CHAPTER 2

1226 Words
Sa pagkataranta niya ay sa banyo siya pumasok at mabilis na dinampot ang kaniyang pinaghubaran bago nagtago sa tabi ng pinto, kinasa na rin niya ang baril para ihanda kung sakaling panganib man ang dala ng mga taong dumating ngayon. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig na niya ang ingay ng pagpasok sa kuwarto. Maingat niyang nilapat ang kaniyang tainga sa nakasaradong pinto, pero wala siyang marinig. Mabilis niyang binuksan ang kaniyang phone at tatawag sana ng pulis para humingi ng tulong, kaso hindi naman niya alam kung paano, dahil wala naman siyang contact number. Napamura na lang siya sa kaniyang isipan at nilibot ang tingin sa loob ng bathroom, pero wala siyang makita na maaari niyang daanan para makalabas. Kaya naman ang tanging naisip na lang niya ay hintayin na lang maghatinggabi. Hindi siya puwedeng magpadalos-dalos, lalo na't nakita niya kanina na maraming mga lalaki ang dumating at lahat ay puro armado. Buti sana kung dalawa tatlo lang, baka kaya pa niyang makipagbarilan sa mga ito. Pero ’yong gano'n karami? Siguradong talo siya at posibleng mapapahamak pa. Nang mapatingin siya sa kaniyang wristwatch ay 4:03 PM pa lang. Damn! Matagal pang gumabi! Lumipas ang halos kalahating oras ay bigla siyang nabahala nang marinig na ang papalapit na yapak. Hanggang sa muntik na niyang mahigit ang kaniyang paghinga nang bigla nang bumukas ang pinto ng bathroom kung saan siya nakatayo. Pero sa pagbukas nito ay natakpan naman siya, kaya kahit papaano ay nabawasan ng konti ang kaba niya. Pumasok na ang taong nagbukas ng pinto. Humigpit ang hawak ni Sylvienne sa baril at napalunok. Nakahanda na sana siyang umatake sa pag-aakalang makikita na siya. Ngunit hindi, dahil hindi na nag-abala pang isara ang pinto ng taong pumasok at dumiretso lang ito sa shower. Basta narinig na lang niya ang lagasgas ng tubig. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Sylvienne. Hanggang sa naisip niyang sumilip para makita kung sino ba ang pumasok at kung ano na ang ginawa. Ngunit sa kaniyang pagsilip ay kasabay no’n ang paglaki ng mga mata niya sa gulat nang makita ang isang lalaking nakatayo sa ilalim ng nakabuhay na shower habang hubo't hubad. Holy s**t! Kitang-kita niya ang matambok nitong puwet na kahit mareno ang kulay ay napakakinis! Napamaang siya nang ilang saglit at pinasadahan ng tingin ang katawan nitong may pagka-moreno. In fairness, ang guwapo ng likod! Matangkad at maganda ang pangangatawan. “Hmm. Hmm. Hmm.” Humihimig-himig pa ang lalaki habang naliligo at sinasabon nito ang katawan. Hindi na namalayan ni Sylvienne ang kaniyang pagtitig sa likod ng lalaki. Pero nang matauhan ay mabilis siyang nagkubli muli at hindi na sumilip pa. Nakagat na lang siya sa kaniya labi dahil sa kaba na baka makita siya nito. Pero hindi maaari, ito na ang pagkakataon niya para makalabas habang nakatalikod pa ito. Kaya naman nilakasan na niya ang loob na at dahan-dahan nang humakbang. Hanggang sa nakalabas siya pagkubli at narating na ang bungad ng pinto. Ngunit saktong pagtapak ng mga paa niya ay siyang paghinto niya nang marinig ang baritonong boses. “Who the hell are you?” Doon na nanlaki ang mga mata niya at sumiklab ang malakas na kaba sa dibdib niya. Ngunit imbes na lumingon at sumagot ay bigla na siyang kumaripas ng takbo palabas ng bedroom. “Walanghiya! Bumalik ka rito!” galit na sigaw ng lalaki na agad siyang hinabol. Diretso naman siyang tumakbo pababa ng stairs. Pagbaba ay doon niya nadatnan ang mga nagkalat na lalaki na agad na napatingin sa kaniya. Pero imbes na hulihin siya ay