Tamayo Residence “Isang tao lang ang babantayan niyo, nawawala pa sa paningin niyo!” Bulyaw ni Lord sa kaniyang kausap sa telepono. “Hanapin niyo siya at siguraduhin niyong ligtas siya!” Napahilot siya sa ulo, “Mahigpit kong paalala sa inyo na bantayan siya ng mabuti. Alam niyo naman nasa paligid lang ang kalaban natin!” “Boss, hinahanap na namin siya. Talagang bigla na lang siyang nawalang parang bula.” “Napaka-imposible naman ng sinasabi mo! ‘Ni isa sa inyo ay wala ‘man lang nakapansin sa inyo? Na-check niyo na ba ang CCTV?” “Pinanood na namin, pero kabisado niya ang lugar na mga walang CCTV sa lugar.” “s**t!” mura niya. “Kung kailangan niyong bali-baliktarin ang bar na iyan ay gawin niyo para mahanap siya!” Pagbaba ng tawag ay naka-abang naman sa likuran si Naomi. Kauuwi lang niya