Magkatabi nga ang dalawa sa pagtulog subalit may harang sa gitna nila. Tila masayang- masaya naman si Gabriella sa sitwasyon nila. Samantalang Cedric, naasiwa siya lalo na at babae pa ang kanyang kasama sa iisang kwarto. Unang pagkakataon iyun, kung susumahin masuwerte si Gabriella. Siya na isang bilyonaryo, katabi ng isang babaeng inosente sa mundo. Sukat- doon ay napalingon siya sa dalaga. Nakangiti pa rin itong nakatitig sa kanya. Tumagilid siya upang magkaharap ang kanilang mukha. Tila nahiya naman ito at tumihaya. "Brie, ilan kayong magkakapatid?" Tanong ni Cedric kapagkuwan. "Dalawa," maikling sagot ng dalaga. "Panganay ka?" Muling tanong niya rito. "Hindi, mas nauna siya. Step sister ko siya," Natigilan si Cedric at napatitig siyang mabuti sa dalaga. "Pangalawang asawa ng P