nakatingin lang ang mga ito na parang bang nagulat at may pagtataka. “Mga Tanga! Bakit nakatingin lang kayo riyan! Habulin niyo!” galit na sigaw ng lalaking humabol sa kaniya. Saka lang natauhan bigla ang mga armadong lalaki at agad na kumilos. Ngunit tuluyan nang nakatakbo palabas ng mansyon si Sylvienne. Ang tuwalya na nakabalot sa basa niyang buhok ay nalaglag na at hinayaan na lang niya. Basta tumakbo lang siya nang mabilis kahit tanging bathrobe lang ang suot. Ngunit hinabol na siya ng mga kalalakihan at bigla na lang pinaputukan, dahilan para imbes na ipagpatuloy niya ang pagtakbo ay mabilis na lang siyang nagkubli sa isang punong nara. Para hindi makalapit sa kaniya ang mga lalaki ay agad siyang gumanti ng putok. “Boss, may baril ’yong babae! Sino ba 'yon?” “Hindi ko alam, kaya nga pinapahuli sa inyo! Baril ko ang kinuha, walong bala lang ang laman ng baril na 'yon, naiputok na niya ang pito, kaya isa na lang ang natira! Palibutan niyo!” Sylvienne’s eyes widened at what she heard. She immediately checked the gun’s magazine, and—s**t!—it was true. Only one bullet left! Lumakas na ang kaba niya at na-tense na ang kaniyang buong sistema habang nanatiling nakakubli sa puno. Narinig niya ang papalapit na yapak dahil sa tunog ng mga naapakan na tuyong dahon. Hanggang sa hindi nagtagal ay bumulaga sa kaniya ang isang lalaki sabay tutok ng baril. Pero mabilis niyang sinipa ang kamay nito at sinalo ang baril nang mabitiwan nito. Nabaril niya sa paa ang lalaki at mabilis siyang pumuwesto sa likuran nito bago ito tinutukan ng baril sa ulo. Mabilis naman napataas ang mga kamay nito. “Go ahead. Take another step, and I’ll blow his f*****g brains out!” banta niya sa mga kasamahan nito. “Tangina naman, Alturo, ang hina mo naman! Isang babae lang naagawan ka pa ng baril!” reklamo ng isang lalaki. Napangisi lang si Sylvienne sa narinig. “Sige, lumakad ka ng paatras hanggang sa makarating tayo ng gate kung ayaw mong patayin kita ngayon din,” utos niya rito. Agad naman itong tumango nang sunod-sunod habang nakataas pa rin ang mga braso. “Oh sige sige, basta huwag mo lang iputok ’yan.” Sumunod na nga ito at marahan na nga humakbang paatras. Marahan din ang naging pagsunod ng mga lalaki sa kanilang unahan. Ngunit sa isang iglap ay nagulat na lang si Sylvienne nang maagaw ng lalaking tinututukan niya ang baril na hawak niya. “Ah—ouch!” Napadaing na lang siya nang mabilis nitong na-lock ang mga braso niya sa kaniyang likuran at napaluhod siya sa lupa. “Sige, subukan mong gumalaw at bungo mo naman ang papuputukin ko!” babala nito sa kaniya at siya na ang tinutukan ng baril sa ulo mula sa likuran. “Boss, nahuli ko na!” Napangiwi na lang si Sylvienne sa sakit ng pagpilipit sa kaniyang mga braso. Hanggang sa huminto na sa harap niya ang malalaking mga paa na walang suot na slippers, nakatapis lang ng puting tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa basang katawan. “You insolent little b***h!” he growled, his voice low, dangerous—like a predator catching its prey. Before she could react, his fingers twisted into her wet hair, yanking her head back with brutal force. “Ang lakas ng loob mong pumasok dito sa teritoryo ko!” “Ah,” daing niyang pagngiwi kasabay ng pag-angat ng ulo niya. Doon na bumungad sa kaniya ang mukha ng lalaking nakatuwalya. Agad na nagtama ang kanilang mga mata, at kitang-kita niya ang galit sa guwapong mukha nito na may mga butil pa ng tubig. Pero nang makita nito ang mukha niya ay nabitin bigla sa ere ang kamay nitong ipananapak na sana sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD