Leia was holding Haley's hand habang palapit sila sa puntod ni Harry. May dala silang mga bulaklak at kandila at isang teddy bear para sa anak niya. Magkatabi lang libingan ng mag-ama. Habang ang kay Lana naman ay nasa museleo ng Lolo at Lola nila na parents ng Dad nila. Pupuntahan din nila ito pagkatapos dito. Lumuhod sila doon ni Haley at nilapag ang mga dala. Kinakausap ni Haley ang ama at kapatid na parang buhay lang ang mga ito. Kinukumusta at nagkukuwento rin sa mga gawain at achievements nito sa eskwela. Napangiti lang si Leia. "Your Daddy is very proud of you." ani Leia na kinangiti naman ni Haley. Matalino talaga itong bata at palaging nangunguna sa klase. Alam niyang proud si Harry sa anak nito. "Be a good girl habang wala si Mommy, okay?" nagpaalam na si Leia sa bata para