Story By TheInvisibleMind
author-avatar

TheInvisibleMind

ABOUTquote
Sa mga gustong bumasa ng new stories ko, nasa private group na po sa F*B. Kung gusto niyong mabasa ay mag-chat lang kayo sa F*B page ko: TheInvisibleMind Updates Dreame. Here\'s the list of my stories in the private group: 1. BIHAG (book 2) 2. Woman From Cell 02 3. Dangerous Nerd Next Door 4. Revenge of a Garbage Man 5. The Greatest Cheater 6. Buy Me A Thousand Times 7. Secret Obsession 8. When A Psychopath Falls In Love 9. Loving The Enemy\'s Daughter (BOOK 2)
bc
Loving The Enemy's Daughter
Updated at Apr 21, 2024, 17:31
Naging mortal na magkaaway ang kanilang ama dahil sa nangyari sa nakaraan, at naging mahigpit na magkalaban naman sa negosyo pagdating sa kasalukuyan. Ngunit paano nga ba kung mahuhulog ang puso mo sa anak na babae ng mortal na kaaway ng iyong ama? Paano mo 'to haharapin? Paano mo lalabanan ang sinisigaw ng puso mo kung sa bawat pikit ng mga mata mo ay nakikita mo ang maganda niyang mukha at matamis niyang mga ngiti na mas lalong nagpapabaliw sa 'yo.
like
bc
Heartbeat Of The Ruthless Criminal
Updated at Mar 17, 2024, 02:12
Dahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa tao, basta ang mahalaga lang sa kanila ay ang kanilang illegal na business. Ngunit saan nga ba hahantong ang pagmamalupit nila kay Kierra, kung sa bawat patak ng araw at gabi ay ang magandang mukha ni Kierra ang kanilang nakikita? Ang mukha na unti-unting magpapatibok ng kanilang manhid na puso. Magbabago pa kaya ang pagtrato nila kay Kierra? Makakaya bang magbago ng isang criminal para lang sa pag-ibig? WARNING: SPG R18+
like
bc
BIHAG
Updated at Feb 25, 2024, 04:01
Lima silang magkakaibigan, partners in crime sa lahat ng bagay. Pero sa pagdating ng isang babaeng napanalunan nila sa isang laro, magbabago ang kanilang magandang samahan. Siya si Hazel Escuela, ang babaeng kanilang pinaglaruan at pinagmalupitan. Pero paano nga ba kung ang isang dating laruan ay darating sa punto na pag-aagawan ninyong magkakaibigan. Paano kung ang dating samahan ay masisira dahil lang babaeng inyong pinagmalupitan. Ang karma ay dumarating sa tamang panahon. Ang pagsisisi ay nasa huli. Kapag kinalaban ng puso ang utak, doon ka mag-uumpisang mabaliw, lalo na kung hindi mo ito maaagapan. At kapag ikaw nabaliw sa tinatawag na pag-ibig, magugulo ang iyong isipan, hanggang sa wala ka nang sasantuhin masunod lang ang utos ng iyong damdamin. Pero ang tanong, papayag ka na lang bang maiwang luhaan at maging talunan? O nakahanda kang lumaban hanggang sa kamatayan maging sa 'yo lang ang babaeng iyong kinababaliwan?
like
bc
Mafia War: The Dangerous Heartbeat
Updated at Jan 2, 2024, 03:31
Akala ni Trine ay habang buhay na siya magiging bihag sa kamay ng lalaking nakamaskara nang kidnapin siya nito at ikinulong sa isang madilim na kuwarto, pero nang dalhin siya nito sa Spain ay doon siya matagumpay na nakatakas nang magkaroon ng kaguluhan sa hotel. Sa kanyang pagtakas ay doon naman niya nakilala si Deo na isang superstar CEO, tinulungan siya nito at hanggang sa naging magkasintahan silang dalawa. At sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay binigyan siya ni Deo ng bodyguard na magbabantay at makakasama niya sa araw-araw para sigurado ang kanyang kaligtasan. Pero ang hindi alam ni Trine, ang lalaking 'yun ay walang iba kundi ang kanyang kinatatakutan na kidnapper. He is Alessano Morette a.k.a Mr. L.A, ang Mafia Boss na mapagpanggap, at gagawin ang lahat para lang mapabagsak ang kanyang mga kalaban, at isa na doon si Deo na isa ring malupit na Mafia Boss.
like
bc
Three Dangerous Affection
Updated at Dec 6, 2023, 11:07
She's Shanel Ferrari, anak ng isang mafia boss at panganay sa pitong magkakapatid. Kung tutuusin ay nasa kanya na lahat; ganda, alindog, kayamanan at mga tagasunod na alipin. Pero dahil siya ang ginawang tagapagmana ng kanyang ama sa trono, kinailangan niya maging manhid, malakas, at walang awa kung pumatay. Ang tanging sandalan lang niya sa kanyang kalungkutan ay ang kanyang dalawang tapat na tauhan na sina Pietro at Yrem; kapag nasa harap siya ng dalawa ay nailalabas niya ang kanyang totoong emosyon, nakakaiyak siya at nakakapagwala hangga't gusto niya. Hanggang sa dumating na sa punto na pinadala na siya ng kanyang ama sa Ruthless Game (RG) para mamuno bilang reyna. Sa kanyang pagiging reyna ay kailangan niyang mapabagsak ang mga mas malakas kaysa sa kanya. Kaya naman gumawa siya ng paraan, nagpanggap siyang isang normal na babae at inakit si Deguil na isa ring anak ng Mafia Boss tulad niya at tagapagmana ng trono, pero tinatago lang ang tunay na pagkatao sa pagiging Governor. Ngunit maling hakbang yata ang pag-akit niya kay Deguil para mapabagsak ito, dahil 'yun na mismo ang magiging dahilan para matali siya rito, ang maging asawa nito. At 'yun din ang magiging dahilan para maging mabagsik ang kanyang dalawang tagasunod na si Pietro at Yrem.
like
bc
The Secret Agent Love Affairs
Updated at Dec 6, 2023, 08:57
Mula nang mamatay ang mga magulang ni Wendy ay siya na ang tumayong ina at ama sa kanyang tatlong nakababatang kapatid. At dahil puro utang ang naiwan ng kanya ng mga yumaong magulang ay tinakasan ni Wendy ang kanilang dating probinsya. Mula sa Lipa Batangas ay dinala niya ang kanyang mga kapatid sa Tondo Manila at doon sila nangupahan ng matutuluyan. At para madaling makahanap ng trabaho at maprotektahan ang kanyang sarili mula sa mga mapagsamantalang tao ay binago ni Wendy ang kanyang sarili, nagpanggap siyang lalaki at namasukan na isang waiter sa isang club. Hanggang sa nakilala niya si Yael na isang secret agent at kaibigan ng kanyang kapit-bahay. Dahil lang sa isang inahing pato ay tila naging mortal na magkaaway sila. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang sapilitan siya nitong isinama sa mga misyon nito para gawing alalay at ipain sa mga kalaban sa oras ng misyon. Ngunit hanggang saan nga ba niya maitatago sa lahat ang kanyang tunay na pagkatao kung araw-gabi na niyang nakakasama sa iisang bubong ang kanyang bagong boss na si Yael na talaga namang napakasungit at nakakaasar kung minsan, at kasama pa ang co-agent nitong si Rex na ubod naman ng kulit at katabi niya pa sa pagtulog gabi-gabi? At ano nga ba ang mangyayari kapag malaman ni Yael at Rex na ang nagpapagulo sa kanilang puso ay hindi pala isang tunay na lalaki kundi nagpapanggap lang?
