Nagsimula na ang operasyon, tensiyonado ang lahat. Lalong- lalo na kay Cedric na hindi man lang nakakain, nakatanaw siya sa loob ng operating room. Piping nagdadasal para sa kaligatasan ng dalaga. Halos hindi ito kumukurap sa pagkakatanaw sa loob ng operating room. Mahigit dalawang oras ang operasyon bago ito tuluyang natapos. Agad na sinalubong ng binata ang mga doktor nang papalabas na ang mga ito. "Kumusta siya dok?" agad na tanong ng binata. "So far, okay naman siya. Successful ang operasyon, although medyo kinulang tayo ng dugo. Laking pasasalamat natin sa huling donor," sagot ni Dr. Jimenez. "Huling donor?" nagtatakang tugon ni Cedric. "Yes! Actually, he' friend of yours and your partner in business." Si Dr. Smith naman ang sumagot. Napakunot- noo ang binata. Parang kinutuban it