Hera Nyx Taevas
Buong gabi akong tulala sa kawalan habang iniisip siya. ‘Bakit kailangan ko pa siyang makita sa hindi inaasahang panahon?’ tanong ko sa aking sarili. ‘Ano bang pakialam niya para tanungin ako? Pagkatapos ng mga nangyari, akala ba niya kakausapin ko pa siya?!’ Napangisi ako. “Aleric! Hindi na ako ang babaeng nakilala mo noon!” bulong ko sa aking sarili.
“Nakatulog ba ako?” tanong sa aking sarili pagdilat ng aking mga mata. Mabigat sa loob kong pumasok sa trabaho dahil makikita ko ang mokong na iyon. ‘Tsk! Akala ko forever na siya sa ibang bansa!’
“Tanggapin mo nang simula sa araw na ito ay magkakatrabaho na kayong dalawa!” sabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos maligo ay isinuot ko muna ang aking uniform. Inayos ko rin ang aking mukha na halatang walang pang tulog dahil sa maitim at malalim na mga mata. Ilang beses kong pinahiran ng concealer iyon para hindi mahalata.
Paglabas ng aking kwarto ay nadatnan ko si Steph at Joan sa hapag kainan at nag-aalmusal.
“Morning,” bati ni Joan. “Coffee?” tanong niya. Tatayo na siya ng sabihin, “Pagtitimpla kita!”
Nakasuot na rin sila ng uniform at mukhang handang-handa mamaya para i-welcome ang bagong presidente sa airline. Umupo ako sa tabi ni Steph.
“Ang gwapo ni President dito sa newspaper, oh! Hindi ba kakauwi niya lang galing abroad?!” sabi ni Steph. “Tingnan mo itong family picture nila.” Pinakita niya iyon sa akin. “They look happy and lovely.”
Kinuha ko ang newspaper at tiningnan iyon.
Ito ang mga bagay na wala ako noon. Halos kaiingitan ko kapag nakakakita ng mga ganito. Kaya nga pinangarap ko na balang araw magkakaroon ako ng isang buo at masayang pamilya. Pero nawala lahat sa isip ko ang pangarap na iyon dahil sa isang tao.
‘Kaya mas gugustuhin ko na lang maging mag-isa kaysa pumasok sa relasyon na alam mong malabong magtagal.’
“Here’s your coffee,” abot ni Joan ng kape.
Ngumiti ako. Binitawan ko ang newspaper at kinuha ang kape na kaniyang inabot.
“Thank you,” pasasalamat ko. “Teka! Nasaan si Rachel? Hindi ba kayo sabay-sabay umuwi?” tanong ko.
“Kasama niya kagabi iyong bagong piloto,” tugon ni Joan. “Nakalimutan ko iyong pangalan.”
“Kilala ko na,” sagot ko. “Bagong jowa-jopa na naman niya iyon.”
Sumabat si Steph, “‘Di na talaga nadala iyang babae na iyan! Pustahan tayo, ilang araw lang nag-iiyak-iyak na naman siya.”
“Ano pa nga ba,” buntong hininga kong sagot. “Malaki na siya para intindihin pa natin,” dugtong kong sabi. Tumingin ako sa wrist watch, “Bilisan na natin. Mag-aalas-otso na pala.”
Tumingin siya sa akin at nagtanong, “Bakit ang aga mo pa lang umuwi kagabi? Sayang hindi mo na-enjoy ang party.” Isa-isa na kaming tumayo. Inilagay na lahat ni Joan ang mga ginamit naming baso sa sink at binanlawan.
“Sumama iyong pakiramdam ko. At saka baka dala na rin ng pagod.”
Dala-dala ang aming mga gamit ay sabay-sabay kaming lumabas ng unit. Sa hallway ay ipinagpatuloy namin ang pag-uusap.
“Mukhang maninibago na naman tayo dahil bago na ang presidente. Ang aga naman kasi nag retire ni President Jerald,” sabi ni Joan. “Anyway, mukhang pareho naman sila ng mindset ng anak niya, hindi ba?”
“Ayaw mo ba ‘nun? Everyday may inspiration tayong pumasok at gawin ng maayos ang trabaho kasi ang gwapo-gwapo ka niya. Take note, single at isa ngayon sa pinag-uusapan na bachelor.”
Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila at walang balak na makisali pa.
“Hera!” tawag ni Joan. “Tahimik ka ata? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” tanong niya.
Umiling ako at ngumiti, “Hindi! Okay lang ako.” Pagsakay sa elevator ay tinanong ko sila, “Sasabay ba kayo sa akin?”
“Sure!” saad ni Steph. “Coding ako, e! Kaysa mag car service o taxi ‘e di sasabay na ako. Makakatipid din ako,” natatawa niyang sabi.
“Ako rin!” sabat ni Joan. “Ang mahal pa naman ng gas,” dugtong niya. “Tutal mapera ka naman Captain Taevas, ikaw na mag shoulder ng transpo namin for today,” natatawa niyang sabi.
“Kayo talaga,” tipid kong tugon.
Papasok na kami ng airline ng makatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Tiningnan ko ang dalawa kong kasama.
“Mauna na kayo,” sabi ko. “Kailangan ko lang sagutin ang tawag na ito.”
Humanap ako ng lugar kung saan wala gaanong tao at malayo sa mga staff ng airline. Bago sagutin iyon ay tumingin muli ako sa paligid.
“Bakit ang tagal mong sumagot?” tanong ni Mama. “Umuwi ka dito mamaya sa bahay. Kakain daw ang Daddy mo dito sa bahay mamaya.”
Napapikit ako at napakuyom ang kamay.
“‘Ma! Ilang beses ko ng sinabi sa inyo na layuan niyo na si siya? Alam niyo naman ang sitwasyon natin hindi ba? Bakit pinipilit niyo pa?” bulong ko sa aking cellphone. Kahit naiinis ay sinusubukan ko pa rin pakalmahin ang aking sarili.
“Hindi ako natatakot sa kanila, Hera! At wala naman kaming ginagawang masama ng ama mo, ah! Huwag ka ngang maduming mag-isip. Siya ang may gusto na kumain sa bahay para makita at maka-usap ka. Bilang anak niya ay karapatan mo iyon at obligasyon niya sa iyo.”
Napalunok ako, “Naiintindihan ko. Pero hindi na kailangan na magpunta pa ni Daddy sa bahay dahil ayokong ma-eskandalo ka. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa iyo? Sa atin? Paano kung malaman iyan ng pamilya ni Daddy? Susugirin ka na naman d’yan sa bahay?! Mama tandaan mo, kaya nasa ganitong sitwasyon tayo dahil sa kasalanan niyo ni Daddy.”
“Anong kasalanan? Hoy, Hera! Ang ama mo lang ay may kasalanan. Kung alam ko lang na may pamilya na siya, e hindi ako makikisama sa kaniya. Malay ko ba!”
Napahilot ako sa aking ulo, “Let’s talk about it later. Nasa trabaho na ako. Bye!”
“Basta hihintayin ka namin mamaya,” paalala niya bago patayin ang tawag.
Pagbaba ng tawag ay nakita ko ang text ni Steph sa akin.
“Bilisan mo! Nag-i-ikot si President sa bawat department.”
Nagmadali ako papunta sa opisina. Pag time-in sa biometric ay dumiretso ako sa flight crew department room. Pagbukas ng pintuan ay hindi ko inaasahan na nagsisimula na sila.
Upang hindi makaagaw ng atensyon ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa karamihan. Mabuti na lang at ‘ni isa sa kanila ay walang nakapansin sa akin dahil tutok ang atensyon nila sa lalaking nakatayo sa harapan at nagsasalita.
“Mabuti nandito ka na!” bulong sa akin ni Joan. “Bakit ang tagal mo? Hinahanap ka ni Captain Elizer.” bulong sa akin.
“Sssh!” senyas ko upang huminto na siya sa pagsasalita.
