DYING INSIDE TO HOLD YOU CHAPTER 49 Mabilis naproseso ni Matthew ang mga papeles nila Nathan papuntang abroad. Kahit papaano ay masaya siyang natutulungan niya ang mag- asawa. Para naman tuloy- tuloy na ang kaligayahan ng mga ito. Malayo kay Louella na nagbabalak na namang sirain ang relasyon ng dalawa. Agad niyang tinawagan si Nathan. "Hi! Okay na ba ang lahat?" Tanong agad ni Nathan sa kanya. "Yup! Everythings are smooth and clear, puwede na kayong going abroad bro'!" Sagot ni Matthew. "Thank you, dear cousin! Idaan mo na lamang rito sa opisina ko, at ako na ang bahalang magsabi kay Grace." Tugon ni Nathan. "Okay! Wait for me and I'll be there in a minute!" Wika ng binata at pinatay na nito ang kanyang phone. Pinausad na niya ang kanyang sasakyan at tinungo ang opisina ni Nathan.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