like
bc
VINCE: The Dangerous Brother
Updated at Oct 31, 2023, 09:19
Lumaki si Sydney sa isang malaking mansyon kasama ng mga katulong. Pero kahit tanging mga katulong lang ang kasama niya ay hindi naman naging malungkot ang kanyang paglaki dahil nakukuha naman niya lahat ng gusto niya sa isang sabi niya lang. Pero isang kahilingan lang talaga ang gusto niya na hindi naman matupad-tupad kahit anong hiling niya, at 'yun ay ang makasama niya ang kanyang Kuya Vince na palaging nasa ibang bansa dahil sa trabaho nito. Paminsan-minsan lang siya nitong dalawin, tuwing birthday lang niya, kaya pakiramdam niya tuloy ay ayaw nito sa kanya. Kaya naman sa kanyang 18th birthday ay naging desidido siya at iniyakan niya ito, niyakap ng mahigpit na kung maaari ay isama na lang siya nito sa ibang bansa para hindi na sila magkahiwalay pa. Pero nagulat siya nang bigla siyang siniil ng halik at pinuwersa ng kanyang Kuya Vince na wala sa sarili nung gabing \'yun. Iyak siya nang iyak nang magising kinabukasan lalo na nang magwala ang kanyang Kuya Vince sa loob ng mansyon at sinigawan lahat ng mga katulong. Pero mas hindi niya inaasahan ang mga salita na lumabas sa bibig nito. “Stop crying, Sydney; we're not blood related. Hindi kita totoong kapatid dahil ampon lang naman kita.”
like
bc
Arrange Marriage With My Boyfriend's Cousin
Updated at Oct 13, 2023, 12:57
Dahil sa utos ng kanyang ama ay walang nagawa si Jelly Anne kundi ang magpakasal kay Ralph Ian na business partner nito at pinsan ng kanyang boyfriend na si Daniel. Pero dahil hindi naman nila mahal ang isa't-isa ay isang kasunduan ang nabuo sa kanilang dalawa ni Ralph. “Bigyan mo lang ako ng tagapagmana, at pakakawalan na kita.”— Ralph Ian Lambert. Pumayag siya sa kasunduang 'yun, napagkasunduan nila na five years at tutupad siya, bibigyan niya ito ng anak. Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran, dahil nang makipaghiwalay siya kay Daniel, dinala siya ng kanyang pagdadalamhati sa isang lugar, at doon siya nakagawa ng pagkakamali kasama ng isang estranghero na hindi man lang niya nasilayan ang mukha. Ang pagkakamali na 'yun ay nagbunga at nilihim niya sa lahat. Ngunit hanggang saan nga ba hahantong ang kasunduan at pangako? Matutupad niya kaya ang pangako niya kay Daniel na babalikan niya ito after five years? Pero paano naman ang napagkasunduan nila ni Ralph na bibigyan niya ito ng anak after five years? At paano kung ang lihim na itinatago ay mabubunyag sa hindi inaasahang pagkakataon? Sino ba ang dapat piliin? Ang lalaking pinakasalan mo, o ang lalaking mahal mo na umaasa pa rin sa pagbabalik mo?
like
bc
The Sugar Daddy Mafia Boss
Updated at Aug 24, 2023, 11:28
Ayshelle Santillan is a 20-year-old college student. Trabaho niya ang mang-akit ng mga mayayamang negosyante tuwing weeknights. Wala siyang pakialam kung matanda man o pangit, basta mayaman ay agad niyang pinapatulan para lang perahan at nang sa gano'n ay mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na umaasa lang sa kanya. Pero nang makilala niya ang gwapong si Cole Morozov ay bigla na lang nagbago ang lahat, dahil ang inakala niyang isa lamang mayaman na negosyante ay isa palang malupit na Mafia Boss. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pera? Paano kung dahil sa paglapit niya kay Cole ay makikilala naman niya ang mortal na kaaway nitong si Oliver Spassion na isa rin Mafia Boss? Matatakasan pa kaya ni Ayshelle ang dalawang Mafia Boss kung ang manhid na puso ng mga ito ay tuluyan nang nahulog sa kanya?
