Hao Residence of First Family “Aimee!” tawag ni Naomi sa anak. Kanina pa niya kinakalampag ng malakas ang pinto ng kwarto ng anak pero hindi iyon binubuksan. “Aimee!” tawag pa muli. Dahil sa pag-aalala at kutob na maaaring gawin ng anak ay nagmadali siyang kinuha ang susi ng kwarto. Nang buksan niya nga ang pinto ay tumambad sa kaniya ang walang malay na anak sa kama. Gigisingin lang sana niya iyon ng makita ang dugong mantsa sa kumot. Tinanggal niya ang kumot at nanlaki ang mata ng makitang umaagos ang dugo sa pulsuhan ng anak. “Ahh!” sigaw niya. “Aimee!” tawag sa pangalan ng anak. Kahit natataranta sa takot ay nagawa niyang takpan ng tela ang pulso ni Aimee upang mapahinto ang dugo. Ilang sandali pa ay nakapukaw ng atensyon ang sigaw ni Aimee. “Mommy?” tawag ni Nigel. “Are you ok