Dumiretso na si Cedric kay Dr. Javier nang matapos itong kumain. Dinala rin niya si Gabriella para naman makalabas na rin ito. Tuwang- tuwa ang dalaga habang sila ay pababa sa sasakyan. "Sama ka sa akin sa loob, Brie." Sabi ng binata nang makarating na sila sa waiting area. Gulat na napatingin sa kanya ang dalaga. "A- Ako?" Paulit pa niyang sinabi. Tumango lang ang binata at nauna na itong naglakad. Patakbo namang sumunod ang dalaga kay Cedric, at kumaway pa kina Warren nang lumingon ito sa kanila. Tawang- tawa naman si Aaron sa ginawi ni Gabriella. "Ang sweet niya 'no? Parang bata lang," nakangiting sinabi ng binata. "Kung anu- ano na naman ang napapansin mong, parrot ka." Pairap na sagot ni Warren. Umismid lang si Aaron at lumayo na sa binata. Magkasunod namang pumasok sina Cedri