Itinuon ko ang aking atensyon sa harapan kung saan nagsasalita ang bagong presidente ng kumpanya. Iyong emosyon ng mukha, kung paano siya magsalita at magpaliwanag ay walang pinagkaiba noon. ‘Back then, I was training in an international airport and he’s my supervisor. Now, I’m currently a pilot and he’s my boss.’ Kapag nagsimula na siyang magsalita ay hindi na maaalis ang atensyon mo sa kaniya. ‘Ganoon kalakas ang kaniyang karisma.’
“Thank you, and that’s all!”
Iyon na lang ang naintindihan ko sa kaniyang sinabi.
Lumapit sa kaniya si Captain Elizer at isa-isa pang pinakilala ang mga pilot at flight attendant.
Bigla akong kinabahan habang papalapit sila ng papalapit.
“This is Captain Taevas,” pakilala sa akin ni Cap. Elizer.
“Good morning, President!” kaswal kong bati.
Hindi siya umalis sa aking harapan at tinititigan lang ako.
“I’m happy that you achieved your dream now, Miss Taevas. Hindi ako nagkamali sa pagkilatis sa iyo,” nakangiti niyang sabi.
‘Dahil sa ginawa niya ay magkakaroon ng idea ang mga katrabaho ko na magkakilala kami.’
“What do you mean by that, President?” tanong ni Captain Elizer.
“Oh! She was my trainee before when I was in the international branch.” pagliliwanag niya. “Actually, dalawa sila ni Captain Rachel. The one that you mentioned a while ago.”
‘Kailangan pa ba niyang sabihin lahat ng detalye?’
Hindi na ako nagsalita at yumuko na lang.
Nagulat ako ng tapikin niya ako sa braso. “It’s nice to see you again, Miss Taevas!” Lumipat ang tingin niya sa aking mga katrabaho. “We have to go. Thank you for your warm welcome and support,” sabi niya.
Pilit akong ngumiti. Hindi ko siya tinapunan ng tingin o katiting na atensyon dahil ayokong magkaroon ng mis-understanding sa pagitan namin dalawa. ‘Ayoko ng mahulog pa sa mga kunwaring seryoso at sincere niyang pakikipagkapwa tao.’
“Bakit hindi mo sinabi na magkakilala pala kayo ni President?” excited na tanong ni Steph.
“Oo nga,” sabat ni Joan. “Unless ex mo siya kaya ayaw mong sabihin sa amin.”
“Hindi lang sinabi sa inyo ay kung anu-ano na ang iniisip niyo? Wala rin naman kailangan sabihin. E ‘di kung ipinaalam ko, maraming mag-iisip na ang yabang ko. Baka mamaya isipin pa nila na nakuha ko ang trabaho dahil magkakilala kami,” paliwanag ko. “I have to go! May flight pa ako pa Legazpi.”
Agad akong nagmamadaling lumabas ng kwarto at nagpunta sa pantry. Uminom ako ng tubig at nire-rewind sa isip ko ang nangyari kania. ‘Anong gusto niyang mangyari? Bakit kailangan pa niyang sabihin na magkakilala kami? Tahimik akong nagta-trabaho pero siya itong magiging dahilan ng problema ko.’
Bago ang flight ay kasama ko ang aking co-pilot at ang buong cabin crew. Nag conduct kami sandali ng meeting para sa flight schedule ng 11am. Isa ito sa mga kailangan namin gawin para i-briefing ang aking team.
Pumunta ako sa Airport apron para mag inspeksyon ng sasakyan naming eroplano. Kasama na roon na i-check ang fuel, equipment at navigational system. Kasama ko ang professional technician habang ginagawa iyon.
Bago matapos ay hindi ko na naman inaasahan na susulpot na naman ang lalaking ito sa aking harapan.
“Good morning, President!” bati ng maintenance technician.
“I’m grateful that you’re doing your best to perform your job,” saad niya. Tinapik niya sa balakit ang lalaki. “Nakasalalay sa inyo ang buhay ng mga passenger natin, kaya’t palagi nating siguraduhin na maayos ang lahat para maiwasan ang aberya o anumang aksidenta.”
“Makakaasa po kayo,” tugon sa kaniya.
