Chapter 3

3212 Words
Hera Nyx Taevas Habang pababa sa parking area ay panay tunog ng cellphone ko. Hindi ko na nga balak tingnan pa dahil alam kong si Mama iyon. ‘Kukulitin na naman niya ako.’ Ganiyan ang ugali niya sa akin kapag kasama si Daddy. Bit-bit ang dala kong maliit na maleta ay nagtungo ako sa compartment ng aking sasakyan upang ilagay iyon doon. “Captain Taevas!” Napatigil ako sa pagsara ng compartment ng marinig ang kaniyang boses. Kahit nakatalikod ay nararamdaman kong papalapit siya sa akin. Ilang segundo pa ay kumilos na ako. Sinara ko ang compartment at tumingin sa kaniya. May ngiti sa aking mukha kanina, pero nang makitang kasama ni Derek si Aleric ay nawala ang ngiti na iyon. Tumingin ako sa paligid. “Kamusta ka na Hera?” tanong ni Derek. “It’s been a year and a half!” dugtong niyang sabi. ‘I didn’t expect na makakatrabaho kita ulit. “Okay naman ako, Derek!” tipid kong tugon. “Oo nga! Ang bilis lang ng panahon.” “Teka, pauwi ka na ba?” tanong niya. “Dinner muna tayo, treat ni President. Magandang reunion ito para sa atin, ‘di ba?” Ngumisi ako, “Sorry, pero may plan na kasi ako. Maybe next time,” saad ko. “Mukha nga!” tipid niyang sabi. “Sige! Next time na lang. Isama mo si Rachel ha. Miss ko na ang babaeng iyon.” Nang banggitin niya si Rachel ay naalala ko ang nakaraan nilang dalawa. ‘Naging sila for one month pero nagdesisyon na maghiwalay dahil wala raw spark. Parang mga tanga lang!’ “Sure! Sasabihin ko sa kaniya iyan,” sagot ko. Muling tumunog ang cellphone ko kaya natigil ang pag-uusap namin dalawa. “Sorry, I have to go!” usal ko. Naglakad ako papunta sa driver seat ng marinig ko ang yapak ng sapatos. “Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Aleric na kanina ay tahimik na katabi lang ni Derek. “Sa tingin mo ba may sense iyang ginagawa mo? Magkatrabaho tayong dalawa kaya’t balewala lang itong ginagawa mo,” natatawa niyang sambit. Malamig ko siyang hinarap at matalim na tinitigan, “Hindi kita iniiwasan!” sagot ko. “Masyado ka lang nag-iisip ng hindi maganda, President Aleric,” usal ko. “If you’ll excuse me!” Bubuksan ko na ang pinto ng driver seat ng may pumigil sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at tumitig. “Hera!” seryosong tawag niya muli sa akin. Sasagutin ko na siya ng biglang mag ring ang aking cellphone. Binawi ko ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. ‘Iyon din ang naging way ko para makaiwas sa kaniya.’ “Hello, Ma!” sagot ko sa kabilang linya. “I’m on my way,” dugtong ko. Bago sumakay sa kotse ay hinarap ko siyang muli. “Excuse me, President! I have to go.” sambit ko at dali-daling sumakay ng kotse. Kinawayan ko na lang si Derek para magpaalam. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na niya ako pinigilan pa. Habang umaandar ang sasakyan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na muli siyang tingnan sa side mirror ng aking sasakyan. Nakatayo parin siya kung saan ko siya iniwanan kanina habang si Derek ay naglakad papunta sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan. Alam kong marami siyang tanong ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para linawin ang lahat ng mga nangyari. ‘Kasi, kahit ako ay hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya ang lahat!’ Natatakot ako na baka magbago pa ang isip ko kapag nakausap ko na siya. Baka kasi kung pipiliin ko siya ay may masisira naman akong relasyon o pamilya. ‘Kagaya na lang ng nagawa ni Mama sa pamilya ni Daddy.’ Alam mo ‘man o hindi na may karelasyon o pamilya ay malaki pa rin ang epekto ‘nun sa tao o mga taong masasagasaan mo dahil sa maling naging desisyon mo o pagiging selfish. ‘Pero ano nga ba ang mali? Kung tutuusin ay nagmamahal lang naman ako! Hindi ko naman intensyon na agawin siya sa taong unang nagmahal sa kaniya.’ Napahawak ako ng mahigpit sa manibela habang inaalala ang nangyari noon. ‘Hindi ko naman masasabing tama o mali ang aking desisyon. Pero kahit gawin ko ang tama o mali ay sa huli ako pa rin ang talo.’ Pagdating sa bahay ay nasilayan ko ang kotse ni Daddy na labas ng bahay. ‘Si Daddy mismo ang bumili na bahay para sa amin mag-ina.’ Simple lang iyon at hindi magarbo katulad ng bahay ng totoo niyang pamilya. ‘Isang palapag lang iyon na may dalawang kwarto, sariling banyo at katamtaman na laki ng kusina. Tamang-tama para sa amin tatlo nila Mama at Nanay Tina’ Pumarada ako sa likuran ng sasakyan ni Daddy at ilang minuto rin tumambay sa loob ng kotse bago bumaba. Nang pindutin ang doorbell ay ilang segundo lang at lumabas na si Nanay Tina. ‘Si Nanay Tina ay ang bunsong kapatid ni Mama.’ Habang binubuksan ang gate ay nagsasalita na siya, “Kanina ka pa hinihintay ng Mama at Daddy mo,” usal niya. Pagpasok ko ay hinalikan ko siya at inakbayan, “Anong ginagawa nila?” tanong ko. “Nag-uusap sila,” sagot niya. “Nariyan lang sila sa sala.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar ng makita si Mama na katabi si Daddy sa sofa. Nakasaklay pa ang kaniyang braso sa balikat ni Daddy. Ito naman si Daddy ay parang kinikilig pa habang kausap ang katabi. “Ma!” Mahina lang iyong tawag ko pero alam na niya ang ibig kong sabihin sa tono na iyon. Tinanggal niya ang braso sa balikat ni Daddy at mabilis na tumayo. Naglakad siya papunta sa akin at hinalikan ako. “Bakit ba galit ka?!” bulong niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata. ‘Senyales na umayos siya!’ Inakbayan niya ako sa balikat at ginaya papalapit kay Daddy. Hinalikan ko naman sa pisngi si Daddy ng makalapit sa kaniya. Tinapik niya rin ako sa likuran habang nakayakap sa akin. “Kamusta ka na?” tanong niya. “Medyo na late ka ata?!” “Sorry po! Nadelay po kasi ang flight namin pabalik dahil nagkaroon ng problema iyong eroplano.” Sumabat naman si Mama, “Mamaya niyo na pag-usapan ang trabaho. Kumain na muna tayo! Siguradong gutom na kayong dalawa.” Tiningnan ko ang buong lamesa at halos lahat ng mga pagkain ay paborito ni Daddy. Napatingin ako sa gawi ni Mama na hanggang ngayon ay asikasong-asikaso si Daddy sa aking harapan. Noong bata pa ako ay masaya ako kapag nakikita silang ganito. Pero lahat iyon ay pagpapanggap lang para ipakita sa akin na buo at masaya ang aming pamilya. Pero ng malaman ko ang lahat ng totoo - gumuho ang mundo ko. ‘Nabuhay ako sa isang kasinungalingan na pinangarap ko na sana magkatotoo na lang.’ Matagal na silang hiwalay dalawa pero never nagbago ang turing nila sa isa’t-isa. Sinasabi nila na magkaibigan na lang sila pero hindi iyon ang nakikita ko sa tuwing nakikita ang ngiti nakangiti sa kanilang labi. Kakaiba ang emosyon ng kanilang mga mata sa tuwing tinitingnan ang isa’t-isa. ‘Siguro nga totoo ang pagmamahal nila pero mali. Mali ang panahon sa maling tao.’ “Anak, umupo ka na riyan!” saad ni Mama. ‘Like the old times, ipagsa-sandok niya kaming dalawa ni Daddy. Uunahin niya kami kaysa sa kaniyang sarili. Ibinigay niya ang lahat para sa aming pamilya pero in the end, siya ang nasaktan, hinamak ang pagkatao at iniwanan. Siya lang ang nagsalo lahat ng sakit dahil ayaw niyang maramdaman ko iyon.’ Doon ko siya hinangaan dahil mas gusto niyang siya na lang ang masaktan kaysa akong anak niya. ‘Ibang usapan na kapag anak ang sangkot. Lahat gagawin niya at handang makipagpatayan para sa akin.’ Siguro kung sumuko si Mama, hindi ko na makakasama si Daddy. “Marvin, kumain ka ng marami. Lahat ito paborito mo,” sabi ni Mama habang patuloy na sinasandukan ng pagkain. “ Kinuha ni Daddy ang kubyertos at nagsimulang tikman ang mga pagkain na nilagay ni Mama sa kaniyang plato. “Hanggang ngayon ay masarap ka pa rin magluto. Alam na alam mo pa rin ang timpla ng mga pagkain na gustong-gusto ko,” puri ni Daddy. Namula si Mama sa sinabi niya. Hindi niya pinapahalata pero alam kong kinikilig siya. Napunta ang atensyon sa akin ni Daddy. “How are you?” tanong niya. “Hindi na tayo nakapag-usap ng matagal last time dahil -” “Alam ko po!” sagot ko para hindi na humaba ang explanation niya. “Naiintindihan ko,” dugtong ko. “I’m sorry! I know it’s been hard on your part, but I’m trying to protect and be one of us.” “Daddy, you know it will never happen,” sambit ko. Tumingin ako kay Mama, “From the start, nilinaw na nila sa akin kung ano ako sa pamilya niyo. But, it’s really okay. Hindi ko ipipilit ang mga bagay na magiging mahirap sa part niyo. Masaya na po ako sa ganitong set-up natin.” “Minsan na lang tayo kumain ng magkakasama, ganiyan pa ang pinag-uusapan niyong dalawa.” sabat ni Mama. “Let’s enjoy this dinner together. No need to mention unnecessary thing para saktan niyong dalawa ang inyong mga sarili. Can we just be happy tonight?” Napalunok ako sa sinabi ni Mama. “Sorry po.” “No need to say sorry. Ako ang dapat mag sorry sa inyo ng Mama mo dahil sa nangyari sa pamilya natin. Pero hindi ko kayang iwanan at pabayaan na lang kayong dalawa. I’m still your father.” Paliwanag niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. “Alam ko po,” ngiti kong sabi. “Salamat kasi palagi po kayong nariyan sa tabi namin ni Mama. Hindi niyo kami iniwan sa panahon na kailangan namin kayo.” Nagsimulang mag-kwento si Mama para maiba ang usapan namin mag-ama. “Matutuwa ka sa mga sinabi ni Jerald tungkol sa anak natin. She’s one of the best pilots in the company. Sobrang hangang-hanga ako sa anak natin dahil siya ang tumupad sa pangarap ko.” Napakasaya ni Daddy habang sinasabi ang mga iyon sa harap ni Mama. “Gustong-gusto ko maging piloto noon pero mas gusto ni Daddy na i-handle ko ang kumpanya ng pamilya.” “There’s no need to feel guilty. Tama lang ang ginawa mo. Ngumiti siya, “Nakita naman natin pareho ang sakripisyo, pagtitiyaga at pagiging dedicated ni Hera para maging proud tayo sa kaniya. Ang mga ginawa niya ay ang ginawa mo rin noon para sa iyong mga magulang at pamilya. Sa iyo nagmana si Hera.” “Of course not, Hilarie. Talagang responsableng anak lang si Hera. Kasi kahit gumastos ako ng milyon kung ayaw mag-aral ng mabuti ay walang mangyayari.” Tumingin sa akin si Daddy, “Kaya sobrang proud ako sa iyo, anak. Lalo tuloy lumalaki ang aking ulo kapag naririnig ko ang magagandang feedback ng airline pagdating sa iyo.” Dahil napasarap ang usapan ay hindi namin namalayan ang oras. Sa ganitong lugar at oras lang kami malaya kapag walang taong nakapaligid sa aming pamilya. