IT'S BEEN TWO DAYS, sa loob ng dalawang araw ay naging masaya ako sa piling ng bago kong pamilya. Pero gayunpaman ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang naiwan kong mag-ama. I missed my daughter Cally, and Cole, I missed him too— yes, hindi ko puwedeng itanggi 'yun. Ipagpalagay nang totoo nga na may ginawa siya sa akin kaya nabura ang alaala ko, pero tuwing iniisip ko ang seven years na pinagsamahan namin, hindi ko kayang magalit sa kanya. Napakabuti niyang asawa sa akin, at ama sa anak namin, kaya paano ako magagalit. Ang totoo ay gusto ko nang umuwi sa kanilang mag-ama, I want to talk to Cole, but Oliver didn't let me go. Nangako ito sa akin na kukunin niya ang anak kong si Cally para makasama ko pa rin kahit narito ako sa puder niya. Nagtalo pa kami, pero at the end, wala pa rin akong