Umikot ang dalawa at tiningnan ang buong eroplano. May tinuturo-turo pa siya kaya’t todo paliwanag naman ang technician.
Huminto sila sa aking harapan.
“Anong oras ng flight mo, Captain Taevas?” tanong ni Aleric sa akin.
“11 am, President!” sagot ko.
“Where?” usisa niya muling tanong.
“Legazpi Airport!”
Tumango-tango lang siya na parang tanga.
“Okay!” sagot niya.
Umalis na siya kasama ang ilang mga tauhan niya.
“Hindi ko inaasahan na napakabata pa pala ng bago nating presidente,” saad ng technician.
“Oo nga ho,” ngiti kong sagot. “Okay na po ba iyang inaayos niyo?”
“Okay na po. Wala ka ng magiging problema, Kapitana.”
“Salamat po!”
Kasabay ang buong crew ay naglalakad na kami sa bridgeway papunta sa eroplano. Nasa kalagitnaan na kami ng marinig ang ilang boses sa aming likuran. ‘Walang iba kun’di si Aleric at ang ilang tauhan pa niya.’
‘Ano bang ginawa ko, para parusahan ako ng ganito?!’ Gusto kong umiyak dahil sa lalaking ito. ‘Alam kong hindi lang basta aksidente ang nangyari dahil pinaplano niya ito. Gaya noon!’
“Good morning, everyone. It’s nice to see you again.” Saad ni Aleric.
“Good morning, President!” bati namin.
Pumunta sa harapan ang kaniyang secretary na si Derek. ‘Eversince ay siya na ang katuwang ni Aleric sa kaniyang trabaho. Nakakamangha na hanggang ngayon ay sila pa rin dalawa ang magkasama.’
“Captain Taevas. Napili ni President na sumama sa flight schedule niyo today para magkaroon ng knowledge sa kung papaano natin pinapalakad ang domestic flight natin.”
“Okay!” sagot ko. Tinapunan ko ng tingin si Aleric na malaki ang ngiti ngayon. “Thank you for choosing my team. I would like to thank you in advance for this opportunity. You don’t have to worry because I will do my best to protect our passengers on board.”
Aleric Zeus Marcet
Sa tulong ni Derek ay inalam ko kung fully book na flight schedule ni Hera. Nang malaman na occupied na ang buong eroplano ay nawalan ako ng pag-asa. ‘Thirty minutes bago ang flight ay tinawag kay Derek na may nag-cancel na dalawang 2 passenger sa business class.
“Get the slot!” saad ko at tumayo sa aking kinauupuan. Inayos ko ang aking suit na suot at nag martsa papunta sa bridgeway upang makasabay siya at ang ilan cabin crew.
Nang makita ang pigura ng mga crew na naglalakad ay nagmadali akong naglakad kasabay ang ilang mga tauhan na nakasabay ko sa paglalakad.
‘Pangatlong beses na itong pagkikita namin pero ‘ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng atensyon. Kaswal lang ang pagbati at hanggang doon lang iyon.’
Pinili kong maupo katabi ang bintana. ‘Ang gandang pagmasdan ng mga ulap.’ Kapag nakikita ang view na ito ay nawawala ang problema at isipin sa aking isip. ‘I felt relaxed and safe!’ Lalo na alam kong si Hera ang assigned captain.
“Nagka-usap na kayo?” tanong sa akin ni Derek.
Umiling ako habang nakatalikod sa kaniya.
“Yes! But she ignore me,” sabi ko at lumingon sa kaniya. “I’m happy! Knowing that she achieved her dream. Kahit pa hindi ako ang taong kasama niya.” Mapakla kong sabi.
“I know. Napakasipag at hard working niya. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nakamit niya ang matagal na niyang pangarap,” sang-ayon niya sa akin. “Pero ano nga bang nangyari sa inyong dalawa? Bakit bigla na lang -”
"It doesn’t matter anymore, Derek!” tugon ko. “She chose to leave and I respect that.”
Hindi na umimik si Derek kaya’t muli kong binaling ang atensyon sa bintana. Dahan-dahan kong hiniga ang aking ulo sa sandalan at pinikit ang aking mga mata.
‘Hera!’ pangalan niya lang ang nasabi ko sa aking isipan.
Napadilat ako ng marinig ang kaniyang boses mula sa speaker ng eroplano. Nag-a-abiso na siyang malapit nang umalis ang eroplano.
‘Bakit ang lambing ng boses niya ngayon, kumpara noong tinatanong ko siya ng magkita kami sa restroom.’ Bakit siya pa ang may dahilan para magalit sa akin? ‘Sa aming dalawa ay higit na ako ang may dahilan para magalit sa kaniya, dahil bigla na lang siyang nawala ng parang bula.’
Naging smooth ang paglipad ng eroplano at ligtas na lumipad sa Legazpi Airport. Hinintay kong makalabas lahat ng pasahero bago harapin ang buong cabin crew.
Binigyan ko sila ng ilang palakpak, “All of you, you did a great job. I hope hindi magbabago ang attitude and behavior niyo towards to our passenger kahit wala ako.”
“Yes, President!” sagot nila.
Napalingon ako sa aking likuran ng bumukas ang pintuan doon kung saan lumabas si Hera at ang kaniyang co-pilot.
“Good job,” sambit ko.
“Thank you for the safe flight, Captain!” usal ng cabin crew.
‘Doon ko nasilayan muli na ngumiti siya.’
“Thank you, everyone!” saad niya sa kaniyang cabin team. Tumingin siya sa akin. “I hope you feel comfortable for the rest of the flight.”
“I am!” tipid kong sagot. Tumingin ako kay Derek, “Let’s go! We need to go back as soon as possible.”
“Yes, President!” sagot ni Derek.
Habang naglalakad sa bridgeway ay pinapakiramdaman ko si Derek at ang aming paligid. Ayokong limingon sa aking likuran kaya’t nagtanong ako sa kaniya.
“Nakasunod pa ba sila Hera sa atin?” tanong ko.
“Hindi, President! May mga duties pa silang dapat gawin.”
“I know!” kaswal kong sagot. “What’s my schedule?”
“You have a meeting with the Board Directors at 3:00 PM.”
“Got it!” Sambit ko.
“I already informed the operation about your sudden schedule. They already book us a flight and we will depart at 1:20 PM.”
Pagbalik sa airport kami ni Derek sa aking opisina upang kunin ang ilang papeles na kakailanganin ko sa Board Directors meeting. ‘Siguradong madugong meeting ito dahil bilang bago nilang Presidente ay gusto nilang ma-prove ko kung mapapanindigan ko ba ang aking trabaho.’
Pagbukas ng pinto ay nagulat ako ng makita si Aimee na nakaupo sa aking swivel chair.
“Zeus! You’re here. Kanina pa kita hinihintay,” sabi niya habang naglalakad papunta sa akingf kinatatayuan. Agad din dumampi ang labi niya sa aking labi at kinalawit ang kaniyang mga kamay sa aking leeg. “Sabay na tayong um-attend ng Directors Meeting. Daddy and Tito Jerald are waiting for us!”
“Give me a minute!” tugon ko.
“How’s your inspection?” tanong niya.
“Everyone never fails me!” sagot ko. “All of them are hardworking and dedicated to their job and duties.” Kinukuha ko ang ibang mga papel, “Why are you suddenly here?” tanong ko. “You have work as well.”
“Alam mo naman na mas importante ka kaysa sa trabaho, ‘di ba? Naroon naman ang secretary ko at wala naman gaanong ginagawa ngayon. She can handle everything without me.”
“Don’t rely on your work for others. It may lead to a major problem.” Paalala ko sa kaniya. ‘Aimee is not serious about her work. Palibhasa ay spoiled at hindi nag hirap kaya balewala ang trabaho. Iyan ang isang problema sa kaniya ni Tito Marvin.’
“Stop nagging me,” saad niya. “I will never do it again. Just give it to me this time. Na-miss lang talaga kita.”
“Okay. Let’s go! The meeting will begin soon."