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Marvin. Salamat sa oras na binigay mo sa amin.” Nasa loob na ng kotse si Daddy at pinapaandar iyon. “It’s my responsibility to check up on you and Hera. Pamilya pa rin tayo,” sagot niya. “Bye, Daddy!” paalam ko at iwinagayway ang kamay sa ere. Nang mawala sa paningin namin ni Mama si Daddy ay nagyaya na siyang pumasok sa loob. Maganda ang mood niya at mukhang nasa alapaap pa siya. Pagpasok sa bahay ay tinanong niya ako. “Dito ka na matulog, anak!” Sambit niya. “I can’t, Ma. Maaga pa ang flight ko bukas. Malayo ito sa airport at traffic pa sa dadaanan ko. Sinimangutan niya ako, “Minsan lang naman ako mag request, tinatanggihan mo pa ako!” Nagpapa-konsensya pa siya. Huminga ako ng malalim at sumagot, “Okay. Pwede ba ‘Ma, huwag ka na magkunwaring nagtatampo riyan.” Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, “Thank you, anak!” Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya, “Masaya ka?” natatawa kong tanong. “Kapag narito si Daddy talagang hindi maipaliwanag ang kasiyahan mo ano?! ‘Ma, pinapaalala ko lang sa iyo.” “Anak, hindi ko naman itatangi sa iyo. Alam mong hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin ang Daddy mo kahit nagawa niyang maglihim sa atin tungkol sa kaniyang unang pamilya. Maniwala ka ‘man o hindi, sapat na sa akin na minahal ako minsan ni Marvin.” “Ayan ka na naman sa kadramahan mo, ‘Ma! Bakit ba paborito mong palabas iyon ni Sharon at Richard?” “E kasi, nakaka-relate ako. Although Daddy mo lang ang may pamilya at single ako, parang ganoon kasi ang nangyari sa amin. Hindi na namin pinilit ang mali at ginawa ang tamang gawin.” “Sa tingin mo ba, tama na narito siya kanina? At iyong inaasta mo na parang teenager lang, tingin mo tama iyon?” suhestiyon ko sa kaniya. “Alam mo naman na ayaw ko lang magkaroon ng gulo sa pagitan mo at pagitan ng legal wife,” paalala ko sa kaniya dahil concern ako. “Bilang kaibigan, ama at bisita mo ay tama! Wala kaming ginawang mali. Tanggap na namin pareho na ganito na lang kami.” “‘Sus! Ang dami mo talagang alam, ‘Ma. Matulog na nga tayo,” yaya ko sa kaniya. Nakangiti si Mama habang nakapikit ang mata at nakayakap sa akin. ‘Hanggad ko rin naman na maging maligaya siya pero hindi sa paraan na makakasakit na naman siya ng iba.’ Nakaunan siya sa aking bisig kaya’t nahihimas ko ang kaniyang buhok. ‘Isa sa mga gusto niyang ginagawa ko para makatulog siya.’ “Goodnight, anak!” lambing niyang sabi. “Goodnight, ‘Ma! Love you,” tugon ko. Hao Residence of First Family “Ginabi ka ata ng uwi?” tanong ni Naomi sa asawa. Nakaupo siya sa sofa habang hawak ang baso ng wine. “Galing ka na naman sa kabit mo!” saad niya. Tiningnan siya ni Marvin at walang balak na makipag-diskusyon sa kaniya. “Binisita ko lang sila.” Hindi na niya iyon tinanggi pa dahil kahit magsinungaling siya ay mas lalo lang maging malala ang sitwasyon ngayon. “Bilang ama ni Hera ay responsibilidad ko pa rin na makasama siya, kahit sandali lang.” “Leche!” bulyaw ni Naomi. Kasabay noon ay ang tunog ng nabasag na baso. “Hanggang ngayon, ayaw mo pa rin tigilan ang kabit mo!” “Naomi, ano pa ba ang gusto mo? Kayo ng mga anak natin ang pinili ko!” sagot sa asawa. “Oo! Kami ang pinili mo, pero ang puso mo nasa kanila!” Dinuro-duro niya ang dib-dib ni Marvin. “All these years, sila pa rin ang mahalaga sa iyo. Siya pa rin hanggang ngayon!” “Inamin ko na ang pagkakamali ko. Itinama ko iyon para lang maging maayos ang pamilya natin at tigilan mo sila. Naomi, hindi ako naglihim sa iyo at lahat ng detalye sinabi ko. Pinipilit kong ayusin at i-tama ang lahat pero hindi mo nakikita iyon.” “Kasi mas minahal mo siya!” Hindi naka-imik pa si Marvin dahil totoo ang sinasabi ng asawa. Pero tinama na niya