng New York. Nagpasalamat siya sa ina sa pag-aalaga nito kay Drake habang wala sila. Nangako ang ina na dadalas-dalasan ang pag uwi nito ng pilipinas para makita si Drake. "I missed you so much, Drake," bulong niya sa natutulog na anak sa crib. Ang sarap titigan ng anak niya, lahat ng pagod niya nawawala. "Tulog na ba siya?" Tanong ni Dylan na kalalabas lang ng bathroom, nagpupunas pa ito ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books