Chapter 1

2732 Words
Hera Nyx Taevas Sa mismong event place ng condominium gaganapin ang Anniversary Party kaya naman hindi kami na-haggard kamamadali. Pagbaba pa lang sa elevator ay naagaw na namin ang atensyon ng ilang tao. Lalo na nang maglakad kami sa hallway. Kinalawit ni Rachel ang kamay niya sa akin nang may makasalubong na mga lalaki. Binulungan niya ako, “Titig na titig ang mga lalaking iyon sa iyo, Hera!” "It's just your imagination,” tugon ko sa kaniya. “No, my dear! I’m telling the truth. Kaya maghanda ka na mamaya. Siguradong pagkatapos ng party na ito ay marami na namang magbabalak na manligaw sa iyo.” “I don't think so!” Pagpasok mismo namin sa banquet ay dumiretso na kami sa table. Kasama namin sa table sila Captain Romeo at ilang pang mga airline crew. “Hi, gorgeous!” bati niya sa akin. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot sa kaniya. Mas iniintindi ko ang aking sarili habang kumakain at umiinom. Kung may tanong sila at nababanggit ang pangalan ko ay saka lang ako sumasagot o nagbibigay ng opinyon, basta tungkol sa trabaho. At nagsimula na nga ang event. ‘Hindi lang pala ito Anniversary party dahil ngayon din pala ipapakilala ang magmamana ng Marcet Airline Philippines.’ Pinalakpakan namin ang MC ng magsimula na ito. Soon, tinawag na rin ng MC ang President ng kumpanya at ang anak niyang si Aleric Zeus Marcet. Nang ipakilala siya sa kahat ay muli kaming pumalakpak. Ito ay isa ring paraan para ipakita ang respeto namin bilang empleyado ng kumpanya. “Good evening everyone,” bati sa amin ni President Marcet. “I appreciate all your presents tonight. This is the last time I speak in front of you. I’m both happy and sad. Happy because after decades of working hard ay matatamasa ko naman ang masarap na buhay. I can travel without worries dahil wala na akong i-isipin na trabaho. Happy because I can spend my remaining time with my family, especially my wife. Because I owe her many years that I cannot fulfill my duty as the head of my family.” Paliwanag niya. Nanahimik kaming lahat at damang-dama ang emosyon na nanggagaling sa kaniya. “Sad because I will no longer work with you. I will miss everyone. But this is not the end right? I will always be here when you need my presence lalo na kung bibigyan kayo ng sakit ng ulo ng aking anak.” Natawa siya at nagaya na lang din kami. ‘Personal man, trabaho o bagay ay ang hirap magpaalam. Lalo na kung napamahal ka sa tao, bagay o trabaho mo. Everything has an end.’ “Thank you, everyone.” Pasasalamat niya sa amin. “Now, I want you to introduce the new President of Marcet Airline Philippines. None other than, my son Aleric Zeus Marcet!” Ibinigay niya ang mic sa anak. “My father is always saying how good all of you are. He always praises you and I never heard any negative feedback. I hope you treat me like my father. Support me like how you support him. I’m excited to work with you all. I want to experience and witness how all of you do your job with all your heart. Thank you!” Nangangalahati na kami ng program nang mag-announce ang MC na pwedeng sumayaw sa gitna. Kaya naman nang patugtugin ang music ay nagtayuan na ang ilan at nagsimula na ngang sumayaw sa gitna. Kabilang ni si Rachel at ang ilang kasama namin sa table na naglakad papunta sa gitna. Umindayog ang kanilang mga katawan kasabay ng ritmo ng musika. Hindi ako sanay sa mga ganitong gawain kaya’t nanatili ako sa aking upuan habang pinapanood sila. “Are you good?” tanong ni Romeo. ‘Nagpaiwan din siya kasama ko.’ “Yep! I’m good. Excuse me,” paalam ko. ‘Mabuti na lang at naiihi ako kaya may dahilan ako para iwasan siya.’ Papuntang restroom ay nakasalubong ko sila Daddy at ang pamilya niya. ‘Dahil anak sa labas ay hindi ako in good terms sa kaniyang asawa at ibang anak, ay umaakto ako na walang kaugnayan sa kanila. ‘Pero iba si Daddy at si Hersey.’ Dire-diretso akong naglakad at nilagpasan ang kanilang mapanghusgang tingin. Si Daddy at si Hersey lang ang nag kusang lumapit sa akin. “How are you?” tanong ni Daddy sa akin. “O-okay naman po,” tipid kong sagot. “Great to hear that!” saad niya. “Call or text me when you need anything.” “Opo!” Si Hersey naman ay excited rin na hinawakan ang aking kamay. Tumingin ako sa paligid. ‘Nakahinga ako ng makita na konti lang ang tao.’ Nag-iingat ako na walang sanang makakita sa akin na kasama sila para umiwas sa hindi magandang impression sa iba dahil sa posisyon ni Daddy sa kumpanya. ‘Pumayag din ako sa kasunduan ng pamilya ni Daddy na dapat walang makaalam sa relasyon namin dalawa para lang pag-aralin nila ako at patuloy na sustentuhan ni Daddy.’ “Hello, Captain. It’s nice to see you again.” My heart felt warm when I heard her voice. ‘She’s my favorite sister, after all.’ “Hi, Hersey! I’m happy to see you too. Be good, okay?” saad ko. “Bumalik ka na kay Daddy,” bulong ko sa kaniya. Nagulat ako ng yakapin niya ako. “I miss you, Ate!” I rubbed her hair, “I miss you too. Once I’m free, I will visit you at school.” “Ayay, Captain!” Alam kong totoo ang pagmamahal niya sa akin bilang kapatid. ‘She treated me well and considered me as her sibling.’ At never kong pinagdududahan iyon kahit inilalayo siya ng kaniyang ina at pinagsasabihan ng kaniyang mga kapatid. “Love, let’s go!” Banaag sa boses ni Tita Naomi ang pagkainis. “You go ahead!” saad ni Daddy at ayaw pang umalis. “I shall excuse myself, Sir!” Ako na ang umiwas para hindi na magkaroon pa ng problema si Daddy. ‘Ayoko na ako ang maging ugat nang problema ng kanilang pamilya.’ Nakita ko ang matalim na tingin ni Tita Naomi. Ganoon rin ang mga kapatid kong sina Nigel, Austine at Cassie. ‘Kulang at sila dahil hindi ko nakita si Aimee, ang panganay na anak ni Daddy.’ Alam ko kung gaano sila nandidiri sa pinagmulan ko. ‘Kahit sino naman siguro, hindi ba?’ Kahit na sinong may buong pamilya ay hindi matatanggap na may anak sa labas. Sa bungad pa lang ng banyo ay naririnig ko na ang mga halinghing ng babae. ‘Akala ko imagination ko lang iyon pero nang pumasok sa loob ay nakita ko ang dalawang tao na nagpapalitan ng malalalim na halikan. ‘Kanina si Rachel, ngayon naman ang dalawang ito? Hindi na ba talaga kayang pigilan ang init ng katawan kaya’t hanggang dito sa public area ay may ganitong eksena?’ Hindi ko nakilala ang dalawa dahil nakatalikod ang lalaki at natatakpan niya ang babae. Sa pananamit nila ay halatang mga bisita rin sila dito sa party. “Excuse me!” saad ko. Hindi rin ako nakapagpigil na magsalita, “This is a public area and doing something like that is prohibited.” Dumiretso ako papunta sa cubicle at hindi na pinansin ang dalawa. Pagpasok ko ng cubicle ay narinig kong sumara ang pintuan. ‘Mabuti at nakaramdam!’ sabi ko sa aking isip. “Ahhh!” Napasigaw ako ng buksan ang pinto at makita ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Mas nagulantang ako ng makilala siya. ‘None other than, the new President of Marcet Airlines Philippines, Aleric Zeus Marcet.’ Matalim siyang nakatitig sa akin habang nakapamewang sa kaniyang baywang. “Namboboso ka ba?” tanong ko sa kaniya. Nagtungo ang mata ko sa saradong pintuan. “At bakit nakasara ang pinto?!” Lalagpasan ko sana siya para pumunta sa pintuan upang buksan iyon pero pinigilan niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Nilabanan ko siya ng matalim na tingin at hindi nagpatalo sa kaniya. ‘Hindi na ako ang dating Hera!’ “What are you doing here?” malamig niyang tanong. Inagaw ko ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak. “None of your business!” sagot ko. “Wow! Ang laki na pala ng pinagbago mo.” Alam kong may laman ang mga sinasabi niya. “You’re right!” tugon ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan at binuksan iyon. Dire-diretso akong naglakad at hindi na lumingon pa sa aking likuran. “Babe!” tawag sa akin ni Rachel. “Kanina pa kita hinahanap, saan ka galing?” “Sa restroom lang,” tugon ko. Tatalikuran ko sana siya pero kinuha niya ang braso ko. “Are you okay? Namumutla ka.” “Oo!” tipid kong sagot. “U-una na ako sa unit, ha? Medyo sumama iyong tiyan ko. Nakakahiya naman kung magpabalik-balik ako sa banyo.” “Okay! Pero magpaalam ka muna kay President bago umalis. Kanina ka pa kasi niya hinahanap sa akin simula ng dumating ang Daddy mo rito.” “Okay! Puntahan ko lang sila.” Agad ko naman nakita si President at Daddy. Magkausap silang dalawa, malayo sa karamihan. Naglakas loob na akong lapitan sila kaysa umalis ng walang paalam. “Hija! Kanina pa kita hinahanap,” nakangiting sabi niya. “Tamang-tama, ikaw ang napag-uusapan namin ng Daddy mo.” “Of course, I’m so proud of her. And I’m happy to hear from you kung gaano kadedicated si Hera sa trabaho. Siya lang ang tumupad ng pangarap ko.” I felt awkward. “Uncle Jerald, medyo sumama kasi ang tiyan ko. Okay lang ba kung aalis na ako? I just pay you a visit some other time.” Tinapik niya ang aking braso, “Okay. Alam ko rin naman pagod ka na rin dahil from your flight ay dumiretso ka rito.” “Thanks, Uncle.” Nang tumingin ako kay Daddy ay nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Are you really okay?” tanong niya. “Tatawagan ko si Dr-” “No need na po! Okay lang talaga ako. Thank you po.” Nang makapagpaalam sa kanila ay akala ko makakalusot na ako sa aberya. ‘Hindi pala!’ “Bakit kausap mo si Daddy at si Pres. Damian?” tanong ni Aimee sa akin. ‘Siya ang sinasabi kong panganay na anak.’ “Nagpaalam lang,” tipid kong sagot. Mahina lang din ang boses ko. “Nagpaalam o nagpaawa?” suhestiyon niya. “Aimee, nagpaalam lang talaga ako kasi aalis na nga ako!” giit ko. Ngumisi siya at niyakap ang dib-dib, “Ayaw ng gulo? ‘E lapit ka pa rin ng lapit sa pamilya ko!” 'Alam kong hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ako napapahiya.’ Nilapitan niya ako at binulungan. “Binabalaan kita! Matuto kang lumugar. Huwag kang umasang makakakuha ka pa ng higit na atensyon sa pamilya namin. After all, natulungan na namin kayo. And look at you now, nagtatrabaho na sa magandang airline na ito. Kaya matuto kayong buhayin ang mga sarili niyo at huwag umasa sa bigay ng pamilya ko!” Tinabig niya ako sa balikat. Wala akong nagawa kun’di i-kuyom ang aking kamay. Aleric Zeus Marcet Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Nakatitig lang ako sa kaniya habang papaalis sa aking harapan. ‘Muntik ko na siyang hindi nakilala.’ Ang dati niyang malambing na boses ay napalitan ng panlalamig. Ang mga mata niyang mapungay ay matalim nang tumitig sa akin. Pagbalik ko sa event ay hinanap ko kaagad si Hera dahil gusto kong malaman kung ano nga ba ang ginagawa niya rito. Nang hanapin siya ng aking mata ay nakita kong kausap niya si Daddy at Mr. Hao. Hahabulin ko sana siya ng papaalis na ngunit hinarang siya ni Aimee. Ilang sandali pa at iniwan siyang ni Aimee na nakatayo roon. Banaag sa mukha niya ang galit pagkatapos kausapin si Hera. “Zeus!” tawag niya sa aking ng makasalubong ko. “Kanina pa kita hinihintay,” nakangiti niyang sambit. Kinalawit niya ang kaniyang kamay sa aking braso, “Naturuan mo ba ng leksyon ang babaeng pumasok sa banyo kanina? Grrr! Napaka rude at bastos,” dugtong niya. Napalingon ako sa gawi ni Hera at nakita kong papalabas na nga siya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya, “Do you know her?” tanong ko. “Who?” tanong ni Aimee. “Iyong kausap mo kaninang babae,” usisa ko. “Just a random friend, you know! Don’t mind her.” “Friend? But you look pissed off,” puna ko. “It’s just a little misunderstanding. You don’t have to know.” Hinatak niya ako, “Common, Tito Jerald is waiting for us! And maybe we can continue later -” “I’m sorry, Aimee!” ‘Masyado akong nagpadala kanina sa pang-aakit ni Aimee.’ “I have something important to do later.” “I understand. From now on, talagang magiging busy ka na dahil ikaw na ang new president ng airlines.” Ngumiti lang ako at hindi na sumagot sa kaniya. “Aimee!” tawag ni Daddy sa kaniya. Hinalikan pa niya ito sa pisngi. “Mas gumaganda ka ata ngayon,” puri ni Daddy. “Inaalagaan ka ba ng anak ko?” tanong niya. “Of course, Tito Jerald.” Proud niyang sabi. “But starting today, siguradong mapapabayaan na ako ng anak niyo, kasi magiging busy na siya sa trabaho. After all, he’s the new president of this company.” Ngumisi si Daddy at hinimas ang likuran ni Aimee, “I know my son. He’s responsible. Hindi niya hahayaan na mamuti ang buhok at tumirik ang mata mo sa paghihintay sa kaniya.” Sarkastikong sabi pa. “After all, ilang taon na kayong magkasama.” Kakaibang ngiti ang ibinigay sa akin ni Daddy, pero base sa kaniyang mga mata ay may kakaibang ibig sabihin. ‘I can’t read mine!’ “Congratulations, Zeus. I mean, Mr. President.” Bati ni Tito Marvin sa akin. Inabot niya ang kaniyang kamay. Inilahad ko rin sa kaniya ang aking kamay, “Thank you, Tito. You don’t have to be formal.” “It’s just a show of respect. Beside nandito tayo sa anniversary party ng company.” Nakakataba ng puso dahil mainit at masaya ang pagtanggap nilang lahat sa akin. Kaliwa’t-kanan ang lahad ko ng aking kamay habang pinapakilala ni Daddy sa mga guests. “I didn’t expect this, Tito Marvin. Nagulat na lang ako ng sabihin ni Daddy ang news about it pagbalik ko galing abroad. Ngayon parang nararamdaman ko na ang pressure. Buong kumpanya na ang i-hahande ko. Including international and Domestic offices.” Inakbayan niya ako, “Alam kasi ng Daddy mo na kaya mo na.” “Malalaman po natin iyan kapag ako na ang umupo bilang presidente nila,” sagot ko. “Cheers!” Itinaas ko ang aking baso at nakipag toast sa kanila. “Thank you for overwhelming support!” “Congratulations, Mr. Aleric Zeus Marcet!” “Welcome back!” Tumakbo sila papunta sa akin. Binuksan ko ang dalawa kong bisig upang yakapan silang dalawa. Hinalikan ko sila sa kani-kanilang noo. “Erika, Erich!” usal ko sa kanilang pangalan. “Akala ko ay nakalimutan niyo na akong dalawa.” Kunwaring nagtatampo kong sambit. “I’m sorry, Kuya.” Hing ng tawad ni Erika. “Medyo na late lang kami. May mga kailangan lang kasi kaming tapusin ni Erich. And hinintay din namin si Mommy.” Paliwanag nila. ‘Erich and Erika are identical twins.’ Makikilala mo sila dahil si Erika ay short hair at si Erich ay long hair . “Congratulations, Hijo! Finally.” Si Mommy iyon. Katabi ni Daddy habang kasama ang ilang mga shareholder ng kumpanya. Binitawan ko ang dalawa at pinuntahan si Mommy. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. “Sorry anak, na late kami. Alam mo naman ang mga kapatid mo ang babagal kumilos. Ako pa ang idadahilan, e sila nga itong ang daming arte sa katawan.” “Ang importante ay nandito na po kayo ngayon. Let’s enjoy the party. Mahaba pa naman ang oras.” May mga ilang press naman ang lumapit sa amin. ‘Nasa gitna ako, katabi sa magkabilang gilid si Mommy at Daddy. Si Erich naman ay tumayo sa tabi ni Daddy habang si Erika ay sa tabi ni Mommy. ‘Finally! Magkakasama na kami ulit.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD