DYING INSIDE TO HOLD YOU CHAPTER 48 Maaga ngang umuwi si Nathan pero medyo nakainom ito. Amoy na amoy ni Grace pero hindi na ito nagtanong pa. Sa panahong magkasama sila bilang mag- asawa, kilala na niya ito. At alam niyang may bumabagabag sa kanyang asawa. Hindi man nito aminin o sabihin, alam niyang may kinalaman si Louella. Pero ayaw niyang magtanong, hihintayin na lang niya ang kanyang asawa na kusang magsabi sa kanya. "Tulog na pala ang mga kambal," wika ni Nathan nang makarating na ito sa kanilang silid. Napangiti si Grace at inalalayang mahiga ang kanyang asawa. "Hindi ka na ba, kakain bago matulog?" Tanong niya. "Hindi na, kapag kakalam ang simura ko bababa na lamang ako." Sagot ni Nathan. Saka ito nagmulat at nagkatitigan silang mag- asawa. Hinaplos ni Nathan ang mukha ni G

