Hera Nyx Taevas Paglabas namin ni Aleric sa clinic ay umupo ako sa waiting bench na nasa gilid. Hindi ako makapaniwala na totoo ang sinasabi ni Aleric na buntis ako. Napaisip pa ako sa kabilang banda. ‘Akala ko ay sumuko na siya sa pinagpapantasyahan niya mabubuntis ako dahil lumipas ang dalawang linggo ay hindi naman niya ako pinilit na pumunta rito sa hospital. “Bakit hindi ko alam!” bulong ko. “Posible ba na mangyari iyon?” dugtong kong tanong. “Siyempre, oo. Kasi ginagawa namin iyon.” Kinakausap ko ang sarili ko dahil sa aking nalaman. Hindi ko makumbinsi ang sarili ko na sa maikling panahon ay mabubuntis niya ako kaagad. “Hindi!” usal ko. Napasabunot ako sa aking buhok at pailing-iling na parang baliw. “Anong gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko. Nagulat ako ng may humawak sa aki