Maraming boses ang naririnig ni Gabriella subalit hindi niya maintindihan ang mga ito. Ngunit may iisang nagbubukod- tanging umaapaw na tinig sa kanyang tainga. Napangiti ang dalaga at saka napaluha. Hanggang unti- unti siyang hinila ng liwanag at nahulog sa kailaliman nito. Inaayos ni Cedric ang mga bulaklak sa vase at pinapalitan niya nang mga bagong presko na rosas. Nang matapos niya ay isinunod ang mga gamit ni Gabriella na naroon sa kaliwang bed. "Tiyak magugustuhan mo ang ayos ng iyong kwarto pagbalik mo sa Mansiyon." Wika ng binata habang pinupunasan ang mga personal na gamit ng dalaga. Hindi pa man ito nagigising ay kumpleto na ang mga gamit nito sa katawan. Ang mga private nurse ang naglilinis sa dalaga kahit gustuhin man niyang siya na lang ay hindi niga sinabi. Bilang respet