Stable na ang kalagayan ni Gabriella pagkatapos ng operasyon. Todo bantay pa rin sina Cedric sa dalaga baka masalisihan na naman sila ni Tyler. Ilang araw pa ay magigising na raw ito ayon sa mga doktor. Kaya nakahinga na nang maluwag si Cedric. Sumasaglit na rin siya paminsan- minsan sa kanyang opisina. Lumayo naman pansamantala ang kanyang pamilya sa takot na baka mapagbalingan sila ni Tyler at mas lalala pa ang sitwasyon. Nas abroad ang kanyang pamilya kung saan mas secured ang ang mga ito at malayo sa mga gamay ni Tyler. "We are glad na mabilis ang response ng body ni Brie iho!" wika ng Ninong ni Cedric habang sila ay magkausap. Kakatapos lang itsek ang dalaga. Ngumiti ang binata at napatango- tango ito. "Thank you Ninong sa inyong matagumpay na operasyon at sa walang sawang pag- aal