like
bc
Heartbeat of the Ruthless Criminal (English Version)
Updated at Aug 9, 2023, 00:10
Kierra Celestina, a 19-year-old college student, innocent, sweet, kind, and obedience to her parents. She is the youngest child of General Carlito Gabriel, a prominent police General in the Philippines. However, her life takes a tumultuous turn due to her father and brother’s profession,  leading to complications when she gets kidnapped by Larco Zayn Hedresson, the notorious leader of a large syndicate in the country. He made her his "bed-warmer," alongside his comrade, Darius Mikalov. Both Larco and Darius were ruthless members of the syndicate, caring little about the well-being of others as they were fully engrossed in their illegal operations. But amidst this dark abyss, an unforeseen twist began to unfold. With each passing day and night spent in Kierra's presence, the cold hearts of Larco and Darius started to soften. Her captivating beauty had an unexpected effect on them, and the sight of her face stirred emotions they thought they were incapable of experiencing. Could their treatment of Kierra will change? Was it possible for criminals like Larco and Darius to change, all for the sake of love?
like
bc
Agawin Ang Pag-ibig
Updated at Mar 30, 2023, 08:17
Unang kita pa lang ni Tyrese kay Carrie ay nabihag na nito ang puso niya, kaya lang hindi naman siya makalapit sa dalaga dahil girlfriend na ito ng kanyang matalik na kaibigan na si Dion. Kaya naman nang minsang humingi ng pabor sa kanya si Dion na siya muna ang sumundo sa girlfriend nito sa pinapasukan nitong paaralan ay agad siyang nagkaroon ng pagkakataon. Sinundo nga niya si Carrie, pero inuwi naman niya ito sa kanyang apartment, at doon niya hinalikan hanggang sa tuluyan itong bumigay sa kanya. Ngunit paano nga ba niya maaagaw ang dalaga kung isang pagkakamali lang ang turing nito sa isang gabi na kanilang pinagsaluhan? At paano na ang pagiging magkaibigan nila ni Dion kapag nalaman nitong inaahas na pala niya ang girlfriend nito? “Oo kaibigan ko si Dion, at pinapahalagahan ko siya bilang aking kaibigan. Pero hindi ko kayang talikuran ang sinisigaw ng puso ko dahil lang sa kaibigan ko siya. Matagal na kitang gusto, Carrie, at ngayon may nangyari na sa atin, nakahanda akong ipaglaban ka sa lahat maging akin ka lang.” —Tyrese Dimitriou
like
bc
AXLE: The Billionaire Sex Slave
Updated at Feb 5, 2023, 10:33
Dahil sa pagkabigo sa asawa ay nagawa ni Crissa Shen na pumunta sa isang club para sana sandaling makalimot sa kanyang pighati. Pero nang makita niya ang isang lalaking nakamaskara na sumasayaw ng malaswa sa taas ng dance floor ay naisip niyang ibuhos na lang dito ang kanyang nararamdaman, kaya naman agad niya itong binayaran para sa isang gabing kaligayahan. Pero paano kung ang lalaking inakala niyang isa lamang hamak na macho dancer ay CEO pala ng isang malaking kumpanya? At hindi lang 'yun dahil mortal pa itong kalaban ng kanyang Lolo sa negosyo. “Paano ba 'yan, Chairman, nabuntis ko na ang apo niyo.”—Axle Dimitriou
like
bc
One Brat and the Three Bodyguards
Updated at Sep 28, 2022, 18:35
Dahil sa pagtakas ni Rachelle gabi-gabi para lang gumala kasama ng mga kaibigan ay kinuhanan siya ng Dad niya ng tatlong bodyguard na magbabantay sa kanya sa araw-araw. Nung una ay medyo hindi sila magkasunod ng kanyang mga bodyguard dahil palagi siya nitong inaasar, pero di nagtagal ay naging magkasundo din sila lalo na nang mamatay ang kanyang ama, wala siyang naging karamay kundi ang tatlo niyang bodyguard lamang at mga katulong. Sa pagkawala ng kanyang Dad ay nanatili sa kanya ang tatlo niyang bodyguard, hanggang sa na-inlove siya kay Clark na siyang pinakamasungit sa tatlo at naging boyfriend niya ito. Pero sa araw mismo ng kasal nila ni Clark ay naaksidente ito at hindi dumating sa simbahan, bagkus ay mga pulis ang dumating at binalita ang pagkamatay nito. Umuwi siyang luhaan at bigo, at ang masaklap pa ay nalaman niyang buntis siya. Para makalimot sa mga masakit na pangyayari ay sumama siya sa isang bodyguard niya papunta sa ibang bansa. Lumipas ang mahigit dalawang taon ay muli silang bumalik ng Pilipinas. Pero sa kanyang pagbabalik ay hindi niya inaasahan na makikita niyang buhay si Clark na inakala niyang patay na 2 years ago. Gusto nitong makipaglaban sa kanya. Pero paano siya makikipagbalikan kay Clark kung kasal na siya kay Terrence? At ang dating pinagbubuntis na inakala niyang si Clark ang ama ay hindi pala kundi si Terrence? Sino nga ba ang pipiliin niya sa dalawa kung parehong nagsinungaling ang mga ito sa kanya? Pipiliin niya ba si Clark na siyang lalaking mahal niya? o si Terrence na siyang lalaking pinakasalan niya at nanatili sa tabi niya nung mga panahong bigo siya at kailangan ng masasandalan? Nagbabago ba ang puso kung ito ay minsan nang magdusa at naluko? Ano nga ba ang dapat piliin, 'yung taong Mahal mo, o 'yung taong Mahal ka?
like
bc
Married to a Dangerous Man
Updated at Sep 25, 2022, 23:23
Para sa sariling kaligtasan ay pumayag si Jeziel magpakasal kay Dylan Sedestre, ang anak ng sindikato na kanyang tinatakasan. Akala ni Jeziel ay magiging maganda na ang buhay niya sa piling ni Dylan lalo na't mabait naman ito sa kanya at pinaaral pa siya sa mamahaling paaralan, binibigay rin nito lahat ng mga gusto niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli naman pinagtagpo ang landas nila ni Terron Gabriel, ang ama ng kanyang anak at pulis na minsan nang nagligtas sa kanyang buhay mula sa kamay ng mga sindikato. Pero dahil sa pagdating ni Terron sa buhay niya ay siya namang pagbago ng ugali ni Dylan, lalo na nang malaman nito kung anong klaseng sekreto ang meron sila ni Terron na siyang pilit niyang itinatago. R18+
like
bc
Having You Near Me
Updated at Oct 28, 2021, 18:37
NOTE: Maraming errors ang story na 'to, kaya pakiusap wag mo nang basahin kung malinis ang hanap mo. Wala pa akong time para mag-edit. Trina Nicodemus is a secret agent, a rape victim. Nang malaman ng kanyang boyfriend na nabuntis siya ng ibang lalaki ay iniwan na lang siya nitong bigla, without saying goodbye, ni hindi man lang hiningi ang paliwanag niya. Kaya naman nang alukin siya ng kasal ni Daryll Zandiego na siyang best friend ng kanyang Ex-boyfriend ay agad siyang pumayag. Pero dahil sa pagpapakasal niya kay Daryll ay isang sekreto ang kanyang matutuklasan. Isang sekreto ng nakaraan na minsan nang ibinaon sa limot.
like
bc
You're Mine, My Best Friend
Updated at Mar 27, 2021, 19:54
Paano kung masira ang kasal mo at ng taong mahal mo dahil lang sa kagagawan ng best friend mong may lihim na pagtingin sa 'yo, ano nga ba ang gagawin mo? Note: Beware of grammatical errors. Busy pa ang author kaya di pa malilinis ang mga mali. At ito ang kanyang first novel na natapos, so asahan ang maraming errors mga besh! Huwag kang, masyadong magmalinis muna. Lahat tayo nagsimula sa ABCDEFG! So be patience with the grammatical errors!
like