bc

The Sugar Daddy Mafia Boss

book_age18+
11.5K
FOLLOW
70.5K
READ
escape while being pregnant
age gap
pregnant
independent
mafia
suger daddy
love at the first sight
punishment
surrender
addiction
like
intro-logo
Blurb

Ayshelle Santillan is a 20-year-old college student. Trabaho niya ang mang-akit ng mga mayayamang negosyante tuwing weeknights. Wala siyang pakialam kung matanda man o pangit, basta mayaman ay agad niyang pinapatulan para lang perahan at nang sa gano'n ay mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na umaasa lang sa kanya. Pero nang makilala niya ang gwapong si Cole Morozov ay bigla na lang nagbago ang lahat, dahil ang inakala niyang isa lamang mayaman na negosyante ay isa palang malupit na Mafia Boss.

Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pera?

Paano kung dahil sa paglapit niya kay Cole ay makikilala naman niya ang mortal na kaaway nitong si Oliver Spassion na isa rin Mafia Boss?

Matatakasan pa kaya ni Ayshelle ang dalawang Mafia Boss kung ang manhid na puso ng mga ito ay tuluyan nang nahulog sa kanya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Wow nice, it looks awesome!” may pagkamangha na sambit ng isang binatilyo nang makita ang isang red sports car na naka-park sa malawak na garage ng kanilang mansyon. “Ito na ba talaga 'yun, Greg? Is this really mine?” Nakangiti namang tumango ang butler nito. “Yes, Young Master. Bigay po 'yan sa inyo ng inyong Ama bilang regalo sa inyong kaarawan, at ayon na rin sa iyong kahilingan.” Napahaplos sa kotse ang binatilyo kasabay ng malapad nitong pagngiti. “Give me the key, Greg.” Inilahad nito ang isang kamay sa butler. “Pero, Young Master—” “Oh come on, Greg. Give it to me, now.” “Ang bilin po sa akin ng inyong ama ay 'wag kayong hayaan na magmaneho dahil—” “Okay, I won't drive it, I promise. I just want to go inside.” Wala nang nagawa ang butler nito kundi ibigay ang susi. Lihim naman napangisi ang binatilyo. Agad nitong binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na pumasok sa loob, pagkapasok ay pasimpleng ni-lock ang pinto. Kaya naman nang buksan ng butler nito ang kabilang pinto para sana pumasok din sa loob ay ayaw nang mabuksan. “Young Master, open this door!” “I'm sorry, Butler Greg, but this is my car now. Hindi ka puwedeng pumasok ng wala ang pahintulot ko,” pabiro na sabi ng binatilyo na sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Mas lalo namang nataratanta ang butler nito nang pindotin na ng binatilyo ang start button ng sasakyan. “Young Master, no! Don't drive!” “I'm sorry, Greg, but you're not my boss!” Pinaandar na nito ang sasakyan at mabilis na pinatakbo paalis. Humabol pa ang butler nito pero sa huli ay napabalik din sa garage at sumakay sa isang kotseng naroon. Nang nasa highway na ay nakangisi lang ang binatilyo habang tinitingnan sa side mirror ang pagbuntot ng kotse ng kanyang butler. Kaya naman mas binilisan pa ang pagmamaneho. Nang may paliko na daan ay agad niyang iniliko ang kanyang kotse at mabilis na pinaharurot. “I'm sorry but you can't defeat me, Greg!” natatawang sigaw ng binatilyo habang pilit na nililingon ang butler. Pero sa kakalingon niya ay nagulat na lang siya nang pagtingin sa unahan ay sasalubong siya sa isang malaking truck, kaya naman sa pagkataranta ay mabilis niyang niliko pa kabilang side ang kanyang kotse, at sa kanyang pagliko ay hindi na siya nakapag-preno pa dahil tuluyan niya nang nabangga ang isang lalaking naglalakad sa daan na may bitbit na dalawang itim na plastic bag. Tumilapon ang katawan ng kanyang nabangga at bumagsak iyon sa semento, kasabay ng pagbagsak nito ay ang pag-agos ng dugo mula sa ulo, nagkalat din ang bigas at gulay mula sa dalawang supot nitong dala na nawasak na. Na-shock ang binatilyo sa at sandaling natulala habang nakatingin sa nakahandusay na lalaki na wala ng malay. Agad namang dumating ang Butler nito at nagulat din nang makita ang pangyayari. “Sige na, Young Master, umuwi na kayo sa mansyon. Ako na po ang bahala rito.” Hindi na nagdalawang isip pa ang binatilyo at agad na pinatakbo paalis ang kotse nito habang nanginginig pa ang mga kamay. Pagdating sa mala-palasyong mansyon ay agad na bumaba ang binatilyo sa sasakyan nito at tumakbo na papasok sa loob, dumiretso ito sa balcony kung saan naroon ang ama nito kasama ng ilang mga tauhan. “Dad, nakabangga ako! Nakapatay ako, Dad! Nakapatay ako!” humahangos na wika ng binatilyo. Isang malademonyong pagtawa naman ang pinakawalan ng ama nito na tila alam na ang pangyayari dahil natawagan na ng butler. “Oh come on, Son. It was an accident so stop panicking.” “M-Makukulong ba ako, Dad?” Napahalakhak ang matanda. “You don't have to worry, my son. Puputulan ko ng mga paa't braso ang kung sino mang pulis na magtatangkang ikulong ka o pakialaman. Anak kita kaya walang maaaring gumalaw sa 'yo nang wala ang pahintulot ko.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook