Devon Tamayo Pag-alis ng isla kasama ang kambal ay nawalan ako ng connection sa aking mga tauhan. Marami silang ipinagbawal dalawa upang masigurado ang safety at security ng kanilang grupo. Sakay ang speedboat pabalik ng lungsod ay may naka-abang nang sasakyan doon kung saan kami sasakay papunta sa kanilang amo. Habang nasa byahe ay nag-ring ang cellphone ng aking katabi. Sinagot niya iyon habang tumitingin sa akin. “Good!” usal niya. “Alam niyo na ang susunod na plano!” dugtong pa. Pagbaba niya ng telepono ay iniwas niya ang tingin sa akin at nagsalita. “Ligtas na ang mga tauhan mo. Pati ang mga babaeng biktima ni Fernando,” saad niya. Bumuntong hininga siya. “Alam na ng mga pulis ang gagawin sa kanila.” Muli siyang lumingin sa akin. “Patay na rin si Fernando!” dugtong niya. Na-al