bc

One Four Three, Captain

book_age16+
757
FOLLOW
8.2K
READ
HE
heir/heiress
lighthearted
mystery
loser
office/work place
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

Meet Hera Nyx Taevas. She's an Aviatrix in the famous airline of the country, the Marcet Airline Philippines. She will meet Aleric Zeus Marcet, a pilot and the heir of The Marcet Airline Philippines. Hera has a good personality. She is serious when it comes to her work. On the other, Aleric is stubborn and playful. He is dedicated to his work and eases everything around him without pressure. They are like dog and cat when sees each other. So, how do they fall for each other?

chap-preview
Free preview
Prologue
Hera Nyx Taevas Mahimbing akong natutulog ng maramdaman ang pagyanig sa kama. Bigla kong minulat ang aking mata at umupo sa kama. Pinapakiramdaman ko kung lumilindol o panaginip lang ang aking nararamdaman. At ilang sandali nga lang ay nagising ang aking diwa ng marinig ang mga maliliit na tawa sa aking tabi. Dahan-dahan akong tumingin sa aking kaliwang gilid. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaking hubo’t-hubad at nakapatong sa ibabaw ng babae. Dali-dali akong napatayo sa kama at umalis. “Hahaha!” Natawa sila dahil sa aking pagkagulat. Hindi ko napigilang mainis at mapasigaw, “Putcha naman, Rachel!” galit kong sabi. “Pati ba naman dito nagkakalat ka ng kakatihan?!” “Sorry, babe!” hingi ng tawag ni Rachel. Kita sa kaniyang mukha na tawang-tawa siya ngunit pinipigilan iyon. Umalis ang lalaki sa kaniyang ibabaw at parang walang pakialam sa nangyayari. “Tang-ina!” usal ko. “Babe, pwede ka bang lumipat ng ibang kwarto?” tanong niya. “Ayoko naman mabitin kaming dalawa!” Inirapan ko siya, “How vulgar!” saad ko at nag martsa palabas ng kwarto. Hindi ko rin napigilan damputin ang unan na nahulog at ibato iyon sa kaniya. “Ganiyan ka na ba talaga katigang?!” ‘Open si Rachel sa lahat ng ginagawa niya. Kaya kami magkasundo dahil hindi siya plastic na kaibigan at katrabaho. Kaya siguro nagtagal ang pagkakaibigan namin dalawa dahil na rin sa kaniyang pag-uugali. Lahat ng gusto niyang sabihin ay sasabihin niya sa iyo. Kapag ayaw niya sa isang tao ay iisnaban niya lang at ipapakita niya na ayaw talaga kahit magkagulo pa.’ Nag peace sign siya at nag-sorry ulit, “Sorry!” Wala akong choice kun’di ang umalis sa kwarto at pagbigyan siya. Paglabas ng kwarto ay dumiretso ako sa kabilang room kung saan natutulog ang iba pa naming kaibigan. ‘Magkakatrabaho rin kami!’ Ang tinutuluyan namin condominium ay pagmamay-ari ng company. ‘Accessible lang kasi mag stay dito kapag maaga ang flight mo dahil five minutes away lang sa airport.’ Nang buksan ang pintuan ay tulog na tulog na sina Carol, Steph at Joan. ‘Mahimbing na natutulog, samantalang ako ay ay inis na inis dahil bitin sa tulog.’ Dahan-dahan kong sinara ang pintuan para hindi ko sila maistorbo. Napabuntong hininga na lang ako. ‘No choice! Sa sofa ako matutulog.’ Bumalik ako sa kwarto namin ni Rachel. ‘Hindi nahiya ang dalawa at tinuloy talaga ang pagpapasarap nila!’ Napatingin pa sa akin si Rachel na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ng lalake. Napatigil siya sa pagtaas-baba at pinanood ang aking galaw. "Excuse me!" Nakasimangot ako habang sinasabi iyon. Hinatak ko ang blanket at kinuha ang unan, diretso labas ng kwarto. ‘Gustong-gusto kong ibalibag ang pinto pero hanggang sa isip ko lang iyon dahil ayokong maistorbo ang iba akong mga kasama sa bahay. Paghiga sa sofa ay sinubukan kong bumalik sa tulog. Itinalukbong ko ang kumot mula paa hanggang ulo. Naka-ilang ikot na ako sa sofa para makuha ang pwesto na gusto ko pero walang silbi iyon. "Hmmp!" Gigil na reaksyon ko. Tumingin ako sa orasan. ‘Pasado alas dos na pala ng madaling araw.’ Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga. “Hindi na ako makakatulog,” bulong ko sa aking sarili. Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape. ‘Magpapalipas na lang ako ng oras habang hinihintay ang aking flight schedule.’ Habang umiinom ng kape ay inaliw ko na rin ang aking sarili. Kinuha ko ang cellphone at nanood ng mga nakakatawang mga palabas sa social media. “Sa gayon mawala ang badtrip ko kay Rachel.” Napukaw ang aking atensyon ng bumukas ang pintuan ng kwarto namin. Magkaakbay na lumabas si Rachel at ang lalaki. Ipinakita kong naiinis ako sa kaniya kahit nakangiti siyang naglalakad papunta sa akin. Hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa sa pagyayakapan. ‘Mula Aviation School hanggang sa pagtatrabaho ay matibay pa rin kaming magkasama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago sa pagiging playgirl niya.’ “Good morning, Captain!” Binati ako ng lalake bago siya tuluyang umalis. "Morning," walang buhay kong tugon sa kaniya. “Really?” saad ko sa dalawa. “Talagang dito pa kayo sa harap ko maglalampungan? ‘Di pa kayo nakuntentong dalawa sa ginawa niyo kanina?!” mahinahon kong sambit. “Sorry, Captain!” saad ng lalake. Ilang segundo pa at hinalikan niya si Rachel at nagpaalam. “See you,” paalam niya. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa siya. Narinig ko na lang na sumara ang pintuan. Hindi ko rin namalayan na nakatayo pa si Rachel sa aking harapan at hindi pa umaalis. Pagbaba ko sa tasa ng iniinom kong kape ay siya naman kuha niya. "Rachel!" Ngumisi siya, “Bakit?” tanong niya. “Siya iyong bagong hire na co-pilot ng airline,” kwento niya. "So what? I'm not interested in your affair." Mataray kong tugon. Sapilitan kong kinuha ang kape sa kaniyang kamay. “Kung gusto mo ng kape, magtimpla ka ng sa iyo! Inistorbo mo na nga ang tulog ko, pati ba naman pagkakape ko?!” “Ayaw mo bang malaman kung ano ang nararamdaman ko?” tanong niya. Para siyang nahihibang. “It’s love at first sight,” dugtong niya. “Naku, Rachel! Pwede ba, huwag mong sabihin sa akin iyang mga linya mo. Gasgas na gasgas na iyan, ha! Naka ilang love at first sight ka na pero hanggang ngayon single ka pa rin. At isa pa, hindi porket gumawa kayo ng intimate activity, ‘e love na iyon. Tandaan mo, iba ang L.O.V.E sa L.U.S.T!” spell out ko ng mga salita. Tiningnan niya ako, “Bakit ba ang nega-nega mo pagdating sa ganiyan? Bakit kasi hindi ka na lang din humanap ng lalaking magpapatibok sa puso mo para hindi ka naman bitter.” Umiling-iling ako. “Mas mabuti nang maging bitter at lumayo sa mga lalaking salawahan at mangangakong ikaw lang ang mahal kasya aksayahin ko pa ang oras, pera at emosyon ko sa kanila. Sa huli iisa lang din naman ang ending. Sarili mo lang ang sasaktan mo. Kapag nakuha ang gusto, bigla na lang magbabago ng attitude. Manlalamig tapos malalaman mo may iba na pala.” Seryoso kong sinabi iyon sa kaniya para matauhan. “Alam mo,” sabi niya at hinawakan ako sa balikat. “Nakilala ko lahat ang mga lalaking nanliligaw sa iyo at masasabi kong green flag naman silang lahat.” Yumuko siya at bumaba ang mukha sa aking tenga. “Ikaw lang ang red flag! Ikaw ang may problema.” Huminga ako ng malalim at hindi iniintindi ang kaniyang sinabi, “Siguro nga tama ka,” sagot ko. “Mahirap mag commit sa isang relasyon na alam mo naman hindi magtatagal. Kasi nga hindi mo nararamdaman iyong pagmamahal. Knowing their backgrounds? Bakit pa ako magsusubok?” katwiran ko. “Halos lahat sila mataas ang ihi. Ang tingin sa babae mababang nilalang. Sa panahon ngayon, may gender equality na tayo. Kaya ng mga babae ang mga ginagawa ng mga lalake. Minsan nahihigitan pa nga!” ‘Hindi ko alam kung bakit nauwi sa seryosong usapan ang pag-uusap ni Rachel.’ “‘E sino ba naman kasing lalaki ang hindi matatapakan ang pride kapag ikaw ang jowa? Biruin mo, isa kang captain ng kilalang airline sa Pilipinas. At hindi lang iyon, maganda rin ang background. What I mean is your father. Kung tutuusin ay hindi mo na nga kailangan magtrabaho.” “Shhh! Baka may makarinig sa iyo!” banta ko. “Ano bang kinakahiya mo? E ano naman kung malaman nila? Dapat nga ay maging proud ka pa.” “Enough, Rachel!” banta ko. “Alam mo naman ang sitwasyon ko sa pamilya ni Daddy.” Tumayo ako sa aking kinauupuan, “Maliligo na ako. May flight pa ako ng five a.m.” Nag-inat ako at muling nagsalita, “Thanks to you at hindi ako gaano nakatulog. Sa susunod nga, kung hindi mo na mapigilan, sa hotel kayo para hindi maka-istorbo sa iba.” Kinuha ko ang tuwalya sa kwarto at dumiretso sa banyo. Hindi ko inaasahan na pati roon ay kukulitin niya ako. Naghuhubad na ako ng damit ng bigla niyang buksan ang pinto. “Hanggang dito ba naman?!” sabi ko. ‘Sanay na ako sa ginagawa ni Rachel. Minsan naiisip ko na baka lesbian siya.’ "Are you going to the anniversary party later?" she asked. “Meron ba akong choice?” balik kong tanong. “Wala! Kahit ayokong um-attend dahil makikita ko lang sila roon, wala akong magawa kasi anniversary iyon!” Tinuloy ko lang ang paliligo habang nakikipag-usap sa kaniya. “Alam mo naman taga labas ang trato nila sa akin, ‘di ba?” “Oo! Pero hindi ang Daddy at ang bunso mong kapatid na si Hersey.” “Alam mo, ang dami mo ng sinasabi! Lumabas ka na nga rito. Hindi ko matapos-tapos ang ginagawa ko dahil sa panggugulo mo!” Natawa siya sa aking sinabi. Napasulyap pa ako na tinititigan niya ang aking katawan. “Alam mo kinukutuban na ako sa iyo,” sabi ko. “Umamin ka, lesbian ka no?!” "Of course not,” tanggi niya. “Naiingit kasi ako sa katawan mo. You have a perfect body. Kaso hindi nagagamit. Bakit kasi ayaw mong pumayag na ihanap kita ng lalaki? Iyong pasado sa standard mo. What do you think?” tanong niya. "Bad idea!" sagot ko. "Of course, good!" she teased. "Ikaw rin, baka kalawangin iyang pechay mo kapag hindi nadiligan.” Kinuha ko ang shower at tinapat sa kaniya. “Lumayas ka na at isara ang pintuan!” Sigaw ko sa kaniya dahil sa sobrang inis. “Fine!” tugon niya habang pinupunasan ang katawan na nabasa ng tubig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na na-achieve ko ang pangarap ko katulad ni Daddy. ‘Ito rin ang pangarap sa akin ni Mommy dahil ito lang ang paraan para mapalapit ako sa aking ama.’ Suot ko ang pilot uniform ko. Meron iyon apat na striped epaulets, which is a symbol na isa akong piloto o captain ng eroplano. ‘Proud na proud ako sa sarili ko.’ This is the hard work I earned after investing my effort, passion, and money back when I was studying. ‘Pati dignidad ko nawala para lang maki-usap sa pamilya ni Daddy na pag-aralin ako.’ “Good morning, Captain Taevas!” bati ng ilang crew sa akin pagdating ko sa airline. Bago ang flight schedule ay may short meeting ang buong crew ko. Ako rin ang nagche-check sa ilang parts ng eroplano. I should assure na walang magiging problema habang nasa ere kami. Sa tuwing papasok ako sa cockpit ng eroplano ay hindi nawawala ang pagkamangha sa aking mga mata dahil sa mga electronic screen at throttle quadrant. ‘Pangarap ko lang noon na umupo sa left notch, at ngayon nagkatotoo.’ Kakaibang pakiramdam iyon para sa akin. Naging ugali ko na ang magdasal sa tuwing may flight ako. Palagi kong ipinagdarasal ang kaligtasan ng mga passenger at buong crew papunta sa aming destinasyon. "Good morning, Captain Taevas," bati sa akin ng co-pilot ko na naka-upo sa right notch. Seryoso ko siyang tiningnan at binati, “Good morning, Captain Romeo!” walang emosyon kong bati. "It's nice to have a flight with you again!” tugon niya. ‘Ilang beses ko na siyang naging co-pilot, mapa international o domestic flight.’ “Same here!” tipid kong sagot. 