ang kaniyang pagkakamali kapalit ng kaniyang pansariling kaligayan alang-alang sa kaniyang mga anak. “Naomi, tama na!” nagsusumamong sambit sa asawa. Iniwan ni Marvin ng mag-isa ang asawa. Pagod na pagod na siya sa ganitong paulit-ulit na pangyayari pero tinitiis niya dahil iyon ang consequence ng nagawa niyang kasalan sa asawa at pamilya. Sa kabilang banda ay nanlilisik ang mga mata ni Naomi habang nakakuyom ang palad. Hindi niya kailanman matanggap ang ginawa ni Marvin dahil minahal at naanakan niya ang babae. At hanggang ngayon ay hindi niya mapatawad ang asawa dahil sa tuwing nakikita niya si Hera ay ang kasalanan ng asawa ang kaniyang nakikita. ‘Dahil nabuo si Hera sa makasalanan na pagmamahal.’ Aleric Zeus Marcet “Good morning, President!” bati sa akin ni Derek pagpasok ko ng opisina. Inilatag niya lahat ng mga schedule at gagawin ko ngayong araw. Dahil bago sa aking posisyon ay marami akong adjustment na ginagawa. “Hindi ka ba nakatulog ng maayos?” tanong ni Derek at nahuli ko ngang nakatingin sa akin. Ngumiti siya, “Hindi ka ba pinatulog ni Hera sa isip mo?” biro niya. ‘Totoong hindi nga ako nakatulog dahil si Hera nga ang iniisip ko dahil never siyang nawala.’ “Aleric, gusto ko lang na paalalahanan ka!” sabi niya. “May girlfriend ka na at si Aimee iyon. Hindi tamang umaligid ka pa kay Hera ngayon nagkita kayo muli. Alam kong naudlot ang pagmamahalan niyo noon pero imposible mo ng maipag patuloy iyon.” ‘Akala mo kung sino siyang expert sa pag-ibig.’ “Saan akin mo pa talagang sinabi iyan?” balik kong tanong sa kaniya. “Huwag ka na ring umasang magkakaroon ng part 2 ang relasyon niyo ni Rachel dahil hindi ako papayag na ikaw lang ang magiging masaya! Akala mo, hindi ko alam ang dahilan mo kaya sumama ka sa akin?! Derek inuunahan na kita ngayon pa lang,” sabi ko. “Alam mo, President. Sa pagitan namin ni Rachel ay posibleng magkaroon pa rin kami ng relasyon kasi single kaming pareho. Paano ko nalaman? Kasi nakapag-tanong-tanong na ako. E ikaw, no choice. Pumayag ka ba naman kasing maging girlfriend si Aime. Ngayon imposible ng makawala ka pa sa kaniya. Kasi hindi siya papayag na mawala ka.” “Akala ko kasi makakalimutan ko si Hera kapag ginawa ko iyon. At hindi ko rin naman kasi inaasahan na magkikita kami ulit,” tugon ko sa kaniya. “Alam mo,” panimula muli ni Derek. “Walang nakarelasyon si Hera ‘ni isa sa mga empleyado rito sa airline. Sabi pa nga ng informant ko, malamig daw ang pakikitungo ni Hera sa mga lalaki.” Napahimas siya sa kaniyang baba. “Baka ikaw pa rin ang mahal ‘nun hanggang ngayon.” Ilang sandali pa ay hindi na naman siya napigilan magsalita, “Pero instinct ko lang iyon. Baka nga wala siyang boyfriend dito dahil nagtatrabaho sa ibang kumpanya, ‘di ba?” Nanlilisik ang mata ko sa kaniyang sinabi. “Titigilan mo ba ang kadaldalan mo o hindi? Gusto mo ba ibalik na lang kita sa pinanggalingan mo?” pananakot ko. “Huwag naman! Nagbibiro lang naman ako, e!” sabi niya. “Pero bibigyan kita ng tip ha. Kung mahal mo pa rin si Hera at gusto mo siyang makuha ulit, ayusin mo muna ang relasyon niyo ni Aimee.” Napahilot ako sa aking sintido. “Umalis ka na nga!” Sambit ko. Habang nagtatrabaho ay hindi nawala sa aking isip ang mga pinagsasabi ni Derek. ‘Ngayon nakita ko si Hera ay naisip kong mali ang ginawa kong padalos-dalos na desisyon. Sana nakapaghintay pa ako. Nasa sinigurado ko na wala na akong pagmamahal sa kaniya bago pumasok sa isang sapilitan na relasyon.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD