CHAPTER 1
NAPANGISI si Sylvienne pagkalabas mula sa loob ng lumapag na eroplano sa NAIA airport.
Sa wakas, nakabalik na rin siya ng Pilipinas. Natakasan din niya ang kaniyang Ina sa Moscow na sobrang higpit sa kaniya. Ni bawal gumala ng walang bodyguard. Lahat-lahat na lang bawal. Nasasakal siya.
Pero ngayon narito na siya sa Pilipinas, siguradong magagawa na niya lahat ng mga gusto niya.
Dito na lang din niya sa bansang ito ipagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral ng college.
Dito sa bansa ng kaniyang ama na apat na taon na rin niyang hindi nakikita dahil sa pagbabawal ng kaniyang Ina.
Pagkalabas ng airport ay agad siyang sumakay ng taxi at nagpahatid sa isang malaking casino na pag-aari ng kaniyang ama—ang Vsyé Casino.
Kaya lang pagdating niya ay ayaw naman siyang papasukin ng dalawang security guard dahil sa menor-de-edad pa siya, at dahil na rin sa ayos niya na hindi pang mayaman, dahil naka-simple outfit lang naman siya, tamang jeans lang at red leather jacket.
“I am the daughter of the owner of this casino, Mr. Clinton Ferare! Call him if you want and tell him his daughter, Sylvienne, is here from Moscow!” pagpupumilit niya sa dalawang guard.
Ngunit hindi man lang nakumbinsi ang mga ito.
“Umalis ka na sabi, miss! Menor-de-edad ka pa, at hindi ka talaga puwede rito! Alis na!” pagtataboy nito sa kaniya at bahagya pa siyang tinulak sa balikat ng isa dahil nakulitan na sa kaniya.
“Argh!” Napapadyak siya sa inis at dali-dali na lang binuksan ang kaniyang phone, hinanap ang litrato niya kasama ng kaniyang ama noong 10th birthday niya.
Nang makita ang litrato ay napangiti siya at agad na tinaas sa harap ng dalawang guard ang kaniyang phone.
“There! Do you see this? That’s my dad and me when I was ten years old!”
Tinapunan naman ng saglit na tingin ng dalawang guard ang litrato, pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mga ito.
“Alis na kung ayaw mong kaladkarin ka namin paalis!”
Nanggigil na si Sylvienne sa inis. Damn. Talagang malilintikan sa kaniya ang dalawang guard na ’to kapag napuno siya.
“Fine! Then watch this video instead—”
“Huwag ka nang manloko pa! Alis na!” Bigla na lang siya kinaladkad ng isang guard sa braso at patapon na binitiwan pagdating sa malayo.
Napangiwi na lang siya sakit nang bumagsak sa matigas na semento.
“How dare you lay a hand on me! Once I see my dad, I’m reporting you! No—I’ll fire you myself! Just wait, you asshole!”
Napapagpag na lang siya sa sariling suot nang marumihan. Bullshit! Ang sama ng trato sa kaniya, talagang tatandaan niya ang pagmumukha ng dalawang guard na ’yon!
Hindi pa naman niya alam kung saan ang address ng kaniyang ama, at wala na rin siyang contact number dahil pinagbawalan siya ng kaniyang ina na magkaroon.
“This is so frustrating. Where the hell am I supposed to go now? Buti sana kung dadalaw si Dad sa casino na ’to. Argh!”
Kaya naman wala na siyang nagawa kundi sumakay na lang muli ng taxi at nagpahatid sa mansyon na dating tinitirahan niya ng kaniyang Ina.
Pagdating niya ng mansyon ay naka-lock ang gate. Kaya napilitan siyang akyatin ang mataas na pader, mabuti na lang ay may isang puno sa malapit at 'yon ang ginawa niyang daan para makaakyat.
Naka-lock ang front door ng mansyon, kaya sa backdoor siya dumaan at nabuksan ang pinto gamit ang susi na hindi niya inaasahan ay nasa lumang paso pa rin.
Pagkapasok niya sa loob ng mansyon ay hindi niya inaasahan na kalinisan ang bubungad sa kaniya—na para bang may nakatira pa rin, dahil talagang buhay na buhay ang loob.
Mas lalo pa siyang nasurpresa pagpasok niya ng kitchen at buksan anv ref, punong-puno ng mga snacks and drinks. Nang tingnan niya ang expiration date ay matagal pa mag-expired.
At dahil gutom na rin siya ay napagdesisyonan niyang kumain na lang.
Nang mabusog na ay umakyat na siya sa dati niyang kuwarto. But to her surprise, nag-iba na ang design theme. Ang dating pink ay naging grey na, parang kuwarto na ng isang lalaki.
Hindi niya mapigilan ang mapasimangot. Pero sa isipin na ang daddy niya na pala ang nakatira ay agad din nawala ang pagsimangot niya at napalitan ng ngiti.
Pumasok na siya ng bathroom at naligo. Kompleto rin ang mga gamit sa loob ng bathroom pero panlalaki ang mga sabon at shampoo, gano'n pa man ay ginamit na lang niya.
Nang matapos maligo ay lumabas na siya ng banyo suot ang grey bathrobe at nakabalot pa ng white towel ang basang buhok.
Wala siyang dala na kahit na ano nang umalis siya Moscow dahil tumakas lang siya, kaya tanging cellphone lang ang dala niya at konting halaga ng pera. Ni isang bihisan ay hindi siya nagdala, dahil alam niyang hindi rin niya poproblemahin ang gano'n, dahil kayang-kaya naman siyang ibili na marami ng kaniyang billionaire na ama.
“Hmm . . .” Napahiga siya nang malalim pagkahiga sa malambot na kama. “Maybe I’ll just wait for Dad. Will he even come home tonight?” she murmured, staring up at the ceiling.
Hanggang sa bumangon din siya agad at pumasok ng walk-in closet sa pagbabakasakaling mahahanap siyang bihisan.
But as soon as she stepped inside, she stopped in her tracks.
Everything inside belonged to a man—suits, shoes, and other formal wear neatly arranged.
“Ugh. Looks like Dad got rid of all my stuff,” pagsimangot na lang niya at lumabas na lang.
Pumasok naman siya sa dating kuwarto ng kaniyang Ina. But the moment she stepped inside, confusion washed over her. The entire space looked different—the furniture had changed, and the bed was rearranged. Medyo makalat kumpara sa kuwarto niya. Men’s clothes were scattered across the floor, as if someone had hurriedly changed and left.
Hanggang sa napunta ang tingin niya sa isang picture frame na nakalagay sa ibabaw ng table. Mabilis siyang lumapit dito at tiningnan sa malapitan ang litrato. Ngunit gano'n na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang makitang hindi pamilyar ang mukha, ni hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya.
“My God, who is this guy? Is he one of Dad’s secretaries?” hindi na niya mapigilang tanong habang nakatingin sa litrato.
Mas lalo siyang nahihiwagaan. Nakapagtataka.
Muli na siyang bumalik sa dati niyang kuwarto at naghalughog sa loob. Hanggang sa pagbukas niya ng drawer ay bumungad sa kaniya ang isang pistol.
Hindi na siya nagulat pa na makakita ng baril dahil sanay na siya makakita nito at alam din niya kung paano gamitin. Tinuruan siya ng kaniyang ama noong siya'y nasa 8 to ten years old pa lang. Then sinanay rin siya ng tauhan ng kaniyang Ina for self-defense. Kaya malakas talaga ang loob niya na gumalaw mag-isa kung saan niya gusto, dahil tiwala siya na kaya niyang protektahan ang kaniyang sarili kung sakaling may nakaabang man panganib.
Hindi niya natiis at agad na tinawagan ang kaniyang ina gamit ang messenger. Mabuti na lang ay nakabili siya ng bagong SIM card kanina.
“Mom, it's me. I’m in the Philippines now,” bungad niya sa Ina.
Pero napapikit na lang siya sa malakas na boses nitong sagot sa kaniya na agad siyang senermunan.
“You stubborn brat! Get back here now! You cannot stay with your father! He’ll only use you for his own interests! Do you even realize what kind of man he is?! Baka mamalayan mo na lang ipinakasal ka na niyan sa matanda niyang kasusyo sa illegal na negosyo! Kaya umuwi ka na rito sa Moscow ngayon din! I’m sending Kevic to fetch you!”
Napaikot na lang ang mata niya matapos marinig ang mahabang sermon ng Ina.
“I haven’t even seen Dad yet, Mom,” irap niyang sagot dito. “I’m here at our old house. And guess what? It feels like someone else is living here—”
“Of course someone else is living there! I sold that house last year! It’s not ours anymore! You cannot stay there!”
Napaawang na lang ang labi niya sa narinig mula sa Ina. Ngunit hindi na siya nakasagot pa muli rito nang makarinig na siya ng paparating na sasakyan mula sa labas.
Mabilis siyang tumakbo sa may bintana at hinawi ng konti ang kurtina. Nakita niya ang paghinti ng tatlong itim na kotse, at gano'n na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makita na puro may mga baril na lalaki ang bumaba.
“Oh my god.” Nataranta na siya at mabilis na kinuha ang baril sa drawer bago naghanap ng maaaring mapagtaguan.