'Somehow, I'm not used to acting friendly towards men, especially colleagues. I always distance myself because I don't like them to misunderstand my feelings. O baka naman kasi ako lang iyong takot? Baka ako lang iyong magbigay ng ibang motibo sa pinapakita nila sa akin? Like what in the past!’ Naghanda na kami para sa pag-alis ng eroplano. ‘Thank god at maganda ang panahon.’ Habang kino-control ang manibela. "A-attend ka ba sa party mamaya?" tanong niya. "Yes," sagot ko. "See you, then." tugon niya. In my peripheral view, nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa harapan. Kapag nakikita ko na iyon ay nangangamba na ako. Alam ko ang mga galawang ganoon. ‘And it bothers me too much.’ "Good morning, passengers. This is Captain Taevas speaking. I would like to welcome everyone to Marcet Airline Philippines flight PR 101. The time is 4:00 am. We are expecting to land in Cebu approximately one hour and a half ahead of schedule. Our cabin crew will be around from time to time to check on you. Until then, sit back, relax, and enjoy the whole flight. Thank you so much.” Pagkatapos kong i-set ang ilang cockpit controller, ay pinindot ko na ang sign na 'Fasten Seatbelt’ na ang ibig sabihin ay ‘We’re ready to take off.’ Pasikat ang nang mag landing kami. Nakahinga ako ng maluwag ng walang aberyang nangyari pababa sa taxiway. "Thank god," bulong ko. "Thank you for the safe flight, Captain!" Sambit niya. Ngumiti ako ng maliit nang tingnan niya. "Thank you," sagot ko. Pabalik sa Manila ay si Captain Romeo naman ang in-charge. Naging maayos ang lahat at safe kaming nakabalik sa Manila. Naglalakad ako sa Jetway Bridge nang marinig kong tinatawag ang aking pangalan. Kausap ko ang ilang flight crew bago lingunin siya. Si Romeo iyon at hinahabol kami sa paglalakad. “Mauna na kayo,” sabi ko sa ibang mga crew na kasama ko kanina. Nang huminto siya sa aking harapan ay tinanong ko siya muli, "Is there anything you need from me?" tanong ko. "Can you be my partner tonight?" nahihiyang tanong niya. Namula pa ang pisngi ng sabihin iyon. "What I mean is kung wala ka pa naman companion, I'm willing to accompany you." "No, thank you!" I rejected him. ‘Mabuti na lang at malayo na ang mga kasamahan namin nang tanungin niya ako. Iniiwasan kong magkaroon ng isyu sa trabaho. Personal ‘man o hindi ay ayaw kong mapag-usapan sa trabaho.’ "Okay, maybe I'm too late to ask you. I think you already have a partner." Tugon niyang nakangiti sa akin. ‘Nagpa-guilty effect pa siya!’ "Okay!” Natahimik kaming dalawa at sumabay siya sa akin palabas ng Jetway Bridge. Pag-uwi ng condo ay nag prepare na ako para sa anniversary party ng company. Ito ang pangatlong beses kong magpa-participate sa event. Nagsuot ako ng simpleng long beige gown. ‘Sleeveless at V-neck type iyon.’ Nag apply din ako ng very light make-up at inayos ko ang aking buhok ng pa-half braided crown. Dahil 5ft 4in ang height ay mas komportable akong magsuot ng flat sandals. “Wow! Ang ganda mo naman, Captain!" puna ni Joan ng makalabas ako ng kwarto. Si Joan ay kaklase ko noon at ngayon ay isang cadet pilot. Naglakad si Rachel sa aking tabi, “Siguradong maraming mga lalaki ang mahuhumaling sa iyo.” Si Rachel ay isa ring Aviatrix/Captain katulad ko. Agad kong sinigundahan ang kaniyang sinabi, “Pupunta ako sa party dahil sa trabaho, hindi para sa mga lalaki.” “Tara na! Baka ma-late tayo mga ladies,” paalala ni Carol habang nang makita ang oras sa orasan. Si Carol naman ay second officer sa airline. “I’m so excited! Tara na at nakakahiya kung ma-late tayo. Ayoko naman maagaw ang atensyon nila,” usal ni Steph. Pareho ng trabaho si Steph at Joan kaya mas madalas silang magkasama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
244.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
39.3K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.6K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
49.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook