NAKATAOB lang ako sa kama habang nakasubsob ang mukha sa malambot na unan. Naiinis na ako, nakakapanggigil na, magdadalawang gabi na akong hindi makalabas-labas dito sa kuwartong 'to. Talagang ikinulong nga ako ni Cole, at ang masama pa ay hindi man lang ako binisita, kaya hindi ko tuloy siya makausap para bawiin ang mga nasabi ko sa kanya. Kagabi ay pinahatiran niya lang ako ng pagkain sa mga katulong, gano'n din kaninang umaga at tanghali, kaya lang hindi ko mapigilan ang mabwisit sa mga katulong dahil talagang nakakainsulto ang pakikitungo nila sa akin; parang nagdadabog ba naman tuwing nagdadala sa akin pagkain, at ang sama lagi ng tingin sa akin; kaninang umaga ay tinawag akong ahas ng isa, at kabit naman ang tinawag sa akin ng isa, 'yung naghatid naman sa akin ng lunch kaninang tang